chapter 3

54 10 2
                                    

Morgan's (POV)

Nagpaalam muna ako sa lolo ko na mag lalakad-lakad muna ako para makabisodo ko ang lugar dito.

"Lo alis muna ako, mag lalakad-lakad lang muna ako, mag ala dora de explorer muna ako lo"

"Wag mo kalimitan ang bag pack mo apo, magingat kay swiper"

Natatawang sabi ng lolo ko.

Umalis na ako sa bahay at nakarating ako sa kakahuyan yata ang part na to, ang ganda naman dito, may sariwang hangin, magagandang tanawin.

Trivia mga folks, sabi daw ng mga expert green environment can ease your stress, Einstein lang ang peg?.

Naputol ang pag appreciate ko kay mother earth ng may madinig akong kalansing ng metal at mga mahihinang daing na nanggaling sa kaliwang bahagi ng kinatatayuan ko.

Nanigas ang buong katawan ko dahil na activate na naman ang adrenaline rush ko na maki usyoso sa nangyayari.

Nayari na, nagsimula ng tumakbo ang mga paa ko patungo sa awayan ng malapit na ako ay nakita ko ang limang lalaki na may hawak na dagger at pina palibotan nila ang isang lalaking naka leather jacket at nakatalikod sa akin, hindi ko makita mukha ehh,

May nakita akong puno na makikita ng malinaw ang mga nangyayari,

Umakyat ako na parang unggoy at ng makahanap ako ng magandang pwesto ay umupo na ako at linabas ang daladala kong pop corn sa mahiwaga kong bag pack, parang nanonood lang ng movie eh,

"Mas maganda to live action!! may totoong dugo talagang dadanak"

Excited na bulong ko sa sarili,

Malinaw kong nakikita ang lalaking naka leather jacket, may kulay abo itong buhok matangos na ilong pointed chin at sakto lang ang pangangatawan nito, may makurba itong labi.

nakapamulsa lang ito na para bang ang mga ito ay mga clown na tumatalon sa harapan nya.

nasugatan pala si Mr. Yummy leather jacket, sa braso nito at nagsalita ang isa sa limang lalaki,

"Gago ka, purket nasa class-x ka ay ang yabang mo na"
-Sanggano 1

"wala namang binatbat"
-sanggano 2

"Pagbabayaran mo ang ginawa mong pagbugbog sa kasamahan namin"
-Sanggano 3

"Kasalanan ko bang ang hina nya at ang lakas pa ng loob na hamunin ako, Don't be a sore loser, buddy "

Sabi ni Mr. Yummy leather jacket, na nakangisi pa ng mapang asar na parang wala lang rito ang dumudugo nitong sugat.

Na ikinagalit ng limang lalaki, at sabay-sabay nilang sinugod si Mr. Yummy leather jacket na ikinatuwa ko dahil rak rakan na dis.

Isasaksak na sana ng isang lalaki ang hawak na dagger sa may lower abdomen ni Mr. Yummy leather jacket ng itinagilid nito ang katawan ng bahagya para maiwasan nito ang nakaambang kutsilyo at hinawakan ni Mr. Yummy leather jacket ang palapulsohan nito at pinilipit nito paitaas at walang seremonyang binigyan nya ito ng isang solid uppercut na ikinawalan ng malay ng huli,

"Oww, ang sakit non ah"

Nakangiwi kong sabi at naririnig ko pa ang pag crack ng buto nito.

Napatigil ang apat na kalalakihan sa gulat dahil sa nasaksihan, ilang sigundo palang ay bagsak na ang kanilang isang kasama,

Na sinamantala naman ito ni Mr. Yummy leather jacket at pinatamaan nito ang mas malapit dito ng isang straight punch sa mukha, at isang axe kick naman sa likod nito na sya namang pagnginig ng kamay ni Mr. Yummy leather jacket dahil sa malakas na pwersa na pinakawala nito at may sugat pa ito sa braso.

Baby I'm Crazy For You (El Amor Loco)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon