Kabanata 10

293 18 0
                                    

Kabanata 10

MAAGA PA LANG ay nagluto na ng agahan si Esang. Hindi na lamang niya inisip pa ang nangyari kagabi. Hindi niya pinansin ang sinabi ng anak ng kanyang amo. Kahit ano man ang ibig sabihin ng sinabi ng lalaking iyon sa kanya kagabi ay wala siyang pakialam. Nandirito siya sa mansyon na ito para tuparin ang pangarap niya at maging ng mga kapatid niyang umaasa sa kanya.

Mabilis niyang inihain sa mesa ang lahat ng mga pagkaing niluto niya; scramble egg, fried rice at pinaksiwang bangus. Iyon lamang kasi ang nakita niya sa loob ng ref. Mamaya ay mamalengke siya kapag uutusan siya ni Madam Chelsea.

Natanaw ni Esang na pababa ng hagdan ang lalaking nagbanta sa kanya kagabi. Nakatingin ito sa kanya nang mataman sabay iling nito nang sunud-sunod. Napahinga na lamang siya nang malalim at hindi na ito pinansin.

Naupo ang lalaki sa harapan ng mesa at nag-umpisa na itong maglagay ng kanin sa plato. Mukhang nagmamadali itong makakain. Napatingin tuloy nang wala sa oras si Esang sa orasan na nakasabit sa dingding. Alas sais pa lang nang umaga. Maaga yata ang pasok ng lalaki na ito kung kaya nagmamadali.

Iniwan niya ito at pumunta siya sa kusina. Huhugasan na lamang niya ang mga ginamit kaninang panluto.

“I told you to leave,” ani ng isang malalim na boses na nagmula sa kanyang likuran.

Agad na nilingon ni Esang ang lalaki. Hindi pa niya ito nakikilala, hindi naman ito pinakilala ng mga magulang nito sa kanya.

“Hindi ako aalis. . . kailangan ko ng trabaho. Kailangan ko buhayin ang mga kapatid ko. Kailangan ko pang mahanap ang Nanay Salvi ko. Kaya hindi ako pwedeng umalis.”

Umiwas ito ng paningin sa kanya.

“Huwag mo sana akong sisihin kapag may mangyari sa iyong masama. Binantaan na kita, at hindi na kita kargo kung ano man ang mangyari sa iyo.”

Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito.

“Ano ang ibig momg sabihin? Anong may mangyayari sa aking masama? Ano ba talaga ang nais mong ipahiwatig? Pwede mo namang sabihin sa akin ng direkta kaysa pinagbabantaan mo akong umalis na rito!” Hindi napigilan ni Esang ang pagtaas ng kanyang boses.

Nanlilisik ang mga mata ng lalaki habang nakatingin sa kanya.

“Pwede ba! Huwag mo akong sigawan?! Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo kita,” may gigil na sambit nito.

Tila naman nagising si Esang sa sinabi ng lalaki. Agad siyang humingi ng tawad dito pero pinanlisikam lang siya ng mga mata nito at iniwang mag-isa sa kusina.

Napasunod na lamang ang tingin ni Esang sa likuran ng lalaki habang nagtatalo ang kanyang isipan dahil sa sinabi nito. Napasabunot siya sa kanyang buhok habang umiiling-iling.

Gusto niyang sumigaw at ang magsalita sa katotohanang kanyang pilit na tinatakasan. Pero wala siyang lakas na sumigaw. Nanatili siyang tikom ang bibig at nagiging pipi sa katotohanang nais isigaw ng kanyang puso.

Bakit kumg palagi siyang nangangarap at nakikitaan na niya ng pag-asa na matupad ang lahat ng iyon. . . ay bakit palaging may balakid? Ganoon ba siya kasama para pagkaitan ng tadhana ng magandang kinabukasan? Nagkulang ba siya sa pakikipagsapalaran para wala siyang karapatang maabot ang lahat ng gusto niya?

