Diamond
Iyak ako ng iyak habang lulan ng taxi pauwi sa bahay ni Kristina. Bakit siya ganon? Bakit ang dali lang sa kanyang sabihin lahat 'yon? Pinapaasa niya ang puso ko! Hinaharangan niya ang puso kong kalimutan siya. Why is he so unfair?
"Daya? Shit." Anas ni Kristina nang salubungin ako. "What happened?"
Umiling ako't yumakap sa kanya. Walang tigil sa pagbagsak ang luha ko.
"Sorry besh. Sorry."
"No Tina. Hindi mo naman kasalanan eh."
"Hindi kasalanan? Kung sana ako 'yong sumipot diyan sa interview na 'yan, hindi ka uuwing ganito. Tangina naman oh."
Pinunasan ko na lang ang luha ko habang pinipilit ko ang sarili kong tumigil sa pag-iyak.
"Ano ba'ng nangyari?" Tanong niya nang nakaupo na kaming pareho sa couch.
Habang tinititigan ko ang mga mata niya, nawawalan na naman ako ng lakas na magkwento. Kaya kinuha ko nalang sa bag ko ang recorder na nagawa ko pang kunin kanina bago umalis sa bahay ng gago.
Matapos itong pakinggan, tila nalunok ni Kristina ang dila niya. Nakatitig lang siya sa'kin sa mga sumunod na minuto.
"Daya, aren't we just judging him all this time?" Mahinang sabi niya nang basahin na niya ang kanyang pananahimik. "Hindi naman natin napakinggan 'yong side niya diba?"
"Kailangan pa ba 'yon? Kristina, sinubukan kong huwag paniwalaan ang sinabi ni Lehan pero nakita mismo ng mga mata ko eh. And you know what, the girl he is going to marry is perfect. Siya 'yong bagay sa kanya. Bakit niya ako pipiliin over that perfect girl? Para lang akong basura kung ikumpara don. Hindi ako bagay sa kanya."
"Paano kung gaya ng mga mayayamang tao sa pelikula na kagustuhan lamang ng mga pamilya nilang ipakasal sila? Paano nagsasabi si Wan ng totoo? What if totoong ikaw ang gusto niya? Paano kung mahal ka niya?"
That is too good to be true.
Pero kung 'yan 'yong totoo, bakit niya akong hinayaang umalis? Ba't ngayon niya lang sinabi? Maybe, I would have not been like this to him kung sinubukan niya akong kausapin shortly after I left. Pinatunayan niya lang sa'kin na langit at lupa kami eh. Hindi niya ako hinabol. Tumatak sa utak ko ang pangmamata ng nanay niya. Naiinsecure ako. Bumababang lalo ang tingin ko sa sarili ko. Sino nga ba ako diba?
THAT MIDNIGHT, TUMAWAG sa'kin si Miss Esguerra. Pumunta ako upang kausapin ito. I cannot write anything out from that messed up interview I did with Wan.
"I am so sorry to disappoint you, Ms. Esguerra. I just really cannot do it." Umiiyak na sabi ko sa kanya. Wala akong pakialam kung nagmumukha akong tanga, kung nagmumukha akong mahina sa harapan niya. Wala akong paki.
"Darling, we are writers. We can write anything."
Umiling ako. "I'm sorry."
"What happened, honey? Come on, let me have the recorder and we'll see what we can do."
Umiling ulit ako. But the powerful Ms. Esguerra is very good with words. In the end, nakumbinsi niya akong ibigay sa kanya ang recorder. Matapos niya itong pakinggan, ilang minuto siyang natahimik gaya ni Kristina. Kapagkuwan ay tila galit siya base sa ekspresyon ng kanyang mukha.
"My brother is a jerk." She says after a long minute of silence. "I am going to break his neck."
"Po?"
Kinuha niya ang kamay ko sa mesa at pinisil 'yon. "My brother knows about you and Wan. Kaya ikaw ang gusto niyang i-assign ko sa article na 'to. Tsk. I should have known."

YOU ARE READING
Diamond's Worth | ✓COMPLETE
FanfictionHer name is Diamond, but she's no gem. Juan Jose only values her for what he can see, what he can touch-her body. To him, she's nothing more than an object of desire, worth only as much as her beauty. But Diamond isn't as easily defined. Beneath the...