Kabanata 34

181 9 0
                                    

6: Talaarawan ni Salvi

Ika-siyamnapu't anim na pahina;

Pilipinas, 1998

Hindi ko lubos maintindihan sa dalawang taon ko sa industriya ay uso pa pala ang pagsisiraan.

Nagkakasiraan ang ilang mga artista para lang sila ang mamayagpag. Ni minsan pinangarap ko ring maabot ang kinalalagyan ng mga iniidolo ko rin sa industriya ng telebisyon.

Pinangarap ko'ng maging kasing sikat din nila. Ngunit, ni minsan hindi ako gumamit ng dahas para lamang maabot iyon. Nagsumikap ako para maabot ko kung anoman ang natatanggap ko'ng biyaya ngayon— ang kasikatan na tinatamasa ko.

Ngunit kahit gaano pa pala ang isang tao na naliligo sa napakaraming pera; kahit gaano pa siya kasikat sa buong Pilipinas; kahit gaano pa siya kilala ng buong mundo.

Kapag hindi niya natagpuan ang kasiyahan sa ginagawa niya'y makakaramdam pa rin siya ng lungkot at pagkakulang. May hinahanap siyang hindi malaman kung ano.

At ang lahat ng iyon ay nararamdaman ko ngayon.

Nakalimutan ko si Inay, hindi ko na siya naalala at maski puntahan man lang. Pinabayaan ko siya, nagpakalulong ako sa kasikatan. Nilamon ako ng kayabangan, ng pera at ng pagmamataas sa sarili.

Naiiyak ako ngayon— sa loob ng magara kong silid.

Pinapaligiran ako ng mga mamahaling gamit, pera at mga alak. Ngunit hindi ko man lang matagpuan ang kasiyahan sa mga ito.

Hindi ako masaya. Nababalot ng kalungkutan ang buong silid ko.

Masama na ba ako?

Mali ba ang lahat ng ito?

Mali ba ang minsan nangarap?

Pero marahil. . . mali ang makalimot sa kung ano ang pinagmulan ko noon.

Iyon ang pagkakamali ko. . .

Taga-sulat,

     Salvi A.

***

Descendant of a RoseWhere stories live. Discover now