Chapter 3:

216 7 0
                                    


Gabriella's POV

" AAHHHHH! Nakakainis talaga!" Pumunta na ko ng table namin habang nag t-tantrums. Pagdating ko doon nandon na ang tatlo. At talagang kelan pa nag enjoy sa bar tong si sab at avery?

"O? Anong nangyari sayo? Ba't simangot na simangot ka at bakit basa ang damit mo?" Tanong ni Sab. Pati siya nag eenjoy? Himala.

"May isang panget na lalaki kasi kanina na nabuhusan ako ng wine!" Saka ako umirap. Kainisszz talagaaa! Binabawi ko na na gwapo siya!


"WAHAHAHAHAHA!" Nanlalaki ang mga mata kong humarap sa kanila. "Anong nakakatawa?" Nabuhusan na nga ko't lahat lahat tawa pa ng tawa tong mga timawang to!

"Laptrip kasi yang mukha mo. HAHAHAHA di maipinta eh!" Pambibwisit pa ni Avery. Inirapan ko nalang sila saka na nag ayang umuwi. 1:00 na pala ng madaling araw. Ang tagal ko ba namang nakipag away sa lalaking iyon!? Nakakabanas!

Makarma sana yung lalaking yon! Pagkahatid nila sakin, agad na kong pumanik sa taas. Buti naman tulog na ata si kuya. Kundi tatanungin na nanaman niya ko nang kung ano ano hanggang mag umaga. Ewan ko dyan kay kuya. Kung umasta daig pa yung nanay namin eh!

Naghilamos agad ako saka humiga na sa kama.
Super nakakapagod naman ng araw na to..
Dahan dahan akong pumikit at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Xavier's POV:

Nakakainis yung babaeng yun! Hanggang ngayon di mawala sa isip ko! E pano ba naman nakaka bwisit! Kung binigay niya nalang sana sakin yung wine kanina, edi sana, hindi natapon at hindi ko binayaran lahat ng yon!

Nauna nakong umuwi kanina sa tatlo dahil wala nako sa mood. Kinuha ko ang phone ko tsaka dinial ang number ni Zuri.

Bakit naman di sinasagot ng pandak na yun? Nasa bar pa kaya yung tatlong yun? Naka ilang tawag pa ko bago nya sinagot ang tawag.

"Oh hello? Xavier Bro?" Teka ba't ganito boses nito? Pang bakla.

"Hello? Nauna nakong umuwi sa inyo." Sagot ko.

"Bro bakit naman agad kang umuwi? Sayang ang saya pa naman wooohh!" Nag eenjoy pa nga.

"Wala lang" sagot ko saka ko na binaba ang tawag.

Pinikit ko na ang mga mata ko saka na nakatulog.



FAST FORWARD>>
MONDAY_

GABRIELLA's POV

Maaga akong nagising dahil excited akong pumasok. Sino ba namang di maeexcite sa first day of school diba? Ang ayaw ko lang dito, palagi nalang pumupunta sa gitna upang mag pakilala.

Agad akong tumayo sa higaan at deretso na sa banyo upang maligo. Pagkatapos kong ginawa lahat ng ritwal ko sa banyo, sinuot ko yung uniform ko saka nag ayos ng mukha.
Grabe! Ang dami ko palang muta! Char!

Pagkatapos mag ayos, agad akong bumaba para makapag almusal na. Lulukso lukso pa kong bumaba ng hagdan. Napatingin naman sakin si kuya. " oh bat ang saya mo ata ngayon?" Tanong niya habang nag kakape at nagbabasa ng dyaryo.

"Wala naman po kuya" sagot ko saka na naupo sa mesa. Tapos ng mag aral si kuya at may work na siya sa isang company. Sabi ko nga kay kuya dapat mag tinda na lang siya sa boutique namin eh. Kaso ayaw. Bahala siya jan.

"Mag ingat ka sa school ah! Nakuu marami pa namang mga loko loko na mag aaral ngayon nakuu!" Eh? Pinagsasasabi ni kuya? Ayan nanaman po umaandar na naman yung pagiging nanay mode niya nakuu!

Napatakip nalang ako ng tenga. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin. "Hoy bakit tinatakpan mo yang tenga mo?" Tanong niya.

"Kuya naman, ano nanaman po bang pinagsasasabi mo?" Si kuya daig pa nanay talaga!

" what? Nagsasabi lang ako ng totoo." Eh?

"Kuya, What makes you think na hindi ako mag iingat?"

"Nako kung hindi lang kita kilala, yang utak mo nasa talampakan nanaman!" Grabe naman makapanlait tong si kuya ah!

"Ewan ko sayo kuya! Wala ka lang kasing lovelife" sagot ko tsaka bumelat. Haha sabi ko na ba't yun lang ang pangtapat dito eh.

"Hoy! Gab! Bawiin mo yang sinabi mo! Meron ako ano! Excuse me no! Habulin kaya ako ng mga babae!" He almost exclaimed. Defensive much lang? Hahahahhaha ang saya naman mambwisit hihi.

"Sus! Aminin ko na kuya torpe ka lang! Haha ni wala ka pa ngang napapakilalang babae kina mommy at daddy eh! Hahaha" laptrip talga yung mukha ni kuya eh hahahaha!

Bigla naman siyang nag blush. What!? Nag blush si kuya? Ekkkk anong nakain neto? Nanlalaki ang mata kong tiningnan siya.

"Kuyaaaaa!? Wait! Nag b-blush ka oh!" Napahawak naman siya sa mukha niya saka napayuko. Oh no first time kong nakitang ganito si kuya. Mukha syang cute na bakla.

"B-bilisan mo nga dyan! Ang bagal mo! Late ka na oh!" Asusss, if i know iniiba niya lang yung topic. At dahil sa dakilang makulit ako, di ko siya tinigilan hanggang makasakay ng kotse.

"Kuyaa dali na sabihin mo na sakin kung sino yung malas na babaeng gusto mo!" Kulit ko sakanya habang nagmamaneho siya. Napakunot naman ang noo niya.

"Hoy! Anong malas!? AYOKO!"

"Dali na kasi kuyaaaaa" kulit ko sakanya niyugyog ko yung balikat niya.

"Aray! Ano ba? Kapag tayo na aksidente, mahal ang funeral oy!" Tumigil naman ako. Mahal daw eh. Isipin mo, madami na kong mabibili sa perang pang funeral ko. Mag panggap kaya kong patay? Tapos nun ililibre ko yung mga kaibigan ko hihi. Grabe Gab! Soooobrangggg talino mo.

Ilang sandali lang nasa parking lot na kami ng school. "Hoy mahal na prinsip- este prinsesa, bumaba ka na! Lahat ng bilin ko sayo ah! At makinig ka sa teacher mo! Baka habang nagkaklase kayo, yung utak mo, ayunnn andun nag s-slide! Atsak--"

"Mag ingat ka dito sa school ah? Nakuu marami pa namang mga loko lokong mga estudyante ngayon! Opo." Tinuloy ko nalang yung sasabihin niya. Kanina pa yang si kuya! Hindi ko na nga maalala kung ilang beses na niyang sinabi kanina yan eh!


"H-hoy! Line ko yan ah! Ulitin natin! Dali na ako nga yung may line dyan bakit mo sinabi!?" Seriously kuya!? Mukha pa syang frustrated niyan ah. Di ko na siya pinansin tumalikod nako saka kumakaway sakanya habang naglalakad.

"Hoy! Gab! Ulitin nga natin sabi eh! Bakit mo kasi sinabi yon!? Hayy si kuya sinusumpong nanaman ng topak niya. Pagpasensyahan niyo na po sana siya. Nakalimutan po sigurong uminom ng gamot.

"Tanong mo kay author! Che!" Malakas kong sabi. Medyo nakakalayo na kasi ako sakanya.

[ A/N : luhh ba't nadamay ako?]





------------------------
A/N: Hello ulit mga pippss! Update ulet! Hahaha lunes na bukas lagowt hahaha. Late gabi na lang siguro akong mag uupdate bukas. Hihi lovelots!❤️

She's Into HimWhere stories live. Discover now