Nakalimutan niyang nasa reyalidad pala siya at wala sa pantasya. Ang mundong puno ng daralita at ng hindi pantay na buhay. Pero hindi siya susuko, kung ano man ang sinasabi ng lalaking iyon sa kanya ay lalabanan niya. Kailangan niya munang alamin kung ano iyon bago siya umalis. . . kung mahuli man siya'y lalaban siya hanggang kamatayan.

. . .

INILAPAG ni SPO2 Ramirez ang isang dokumento sa ibabaw ng mesa ni SPO2 Haven. Maraming mga dokumento ang nakakalat sa mesa. Hindi lang iyon kundi marami ring nga sketches na mga mukha ang naroroon— kung saan ang mga suspek sa mga kasong hinahawakan nilang dalawa.

“Ilang araw ka nang naghahanap sa Nanay Salvi Asuncion na ‘yan, pare. Pero hanggang ngayon ay wala pa tayong natatagpuan na maaring suspek.”

Huminga nang malalim si Haven at napahilamos sa mukha.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko, Deny. Pakiramdam ko lumalayo sa akin ang katotohanan. Wala man lamang akong magandang ibalita nito kay Esang.”

Umiling ang kaibigan niyang lalaki na si Deny at tinapik siya nito sa balikat.

“Naku, pre. Delikado ang puso mo, mukhang nahuhulog ka na sa babaeng ‘yan. Mas matanda ka ng ilang taon sa kanya.”

Napangisi siya at umiling-iling. “Ang dumi talaga ng utak mo, kaibigan lang turing ko sa tao. At trabaho nating tulungan ang mga naaapi, kung anu-ano na iniisip mo.”

Tumawa ito nang pagak. “Basta tignan mo na lang ang mga taong iyan na nakapaloob sa brown envelope. Maaring isa sa kanila ang nakakaalam kung saan si Aling Salvi. Bali-balita kasi ang mga grupo na ‘yan na nagtitinda ng mga babae para i-negosyo.”

Kinuha niya ang brown envelope na iniabot nito sa kanya. Kumunot ang kanyang noo dahil sa imporamasyong sinabing iyon ni Deny.

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Nandyan lahat sa loob ang dokumento, Haven. Kailangan ko nang umalis, may aasikasuhin pa kasi akong kaso.”

Tumango siya sa kaibigan. “Salamat sa tulong, pre!”

Kumaway ito bago tuluyang lumabas ng opisina. Napahinga si Haven habang nakatitig sa nga dokumentong nakalatag sa ibabaw ng kanyang mesa. Marami pang kaso siyang dapat na resulbahin. Kailangan niyang kumilos lalo na sa madaling panahon, bago pa makatakas ang mga suspek na sa kanilang listahan.

Pero sa ngayon ay kailangan niya munang pagtuunan ng pansin ang dokumentong ibinigay sa kanya ni Deny. Ang posibleng suspek kung sino ang dahilan kung bakit nawawala ang Nanay ni Esang. Panigurado siyang may malalim na dahilan kung bakit ito nawawala. Kailangan niyang balikan ang kaso mula sa pinakadulo hanggang sa pinakatapusan. Pero ang problema niya'y hindi alam kung saan siya magsisimula.

Ang una niyang gagawin ay puntahan ang presinto kung saan ikinulong si Aling Salvi bago sa morgue na pinagdalhan dito.

“Kaunting hintay lang, Esang. Mahahanap na rin natin ang Nanay Salvi mo sa lalong madaling panahon. Malalaman na rin natin kung buhay pa ba siya o patay na. Magtiwala ka lang sa akin,” piping usal niya sabay pikit ng kanyang mga mata.

Mamaya ay pupuntahan niya agad ang presinto at morgue. Maging ang mga posibleng suspek na nakalagay sa dokumento. Maghahanap siya ng posibleng maging daan patungo sa pag-usad ng kaso.

. . .

#ABSK

Ate Sari, <3

Descendant of a RoseWhere stories live. Discover now