DW-36: Family Day

2.3K 103 26
                                    

Diamond

Siguro dahil napaka-understanding ng anak ko at napaka-sensitive pa, hindi siya nagtanong sa'kin tungkol sa kay Wan kahit nang kami nalang dalawa sa kwarto upang patulugin siya. Takot na takot pa naman ako kanina. Naghahanda na nga lang ako kung paano siya sasagutin kung sakali mang magtanong siya. But no, he doesn't ask. Being the sweet child that he is, he chooses not to give me any pain in the head. Minsan nga napapatanong nalang ako sa sarili ko kung talaga bang magli-limang taon palang ang anak ko. Eh kasi, his understanding is comparable, if not beyond, to someone who possesses exceptional maturity. Kahit papaano, hindi naman pala ganon kasama ang mundo sa'kin. Kasi pagkatapos kong pagdaanan lahat ng sakit, heto at biniyayaan naman ako ng anghel na walang dinulot sa buhay ko kundi pag-asa at saya.

Lumalim na ang gabi ngunit hindi ako dinalaw ng antok; nakatitig lang ako sa anak kong napakahimbing ang tulog.

"Ayaw kong masaktan ka 'nak. At ayaw kong makipagkompetinsya ka sa atensiyon at pagmamahal niya. Ayaw kong may kahati ka kasi deserve mong mahalin ng buo. You're worth more, my love. You don't have to take what's just being offered because you're worth so much more." Naluluha na naman ang mga mata ko pero nagawa kong pigilan ito. "Kaya, dito ka lang kay mommy ha? Hindi natin siya kailangan. Hindi mo siya kailangan, anak."

Tuluyan ng tinalo ang puso ko ng sakit at kahinaan. Kasabay non ay ang pag-agos ng luha ko.

"I promise, mommy will give you everything, Johnny. I will give you all the best things in this world without needing him."

Bandang alas-kuwatro na nang makatulog ako kaya hindi na kataka-takang tanghali na akong magising kinabukasan. I don't even wake up on my own the following day. It's not a normal way of waking me up as Johnny comes running in my room with panic registered in his voice.

"Mommy, daddy-lolo is very upset. Get up, mommy. Wake up. Mommy, I'm scared." Naiiyak na sumbong ng anak ko.

Walang pag-aalinlangang bumangon ako at matapos kumbinsihin si Johnny na manatili sa kwarto ay bumaba na ako upang alamin kung ano ang nangyayari. True enough, even when I'm still at the doorstep, I can hear daddy's voice blaring at someone really loud. That is very unusual for he is very prim and proper. He is the last person I know who has the tendency to lose his composure.

"Dad!" Sigaw ko sa gulat nang makita ang lalaking kinukwelyuhan niya. "Dad!"

"Layuan mo ang anak ko—"

"Daddy!" Tawag ko sabay hawak sa braso niya. "That's enough please. Dad? Please?"

Gratefully, dad lets the jerk go. Agad rin namang nakalapit ang mga kapatid ko upang tulungan akong hilahin si dad papasok ng bahay. Matapos ma-analyze ang pangyayari, naghahabol ako ng hininga habang tumatambol ng malakas ang puso ko.

That jerk. Hindi ba talaga siya titigil?

"Sabrina? Where are you going?" Natatarantang tanong ni dad nang bumalik ako sa labas. "Sabrina!"

Tila wala akong naririnig dahil isa lang ang laman ng isip ko at iyon ay ang ipamukha sa gago ang katotohanang hindi niya kailanman malalapitan ang anak ko.

"Diamond?" I see a hint of hope rising in his eyes when he sees me. Tumayo siya ng maayos at sinalubong ako. "Dia—"

Sinalubong ko siya ng sampal. And when he tries to speak again, I throw his cheek another slap. I don't mind doing this all day. Besides, he deserves all of these!

"What part of stay away from us do you not get, Juan José?"

"I know I deserve all this hate right now but I am not letting it stop me from knowing the truth."

Diamond's Worth   |  ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now