chapter 6

48 9 1
                                    

Morgan's POV

Kalilipat ko lang dito sa apartment na tinutuloyan rin ni Angelica,wala sya ngayon dahil isa pala itong vice president ng supreme body at may gagawin pa raw silang importante, ng malibot ko ang kwarto ay sakto lang ang laki nito may kamang kasya lang ang isang tao at may lamesa naman sa gilid at sa kaliwa ay ang CR, hindi kaluwagan ngunit comfortable naman dito.

Inayos ko na ang mga gamit ko, na hindi naman karamihan, tatlong pares lang naman ng sapatos at mga damit at jeans na kasya lang sa dalawang bag,

Ngayon ko lang narialize hindi pala madaling maging dukha, kaylangan ko pang kumayod para sa pamilya sa pang gatas ni dodong at inday ang pang baon ni Jun-jun ang gamot ni Inay ang pang madjhong ni Itay, charot lang! bat ba napunta ang isip ko dyan, kaloka!

Totoo na talaga kaylangan ko nang mag hanap ng trabaho para may makain ako bukas baka bigla akong himatayin dahil walang laman ang sikmura ko, at hindi na ako makapasok sa school, at wala na akong matututunan sa guro ko, hindi na ako makaka graduate at hindi ko na maaabot ang aking mga pangarap sa buhay at itatakwil na ako ng aking mudra at pudra, magiging pulubi nalang ako na palaboy laboy sa kalye at mamamatay ng walang dangal,

Napatigil ako sa aking pag dradrama ng biglang tumunog ng napakalakas ang aking stomach,

"Gutom na ba ang mga alaga ko?"

Tanong ko sa mga bulate sa tyan ko at hinimas himas ko pa ang tyan ko, tsk, pambihira naman oh! matagal na tayong nag sama mga bulate, simula ng akoy nag grade 1 palang ngunit ang lupit nyo at hindi kayo matanggal tangal sa tyan ko nilaklak ko na lahat ng libring gamot na binibigay ng mga taga heath center ngunit para kayong sawa kong makakapit,

Kaya siguro palagi akong gutom, kahit anong kain ko hindi parin ako tumataba kinakain nyo siguro ang mga vitamina no? kahit ganun lab ko parin kayo, with feelings payan ha! para noot sa kalamnan,

Ano nanaman tong pinag iisip ko at napunta nanaman sa ka werdohan ko, ang totoo nyan wala po akong bulate healthy po ako, monthly po ang check up ko, buntis ang peg??promise, cross your heart and fall with me ayyieee kilig kayo no?, nabaliw na ata ako.... sayo, dala lang siguro ito ng gutom, at baka nahanginan lang ang utak ko at kung ano-ano na ang iniisip ko,

"Wag kayong mag alala dahil kakain tayo ng bongga ngayon dahil mag hahanap na ako ng trabaho hahaha"

Napatigil ako sa pagtawa ng marialize ko, ano pala alam kong trabaho?  nalintikan na at baka matuluyan na ngang mamamatay akong walang dangal, ah! bahala na si kibuloy sa kanya naman tong mundo ehh 'go kapa way sirado' pang checheer ko sa sarili ko,

Makalabas nanga at baka mabaliw na talaga akong tunay, nag hahanap ako ngayon ng isang convenient store para makakain na,

Hanap sa kaliwa, hanap sa kanan, may nakita pa ako maitim na bagay na tumatalon sa bubong, napa isip naman ako, is that a bird?  No, is that a ninja? No, is that an assassin? No, is that a thief? Yes, akala ko si kardo na yo know hindi namamatay matay si kardo kahit ilang talon nya pa sa bubong at building ay hindi parin nababalian ng buto at kahit ilang bala pa ang tumama sa kanya ay buhay parin, naubos na yata lahat ng bala sa Pilipinas at si kardo ay nakatayo parin, 'I will survive' lang ang peg,

Nang makahanap na ako ng store ay papasok na sana ako ng biglang may  tumunog, hindi na ang tyan ko ang cellphone ko na, at sinagot ko na habang pumapasok at namimili narin ng kakainin ko,

"Hey!hey!hey! buhay kapa pala, insan"

Pang bungad ko rito,

"Sira! ano ako may malalang sakit?"

"parang ganun na nga, muka ka namang bangkay ah! kabaong nalang ang kulang hahaha"

Pang aasar ko rito, ang payat kasi nito hindi ko malaman kong ginugutom to nila tita ehh, anak sya ng pinsan ng tatay ko na lolo naman nya ang kapatid ng lolo ko, nakakalito ba? hayaan nanga lang natin yan,

"Itigil mo na nga yang pang aasar mo pag ako gumante who you ka sa akin!"

"Oo na, napatawag ka? libing mo na?"

"ewan ko sayo, maiba ako nabalitaan kong naging dukha ka na raw ah! ano na namang trip mo sa buhay Morgan!"

"Bakit? masaya kaya para may thrill naman ang buhay ko"

"Nabaliw kana nga ng tuluyan!"
Napapantastikuhang sabi nito sa akin, napakamot nalang ako sa nukha ko,

"Tsk,tsk dahil dukha ka naman panindigan mo na yan at maging waitress ka sa restaurant ko may malaking party ang magaganap ngayon ehh babayaran naman kita"

"Malaki dapat ang tip ko nyan ha buraot ka pa naman"

"Oo na, ikaw ang boss?"
Sarcastic na sabi nito,

"Hahaaha text mo nalang ang address, kita kits"

kinamusta ko sandali ang kanyang mga  magulang at iba pa naming kamag anak at nag paalam na kami sa isat-isa,

nagsimula na akong kumain ng instant noodles, saklap naman nito tsk.

............

N/A: sorry sa typos😉

Baby I'm Crazy For You (El Amor Loco)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon