CHAPTER TWENTY ONE

553 12 0
                                    

    MAZE is busy analysing the latest accounting report submitted to her. May kumatok sa pinto na nagpatigil sa ginagawa niya. 

    “Pasok!” sigaw niya.

    Bumukas ang pinto at sumilip ang kanyang assistant na si Ashley. Ngumiti ito at suminyas na lumapit siya. Nagtataka man ay tumayo siya at lumapit dito.

    “May problema ba?” tanong niya.

    “Ma’am Kaze, congratulations.” Sabi nito sa kanya na nagpagitla ng kanyang noo.

    “Anong sinasabi mo?”

    Bago pa siya masagot ng kanyang assistant ay may narinig siyang tugtug mula sa labas ng opisina niya. Salubong ang kilay na tiningnan niya si Ashley. Hinawakan nito ang kamay niya at giniya siya palabas ng kanyang opisina. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang lahat ng staff niya na nakaikot sa kanya. Nasa gitna ng mga ito si Kuya Shan at Sheldon na parehong may hawak na pulang rosas.

    Ngumiti siya at unti-unting lumapit. Kinuha niya ang hawak nilang mga bulaklak. Nang matanggap niya ang mga iyon ay nahawi ang mga staff niya at dumaan doon si Joshua na may hawak na gitara, nakasunod dito si Shilo na nakasuot ng rip jeans, white t-shirt at gray jacket na may hoodie. Para itong teen boy sa suot. Hindi niya napigilan ang mapangiti sa nakita. May hawak na isang white roses si Shilo. Lumapit ito sa kanya na may ngiti sa mga mata. They say love can see in the eyes of the person and that’s what she seeing at Shilo.

“I know my friends they give me bad advice

Like move on, get you out my mind

But don't you think I haven't even tried?

You got me cornered and my hands are tied

You got me so addicted to the drama

I tell myself I'm done with wicked games

But then I get so numb with all the laughter

That I forget about the pain

Whoa, you stress me out, you kill me

You drag me down, you f*** me up

We're on the ground, we're screaming

I don't know how to make it stop

I love it, I hate it, and I can't take it

But I keep on coming back to you”

    Kanta ni Shilo na ikinangiti niya lalo. Hindi kagandahan ang boses nito, kung sa mga singer ay average lang ito pero nagbigay ng kilig sa kanya iyon. He is making effort now. Iyong hindi niya akalain na magagawa nito ay ginagawa nito para lang mapasaya siya. Like cooking food for her, going on a crowded place or watching clingy movie. Those couple usually do that makes her smile and joy. Inilapit niya ang mukha rito.

    “I should be the one to sing that song.” Bulong niya rito na ikinatawa ni Shilo.

    “You really know how to strike me now.”

    “Well, Mr. Shilo Chauzo Wang, I already change. Do you still love me, right?” tinaasan niya ito ng kilay.

    Ngumiti si Shilo at hinapit siya sa baywang dahilan para mapalapit ang katawan niya rito. “Do I need to answer that question, Ms. Kaze Alexa Lu?" Hinalikan ni Shilo ang dulo ng kanyang ilong na ikinasigaw ng lahat.

    Natawa na lang silang dalawa ni Shilo. Kumalas siya sa pagkakahawak nito.

    “What’s the meaning of this?” tanong niya rito. “May okasyon ba?”

The Runaway Groom (Wishing Girl 1)Where stories live. Discover now