Part 7

27 2 0
                                    

Jexter's POV

Ngayon ang araw na mag-uusap kami ni Riance.

Ngayon ko malalaman ang lahat.

Habang ikinukwento nya ang lahat ay hindi ko maiwasang mainis.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

There's a part of me that understands her at the same time,can't understand her.

Ewan ko ba.

Pinakinggan ko na lang sya hanggang sa huli.

Joke man yun pero alam kung may kaunting katotohanan yun.

Base na lang sa mga reaksyon nya.

Kaya may nabuo akong plano.

Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na kami ng classroom.

Inaya ko si Ervin na pumuntang food court.

"Kamusta dre?" tanong ni Ervin ng nasa daan na kami papunta sa food court.

"Ayos lang dre!Itutuloy ko!" sagot ko.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka nyang tanong.

"Malalaman mo rin dre!" nakangiti kong tugon.

"Don't tell me na liligawan mo sya?"

Hindi ko sinagot ang tanong nya.

"Paano na si Grace?"

Medyo natigilan ako nung binanggit nya yun.

"Kayo pa rin ni Grace kahit ano ang sabihin mo.Wala pa kayong break-up!"

"Ako na ang bahala sa lahat!"

"Magto-two time ka?"

"Hindi!"

"Eh ano?"

"Basta!"

"Hindi ako sang-ayon sa gagawin mo dre!"

Nginitian ko na lang sya.

Um-order na kami ng meryenda nung makarating na kami sa canteen.

Just Kidding (Once Upon a Text's PREQUEL)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora