CH 9

103 3 0
                                    

Time flies so fast! Birthday na ni Leo at nandito ako sa room ko kinakabahan sa mangyayari!

Susunduin daw ako ni Leo dito galing sa opisina niya. Yung mga tao kasi sa opisina nag handa ng birthday party para sakanya, pinapa attend nga nila ako pero sabi ni Leo na mauna na daw ako dito sa bahay susunduin niya na lang ako. So im here!

Naligo na ako, nag blower, at nakabihis ng maong pants and peach hanging blouse shirt.

Habang nag papanic ako biglaan bumukas yung pinto ng kwarto ko. Sa pag aakala na si Leo yon kinuha ko na ang bag ko.

"Mia baba ka muna para kumain ng almusal" sabi ni Femria pag bukas ng pinto

Kala ko naman si Leo.

"Sige" sagot ko

Bumaba na ako dala yung bag ko para sa living room na lang ako maghintay para kay Leo.

Pumunta ako sa dining area at kumain ng, hotdog, ham, and fried rice. Pagtapos kumain pumunta ako ng living room at binuksan ang telebisyon habang hinihintay si Leo.

Lumipas ang limang minuto dumating na si Leo.

"Hoy halika ka na" bungad niya saakin

"Aba hinohoy mo na ako ngayon" sabat ko

"Tsk!" umalis na siya at pumunta sa sasakyan

Sumunod ako sakanya, pagpasok ng sasakyan nag seatbelt kaagad ako.

~♥~

Nang makarating sa isang mamahalin na boutique shop bumaba na kami ng sasakyan at pumunta sa loob.

"Keilana's Fancy Shop" sabi ko pagkakita ng name nung shop

Pagpasok namin ng boutique shop, ang nga dingding at sahig ay kulay pink, ang mga sofa naman sa gilid ay kulay violet, at ang mga shelfs para sa magazines ay kulay blue, ang mga changing rooms naman ay kulay puti.

Girly na girly!

"Keilania" tawag ni Leo sa isang babae na naka upo sa swivel chair

"Sir Leo!" sagot naman niya sabay lapit saamin

"Do you have the dress?" tanong ni Leo

"Of course! The dress is already in the changing room number 1" saby turo sa changing room 1

"It already has the shoes inside, and the hair stylist is already in the 2nd floor" dagdag niya

May 2nd floor pala ito! Myghad anlaki pala!

Pumunta na ako sa loob ng changing room at nakita ang isang kulay sky blue na may diamond off shouldered dress. Hindi nga lang ito dress eh parang ballgown na!

Pag sinuot ko ito magmumukha akong prinsesa! Seryoso!

Naghubad na ako ng damit ko at sinuot ang gown.

Pano yung zipper!

"Ahm Maam Keilana pwede pa tulong sa zipper" tawag ko kay Keilana

"Okay" sabi ni Keilana galing sa labas

Bumukas ang curtain ng changing room at pumasok si Keilana.

"Sabi na bagay sayo eh!" sabi niya habang nakatingin saakin sa salamin

Na zipper niya na ang gown at tuluyan lumabas.

Nang makalabas na si Keilana sa changing room tiningnan ko ang sarili ko.

Ako ba talaga ito! Bkt parang iba.

Sinuot ko na ang isang silver glittered heels doon na nasa 2inch ang taas.

Lumabas na ako ng comfort room at pumunta sa harap ni Leo.

"Uhm okay lang ba?" tanong ko sakanya

Di siya nagsalita at nanatili nakaawang ang labi.

"Sabi ko na nga ba di bagay sakin eh!" nakayuko ko na sabi

"No! It totally suits you" biglaan sabi ni Leo na naging dahilan kung bakit ako namula

Nagtitigan kami ni Leo ng ilang minuto ng biglang tumikhim si Keilana.

"Punta ka na po sa taas Maam Mia, naghihintay na doon si Ms. Oleania ang mag aayos ng make up mo at hair" sabi niya na naging dahilan para maputol ang titigan namin ni Leo.

Umakyat na ako papunta ng 2nd flood ng boutique. Pag akyat nakita ko ang isang babae na nakaupo sa harap ng make up tools.

"You must be Mia, you look stunning iha" sabi saakin ni Ms Oleania ng makita niya ako

"Thank you po" sagot ko habang nakangiti

Pinaupo na ako sa isang swivel chair at inayusan ng buhok.

"Ang ganda naman ng buhok mo may kulay"

"Thank you po"

Nakalipas ang sampung minuto naka bun ang buhok ko at may mga buhok na onti na nakalabas.

"Ngayon naman mamake up-an na kita"

Nilagyan niya ako ng powder, cheek and lip tint, at inayos ang kilay ko at pilik mata. Simple lang ang make up na ginawa niya sakin.

"Yan gumanda ka lalo! Simple lang ang ginawa ko sayo kasi maganda ka na iha" sabi niya pagtapos ako ayusan

"Thank you po sa pag ayos sakin" pag papasalamat ko sakanya at bumaba na

Nakita ko si Leo nakaupo sa sofa at naka tuxedo.

LALO SIYANG NAGING GWAPO SA SUOT NIYA! myghad!

"You look beautiful" sabi ni Leo ng makita niya ako

"Thanks, also you, you look handsome" sabi ko habang nakangiti

"Thanks Keilana" sabi ni Leo at inalalayan ako papunta sa sasakyan

Nang makapasok sa sasakyan nalala ko ang mga damit ko.

"Leo yung mga damit ko pala!"

"Don't worry its already at the back compartment of the car"

Tumango na lang ako at hinintay makadating kami sa bahay nila.

Ano kaya masasabi ng pamilya ni Leo saakin?

ABANGAN...

Cold HeartTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang