Chapter 10

6.3K 190 3
                                    

***

MADISON POV

Napabuntong-hininga nalang ako bago nakangusong inayos ang mga librong hihiramin ko sa library.

"Oh anyare sayo?" biglang tanong nitong katabi 'kong si Alyanna. "Tulalay na naman ang ateng dyosa?" biglang sambit niya naman kaya napabalik ako realidad at lumingon sa gawi niya.

"Duuuh, ako tulala?" 

"Yes, AS IN TULALANG-TULALA."

"Sige, lakasan mo pa yung tipong maririnig na talaga ng buong campus." inis kung sabi na ikinanguso niya.

"Parang hindi ka naman nasanay sa boses ko." sagot niya naman kaya di ko maiwasang mapairap.

Di ko nalang siya pinansin, mas gugustuhin ko pang tumahimik nalang keysa makipagdaldal dito. Ikaw ba naman ang makipag-usap sa taong sobraaang tagal niyong matapos yung tipong kakatanong mo palang iba na ang sagot, tapos pa iba-iba pa yung topic.

"Alam mo girl, kung ang problem mo ngayon ay yung super ultra hottie mong hubby? Sabihin muna sa akin, malay mo makatutulong ako."

"Nakakainis kasi eh. Bigla nalang iiba yung mood nun, wala naman akong ginawang masama eh."

"Malay mo meron siyang nakitang lalaki na nakatingin sayo o di kayay may nakita siyang nakamasid sayo." seryuso nitong saad na ikinatigil ko.

"How did you know? Nakamasid? Bakit gangster ba siya o di kaya ikaw ang gangster?" sunod sunod kung tanong na ikinatigil niya.

Umiwas agad siya ng tingin bago tumawa.

"Gaga, ganyan kadalasan ang ginawa ng mga lalaki sa wattpad iiba bigla yung mood pag nakita nilang merong ibang lalake ang nakatingin sa gf/asawa nila?" mahabang paliwanag niya na ikinataka ko, aminin ko marami na akong nabasang story sa wattpad na ganito ang scene pero di ko parin gets kung saang purpose yan.

"Hulaan ko di mo gets yun no? Aw my bestie is so kawawa!" pang aasar niya kaya di ko napigilang batukan siya.

"Edi ikaw na ang nakaintindi nun tsk. Sa lahat ng scene sa wattpad yun ang hindi ko nagets." pag aamin ko na ikinatawa niya.

"I know. Ganito kasi yan, naiinis kasi sila kapag may ibang tumitingin sa lovey dovey nila iisipin kasi nilang aagawin daw yun. Ang weird, basta ganun yun. Hindi karamihan ang lalaking may ganung side kaya kung nasa 'yo na yun, swerte ka kasi ayaw niyang merong ibang aagaw sayo kundi sa kanya kalang. Gets mo?" mahabang paliwanag niya na ikinatango ko nalang, ganun pala yun? "Ang swerte mo beeeestt! Gusto ko tuloy magkaroon ng ganun." tili niya na ikinairap ko,grabe talaga ang bunganga nito.

NAPAILING nalang ako bago binuksan ang english na libro habang si Alyanna naman ay nilalantakan ang chocolate cake niya. Nasa cafeteria kasi kami ngayon.

"Cheer up girl! Makikita mo rin yang so hottie hubby mo." sabi ni Alyanna

Hindi ko nalang sinagot si Alyanna kasi bigla nag-vibrate ang phone ko at ng tingnan ko ang tumawag. Nagliwanag agad ang mukha ko ng makita kung sino yun.

Calling: Longganisa Seller

Pinalitan ko kasi yan.

"Hubby!" bungad ko agad.

[Damn! Lower your voice young lady.]

Napangiti nalang ako. "Sorry, bakit ka napatawag?"

[Where are you?]

"Namiss mo ako no?" I teased him.

[Tss, just answer me.]

"Sa canteen. Ang weird mo ngayon." kanina ko pa kasi napapansin ang malamig nitong boses na parang may hindi magandang mangyari.

My Possessive Childish Husband Is A Mafia BossWhere stories live. Discover now