Enchanted 17 🧝🏻‍♀️ Finding the Chalice

173 9 0
                                    

THIRD PERSON'S POV
(pangdagdag thrill lang hehe)

Nagkahiwa-hiwalay na kaagad ang team ni Stormius para hanapin ang Fountain of the Joan of Arc at Ruby Garden. Samantalang ang team ni Flow ay hinati nila sa limang grupo. May naisip din naman na strategy si Storm kaya nagawang by pairs ito.


"Patay! Dalawa lang tayo apat sila." Sabi ni Gino, erudite, na kasama sa team ni Storm. Nagtago sila sa isang malaking bush kung saan naririnig nila ang mga yapak at bangayan ng kateam ni Flow.

"Bakit ba ako nastuck kasama kayo samantalang yung mga kaibigan ko magkakasama? Ugh!" Pagrereklamo ni Blade kaya binatukan siya ni Rhea.

"Why are you so maingay, Blade! You are stuck with us so bear with it!" Tili ni Rhea na nagdadabog na din dahil sa inis dahilan para madulas siya sa maputik at basang lupa kaya nagtawanan si Blade at ang isa pa nilang kateam.

"Tumahimik kayo. Baka nandito lang teammates ni Storm." Sabi naman ni Katreena. May kasama pa sila na isa na tahimik lamang.

Pew.

Nagulat ang tatlong nagtatalo nang makarinig ng matinis na tinig ng laser gun na tumama sa isa nilang kateam.

"I'm out agad." Sabi ng kateam nila at umupo na sa gilid. Kapag kasi'y nabaril ay tatambay ka nalang kung saan ka nabaril hanggang sa puntahan ka ng protectors.

"Saan yun galing?" Tanong ni Blade.

"Shh! Naririnig ko paghinga nila." Sabi ni Rhea na ginagamit ang enchant niya kung saan naririnig niya ang lahat within 300 meter radius.

"Magpakita na tayo. Alam na ni Rhea kung nasaan tayo." Naguusap gamit ang utak ang dalawang magkapares na teammates ni Stormius.

"Sumuko na kayo." Bigkas ni Gino na nagpakita na sa tatlo. Nagkunware pa itong mala-action star ang tindig kaya natawa ang kapares niya.

"Dami mo alam Gineos Intelligentia." Sabi ni Blade at agad siyang tinutukan ng Laser gun kaya naging alerto ang lima at nagtutokan ng mga laser guns sa isa't isa.

Hinawakan ni Katreena ang lupa at agad na nagsipagwalaan ang mga halaman sa paligid. May malaking vines na pumulupot kay Gino at sa kasama nito kaya nabitin sila patiwarik.

"Ang daya!" Sigaw ni Gino pero mabilis niyang binaril si Katreena.

Pew.

"Ugh! I'm out!" Sigaw ni Katreena.

"It's just the four of us now." Sabi ni Rhea na nakangisi pa sa dalawang nakabitin. Bawat piglas nila ay lalong humihigpit ang kapit ng mga halaman.


Sa isang banda naman tahimik na naglalakad si Flow, Hermione, Dark at Blaze. Gumawa si Blaze ng maliit na apoy bilang ilaw sa madilim na daan.

"There." Bulong ni Hermione nang makita niya ang parang flashlight sa di kalayuan.

"UGH! I can't believe Storm partnered us up." Sabi ni Freiza na nagmamaktol habang si Illumina ay nagsisilbing flashlight ng dalawa dahil sa light enchant nito.

"Shhh...may naririnig ako." Bulong ni Illumina sa isip ni Freiza kaya mabilisan silang naging alerto sa paligid.

Biglang nagdilim sa banda ng grupo ni Flow kaya naging doble alerto sila sa paligid lalo na't wala na silang makita. Namangha si Flow sa ginawang pagulan ni Storm dahil dumagdag ito sa hirap na gagawin nila.

"Blaze, apoy!" Sigaw ni Flow pero walang sumagot.

"Blaze? Blaze?" Paghahanap ni Dark pero biglang nawala si Blaze sa paligid.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon