Chapter 1:

1.2K 16 0
                                    

Gabriella's POV:

"Sweetie wake up" nagising ako ng may maramdaman akong yumuyugyog sa akin. Hayyss si mommy lang pala.

"Bakit po mommy?" Tanong ko habang kinukusot ang aking mata. Hmmm Wala kaya akong muta nito? Nakakahiya naman kausap ko pa naman si mommy.



"Ngayon ang flight niyo ng kuya mo pabalik ng pinas remember?" Ahh. Babalik na pala kami ng pinas. May pasok na nga pala ng Monday.




"Ah. Yes mom" sagot ko habang nag kakamot ng ulo.



"Ok sige na. Maligo ka na at bumaba. Para makapag breakfast muna kayo ng kuya mo bago umalis."

"Ok mom." Sagot ko. Dumukwang siya saka ako hinalikan sa noo. Saka bumaba na.



Napabuntong hininga nalang ako. Tumayo na ako saka dumaretso ng banyo. Buti nalang pala nakapag empake na ako kagabi pa.  Nagbakasyon lang kasi kami ni kuya dito simula nong matapos ang school year dati.




Nang matapos maligo, humarap nako sa salamin upang mag ayos naman ng aking mukha. Hayyy bakit ba ang kyut kyut kyut ko? Nagsimula nakong mag ayos at pagkatapos bumaba na ko.



Nadatnan ko naman si kuya na inip na inip na naghihintay sa sala. Nakapangalumbaba pa ito habang tinatap ang paa sa sahig... Trip neto?



Ng mapansin ako, agad itong tumayo at naglakad papunta sakin.
"Bakit mo dala dala iyan? Mabigat yan ah? Tss. Kaya hindi ka lumalaki eh. Amin na nga yan! Tss."  Maka tss naman to! Si kuya talaga ang oa. Kahit kelan. Di naman mabigat yun eh!






Hindi na nga ako nakaangal dahil agad na niyang kinuha yung maleta ko. Pumunta nalang akong kusina. Pagdating ko sa kusina, nandoon na din sina mommy at daddy. Lumapit ako sakanila at parehas ko silang hinalikan.


"Good morning mom" saka ko siya hinalikan sa pisngi. "Goodmorning dad" saka ko din siya hinalikan sa pisngi.

"Oh umupo kana sweetheart" sabi ni dad. Umupo naman ako sa tabi niya. Sa harap ko naman si dad. Di nagtagal, dumating na din si kuya at naupo sa tabi ni mom.  Saka Nagsimula na kaming kumain.


"Mag iingat kayo ng kuya mo doon ha?" Malungkot ang boses na sabi ni mommy.
"Oo naman po mommy" sagot naman ni kuya.
Nakooo ma mimiss ko talaga sila mommy at daddy.



"Ryder ikaw na ang bahala sa kapatid mo ah? Wag mong papabayaan iyan. baka mamaya mag uwi nang lalak—-"

"Daddy!" Namumulang sabi ko kay daddy.

"Bakit sweetheart? Naninigurado lang ako.. baka mamaya, may manligaw na agad sayo. Ke bata bata mo pa" nanunuksong sabi ni daddy.

Tss.


"Ako na pong bahala dad" sagot naman ni kuya. Hanggang sa natapos kaming kumain hindi nila kami nilubayan ni kuya sa mga pangaral nila. Haru jusko.




Hinatid nila kaming dalawa ni kuya sa airport. 10 am pa naman ang departure at 8:am palang.  It's better to be early daw than to be late sabi ni kuya. Ewan ko kung anong kaekekan nanaman pinagsasasabi ni kuya. Hayss




Bago pumasok ng eroplano, hinalikan ko muna sina mom and dad sa pisngi. Ganon din si kuya.

Nang makapasok na kami ng eroplano, agad akong humanap nang pwesto at umupo dun sa may malapit sa bintana. Umupo na din si kuya sa tabi ko.


Nagpasak nalang ako ng earphone at umidlip saglit.

*******

Nagising ako ng may pumitik sa noo ko. Pagmulat ko, tumambad ang nakangising mukha ni kuya. Aishh ito talagang si kuya kahit kelan ang hilig mamitik ng noo!

"Tara na. Tayo nalang ang nandito oh" turo niya. Tiningnan ko naman yung loob ng eroplano. Oo nga no? Kami nalang nga yung tao.

Tumayo nako at naglakad na pababa. Si kuya nanaman ang may dala ng maleta ko. Kahit kelan talaga naaapaaakaa OA.


Agad kaming sinalubong ng driver na si mang Robert. Dumiretso na ko sa backseat ng kotse. Saka pumikit ulit. 10:pm na ng gabi. Ang haba pala nang naging byahe namin.

***

"Oh pumanik ka na sa taas at magpahinga ka na. Ako nalang ang maglalagay sa taas nitong mga gamit mo." Sabi ni kuya.
"Sige salamat kuya" saka na ko pumanik sa taas.


Pagpasok ko palang sa kwarto ko, agad na kong humilata sa kama. Hayyy ang haba ng byahe namin. Nakakapagod.


Nag half bath nalang ako saka sinuot yung partner na pajama ko. Mas komportable kasi akong matulog kapag naka pajama.


Kakahiga ko pa lamang sa kama ng may tumawag sa phone ko. Kinuha ko iyon at tinignan ang caller. Si Vanna (Giovanna) pala. Sobra kong namiss yung tatlong yun.

"Oh hello?" Sagot ko.

"GABBBBB!" Nalayo ko nalang yung phone ko sa tenga ko. Maka sigaw naman to!

"Hey heyy! Waitt ang lakas naman ng boses mo." Nakalayo pa din yung phone ko sa tenga ko. Feeling ko mabibingi na ko.

"HAHAHHAAH IM JUST EXCITED GURL! Waitt kadadating mo palang ngayon diba?"
Medyo humina na din yung boses niya.

"Oo." Maikling sagot ko. E kasi naman inaantok na ko saka super duper pagod ko no!

"Okay let's meet!" WHAATTT!?

"Ano? Baliw ka ba? Kitang nagpapahinga yung tao eh!" Wag ka nang makulit please! Please! Please!

"Aishh! Sige na naman oh! Pleaseeeee" ayan nanaman po ang kanyang paawa effect.. jusko pano ko makakatanggi?

"Pleaseeeee dali na! Bihis na kasiii! Dalian na tinawagan ko na sina Sab at Avery!" Nakuu talagang di na ko makakatanggi. Besides, sobrang namiss ko yung tatlong yun eh.

" osige na nga. Sunduin nyo nalang ako dito. Di ako makakatakas kay kuya eh" dapat kasi makita niya muna yung mga kasama ko para payagan ako. Alam nyo naman kuya ko, abnormal. Charowt! Baka mamaya isumbong niyo ko dun.

"Yieeeee! Suree! I guess i have to go na. They're here na eh. They're also excited to see you! Kbye gotta go!" Saka na nya binaba ang phone.


Di ko naman maintindihan yung english ng babaitang yun.  By the way excited na din akong makita sila. Since Sunday palang naman bukas, may time pa kaming maglakwatsa ngayong gabi, bukas nalang ako magpapahinga ng husto. Tumayo na ulit ako sa kama saka pumili ng masusuot. Teka saan ba kami pupunta? Alas onse na ng gabi ah? Hayss bahala na nga. Sinuot ko nalang yung red off shoulder dress na hanggang tuhod. Saka nag colored cream wedge na 1inch ang haba. Saka ko nalang nilaglag ang medyo curled ko  buhok. Ok na to no.

Bumaba na ko ng hagdan. Sakto nasa sala na silang tatlo kasama si kuya. Hmm siguro pinag papaalam nako ng mga to.

"Oh myy! Gabbb!" Tumakbo silang tatlo papunta sakin saka ako sabay sabay na niyakap. Namiss ko tong tatlong to.

"Na miss ka naminnn!" Sabay sabay nilang sabi saka kami nagtawanan. "Lalo ka atang gumanda gurl ah?" Tanong ni Sab napakahiyain talaga neto. Pati pag sasalita ang hinhin eh.

"Hindi naman gurl! Kayo nga tong lalong gumaganda eh!" Saka ko lamang napansin sakto lang yung suot ko. Naka dress din silang lahat.

Pinagpaalam lang nila ako kay kuya saka na kami lumabas. Etong si kuya kung ano ano pa yung dinada kesyo mag ingat kami marami daw rapist sa paligid. Na paparanoid nanaman tong lalaking to eh. Yung totoo? Nanay ko ba to o kuya?


To be continued;







————————————————————————

So hello ulit mga pipss! Sorry kung medyo boring pa! Hayaan niyo babawi ako pag nakaluwagluwag na. Yieee hahahahha tandaan niyo lagi. Kayo ang inspiration ko. Lovelotsss!❤️

She's Into Himحيث تعيش القصص. اكتشف الآن