DW-28: My Diamond

2.7K 92 37
                                    

Diamond

My heart is filled with excitement as I have my way towards Kristina's place. Mula ng kunin ako nina mommy, hindi pa ako nakabalik sa bahay niya. We don't also have that much time to talk when we're at the Horizons. We rarely even cross path in the hallways because we're given different assignments. Pero most of the time talaga, magkasama sila ni Zylon kaya hindi na kami nakaka-bonding magkaibigan. I understand how it's like to have someone you love so I just  choose not pressure her besides, a true friendship doesn't end just because we don't spend time that much together anymore.

"Hey babe!" Tili ni Kristina nang mapagbuksan ako ng gate. Agad na niyakap niya ako ng mahigpit. "I missss youuu so much!!!" She yawps in apparent happiness seeing me.

"I miss you more, Tinabelllls!" Paglalambing ko sabay kiss sa pisngi niya ng tatlong beses.

"Let's get married na." Biro niya saka tumawa ng malakas. "Kung pwede lang talaga, matagal na kitang niyayang magpakasal." Pagpapatuloy niya at pagkatapos ay humagalpak na naman siya sa tawa.

For the entire day, we do what we usually do when we're together. We also invite Riza over. Nanood lang kami ng mga paborito naming movies at kumain pero ang saya ko sa mga oras na 'yon habang kasama silang dalawa. My girls and love mean the same thing to me.

Gusto sana naming mag-sleep over pero tumawag ang mommy ni Kristina. Her mother rarely contacts her so Riza and I urge her to go. Malay natin, magiging okay na sila. Baka pareho kami ng timeline ni Tina eh. Sabay naming pinagdaanan ang napakaraming unos sa buhay. Sabay naming nahanap ang lalaking mamahalin namin hanggang sa huli at baka ngayon namang nahanap ko na ang pamilya ko ay magiging okay narin siya ng kanyang pamilya. I can only hope so. Kristina deserves it.

By the time the sun is down, it's just me and Riza. Maghihiwalay narin sana kami dahil dadaan pa siya ng grocery store ngunit naisipan kong samahan nalang siya. Nag-grocery na din ako, dadalhin ko sa bahay dahil balak kong dalawin na muna si tatay Benjie bago umuwi. Honestly, it's awkward to be around kuya Banjo and nanay Panyang. Hindi kasi ako sanay na mabait sila sa'kin. Gayunpaman, they are still family. Pipiliin kong mahalin ang mga taong mahalaga sa buhay ng mga taong mahal ko.

"Hindi ko inaasahang dadalaw ka anak." Sabi ni tatay nang maiwan kaming dalawa sa sala. Ngiti lang ang naisagot ko. "Hindi tayo nagkausap ng maayos pagkatapos ang..." Hindi niya tinapos ang sasabihin, tumulo ang luha sa mga mata niya. "Diamond, anak, hindi ko alam lahat ng pinagdaanan mo. Hindi ko alam—" Pinisil ko ang mga kamay ni tatay na hawak ko upang iparating sa kanyang wala naman siyang kasalanan sa lahat ng pinagdaanan ko. Hindi niya kasalanan. "Patawarin mo 'ko kung—"

"Tay, hindi mo po kasalanan." Naiiyak na saad ko. "Nasabi ko lang lahat ng 'yon kasi nasasaktan po ako."

Umiling si tatay Benjie na nagpakirot ng sobra sa puso ko. "Hindi mo kailangang pagdaanan lahat ng 'yon, nak e. Alam mo namang mahal na mahal ka ni tatay, diba?"

"Tay, mahal ko po kayo at hindi ho 'yon magbabago. I was just in pain pero hindi ho nagbago ang pagmamahal at respeto ko sa inyo. Tay, habang buhay ko kayong pasasalamatan sa kabutihang ipinakita niyo sa'kin. Mahal na mahal ko kayo, 'tay."

Kahit noong puno ng sakit 'yong puso ko, hindi nagbago 'yon pero masyado lang talaga akong nasaktan kaya ako umalis. Kaya ako lumayo dahil gusto kong takasan ang sakit.

Hindi rin ako nagtagal sa bahay dahil hinahanap na ako nina mommy. Kanina pa sila tawag ng tawag. Hindi ko pa nasagot ang mga 'to. Para huwag silang mag-alala ay tinext ko silang pauwi na ako.

Pero hindi paman ako nakarating ng bahay, nakatanggap ako ng tawag. Mula 'yon sa mommy ni Wan. Alam kong ang mommy niya 'yon dahil ilang beses na akong kinontak nito dati. Gusto nitong makipagkita sa'kin.  Nagdadalawang isip ako, natatakot dahil alam kong hindi naman ako nito gusto. Pero sa huli, minabuti kong harapin ito. If Wan is willing to give up everything for me, then I should at least be able to face my fear and fight for him.

Diamond's Worth   |  ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now