Part 10

20 2 0
                                    

Part 10

Riance's POV

Time flies so fast.

Malapit na naman ang Independence Day este Valentines day.

Hindi ko pa din pinapansin ang mga ginagawa ni Jexter.

Napansin ko na medyo hindi na grabe ngayon.

Baka nakapag-isip-isip ng konti.

"May bibilhin lang ako!" pagpapaalam nya sa amin nung nasa plaza kami at naghihintay ng mga kasamahan dahil itutuloy namin ang shooting.

Umalis na sya at ng bumalik ay nakangiti.

"Ano naman ang binili mo?" tanong ni Deyb.

"Secret!" sagot nya.

"Pang-surprise nya bukas," si Ervin ang sumagot.

Tahimik naman ako sa tabi at kunwari'y hindi nakikinig sa usapan nila.

Hindi ko alam pero may konting expectation akong naramdaman, pero naisip ko din agad na para sa girlfriend nya yun.

At hindi nga ako nagkamali.

Kinabukasan ay nalaman ko na sinurprise nya daw si Grace sa klase nila sa Rizal.

Classmate kasi sila kaya pinakiusapan nya yung instructor sa gagawin nya.

I think it's sweet.

Ayos lang naman sa akin iyon.

At least napatunayan kong mahal nya talaga yung girlfriend nya.

Hindi dapati ako magpadala sa mga ginagawa nya sa akin dahil alam kong nangloloko lang sya.

Gayunpaman ay hindi ako galit sa kanya.

In the first place ay ako naman ang nagsimula.

Sa tuwing nakikita ko si lang magkasama nung girlfriend nya ay halo-halo ang nararamdaman ko, nahihiya,naiilang at nasasaktan ng konti.

But I should bear with it.

Ako naman may kasalanan eh.

Gumawa ako ng sarili kong problema.

Pero umaasa ako na darating din yung araw na I can move on totally sa nangyari.

Minsan ay naiisip ko na may maganda ding idinulot sa akin ang ginawa ko.

Nasubukan ang tatag ko to resist temptation of saying yes to a thing that I'm not sure of what will be the result.

Hindi ako iniwan ng mga friends ko.

Hindi ako hinusgahan at si ni si ni Ashen,pinagtanggol pa nga nya ako kahit alam nyang ako ang may kasalanan.

At huli, ay nagkaroon ako ng bagong kaibigan sa katauhan ni Ervin.

Hindi kami masyadong close ni Ervin dati pero dahil sa nangyari ay naging malapit na kami sa isa't isa.

Mabait, gentleman at sweet si Ervin.

Marami ang nafafall sa kasweetan ng isang yan.

Mas nakilala ko din sya.

Mature sya mag-isip at magaling magbigay ng advice.

May aral din akong natutunan sa nangyari.

May mga bagay na hindi ginagawang biro, dahil kung ang tadhana ang nagbiro ay baka pagsisihan mo.

Hindi ka dapat gumawa ng bagay na magbibigay sayo ng problema.

Sa bawat pagbitiw ng salitang joke ay may masasaktan ka.

Maging matatag sa pagharap sa kapalit ng ginawa mong problema.

Ako aaminin kong may panahon na naging mahina ako.

Masyado akong nagpadala sa nangyari to the point na medyo napabayaan ko ang pag-aaral.

Bumaba kasi results ng quizzes ko.

Which should not be.

Dapat hindi pinaghahalo ang problema at pag-aaral dahil maaapektuhan yung huli.

Hindi ko pa din alam ang tunay kong nararamdaman kay Jexter.

Hindi alam o ayoko lang talagang alamin o di ko lang maamin ay hindi ko alam.

Tapos na din naman kaya kakalimutan ko na lang ang lahat.

...End...

*************************************

+++frustratedwriter22++

Just Kidding (Once Upon a Text's PREQUEL)Where stories live. Discover now