Chapter 2:

364 6 2
                                    


Pagpasok namin ng bar, samut saring mga lasing na lalaki na may mga nakakandong na babae ang nakikita namin. Kadiri naman tong mga to!

Agad silang pumunta sa pwesto na malapit sa dancefloor. Pinagsisisihan ko ng sumama ako dito. Di ko nga din alam kung pano napapayag ni vanna yung dalawang to. Lalo lng tuloy sumakit yung ulo ko dahil sa mga ilaw dito sa bar.

Agad silang or should i say si vanna lang. babae talagang to! Agad siyang umorder ng maiinom namin. Buti nalang hindi puro mga hard drinks yung mga inorder niya. Kundi lagot ako kay kuya kapag umuwi ako ng lasing!


Dumating na din yung mga inorder naming drinks at snacks. Pineapple juice lang yung kinuha ko. Baka mamaya malasing ako at gumapang nako pauwi.


"Hoyy tara na gurls mag saya tayo dahil magiging hell na ulit ang buhay natin pag nagpasukan na! Kailangan na nating sulitin to" sabi ni vanna na nakangiting aso.


"Tara na't magsayaw!" Masiglang sabi niya.

"Kayo nalang." Sabi ko ayaw ko namang sumayaw sa maraming tao tulad nito. Ang tigas ko kaya pag sumayaw!

"Ang kj naman neto" naka pout pa niyang sabi. Hay nako vanna ikaw na ata ang pinaka baliw na babaeng nakilala ko.




Wala namang nagawa ang dalawa ng hilahin sila ni vanna paluntang dance floor. Nagsimula na silang mag sayaw sa dancefloor feel na feel pa nila ah. Pag kayo sumakit sakit ulo niyo dahil sa hangover, bahala na kayo sa buhay niyo.

Tumayo ako saka ako pumuntang cr. naiihi na din ako. Kanina pa kaya ako inom ng inom dito. Feeling ko nga ang laki na ng tsan ko. Puro juice nalang ang laman.

Nagmadali na kong pumunta ng cr. buti nalang walang pila at kokonti lang ang nag c -cr. nang matapos akong mag jingle, nag retouch lang ako ng kaunti. Mukha na kong gurang eh.


Pagbalik ko sa upuan namin, napansin kong wala na palang laman yung baso ko. Kaya pumunta nalang ako bartender saka umorder ulit. Gusto ko naman yung medyo may alcohol naman. Para medyo extreme hehe.


Hmmm. Ano kayang pedeng orderin? Wala naman akong masyadong alam pagdating sa mga alak alak eh.


XAVIER's POV:

Nandito ako ngayon sa bahay. As usual nakaharap nanaman sa mga libro. Simula na kasi ng klase sa Monday. Tinignan ko ang oras at 10 pm na pala.

Saktong may tumawag sa phone ko. Malamang xavier. Nako ano nanaman kayang kabobohan ang ibabahagi sakin ni Zuri?


"Oh?" Sagot ko.

"Ano ba yan! Oh lang? Nag effort pa namang tumawag ang gwapong ako sayo." Sabi ko na ba't puro kabobohan at kahanginan ang sasabihin nitong lalaking to eh.

"Ba't kaba kasi napatawag?" Bored kong sagot saka siya inirapan kahit di niya nakikita. Nahahawa na din ako sa kabobohan neto eh.

" wala lang. aayain sana kitang lumabas." Agad naman akong napalaki nang mata.

"WTF!?"

"Chill bro chill. HAHAAHA eto naman di mabiro. I mean tayong mag t-tropa. Kailangan na nating magsaya dahil isang araw nalang bro, isang araw nalang nasa hell na naman ako!" Ang Oa talaga ng lalaking to kahit kelan.

Since tapos na din akong mag basa, pumayag na ko.

"O sige na kita nalang tayo sa bar. " saka ko na binaba ang tawag.

Nag shower ulit ako saka na nagbihis. Saktong pagbaba ko, nasa sala pa pala si manang. Nako baka isumbong ako neto kay mommy pag nagkataon. Hayaan na nga, malaki na man na ko eh.

She's Into HimWhere stories live. Discover now