Enchanted 2.7 🧝🏻‍♀️ Bewitched vs Bewitched

134 8 0
                                    

Ilang araw na ang nakalipas mula nang dumating dito sa Enchanted Academy si Alistair. Hindi pa din lumalabas ang DNA results dahil ayon kay Master Isigani, mas mahirap tingnan ang blood samples ng Enchanters dahil kakaiba ang dugo namin.

"Asteria, lunch ka naman kasabay namin." Pagpapacute ni Illumina habang nakadantay ang braso niya sa balikat ko. Lately, tuwing lunch break ay sinasamahan namin ni Alonso si Freiza sa House Faction dahil takot pa ding lumabas si Freiza. Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa din nawawala ng tuluyan ng trauma niya. Tiningan ko si Illumina at Hermione na hinihintay ako sagot ko so I gave them a reassuring smile.

"Sige. Sabay ako sa inyo maglunch after training class." Malinaw ang bawat bigkas ko nang mga salita hoping that Alonso would hear me. I slightly looked at Alonso at nahuli ko siyang nakatingin din sa akin. Tumango lang siya bago humarap ulit sa gitna ng Training Dome.

Napatingin naman ako kay Alistair at napansing naka-leather shoes siya. Hindi ba siya informed na training class kaya mas mabuti kung naka-sneakers ngayon? I just shrugged off my thoughts at sakto namang pumasok na si Master Snape. Something about Alistair still amuses me and isa pa din siyang hiwaga na hindi ko maipaliwanag. Anyway, ngayon ko na makikita officially ang enchant niya dahil nagfofocus sa combat training lately si Master and enchant enhancement.

"Proceed to your partners and let's begin training. Pronto!" Sigaw ni Master Snape kaya agad nagtakbuhan ang lahat papunta sa partners nila. Nilingon lingon ko naman ang paligid at napansin kong wala si Kuya Storm.

"Master?" Mabilisang napatingin sa akin si Master Snape with his usual bored expression plastered on his nakakakilabot na maputlang mukha.

"Yes, Asteria?" Tanong niya at I swear, medyo kinilabutan pa ako sa boses niya. Well, lagi naman siyang ganiyan magsalita.

"Wala po si Stormius Katastrephein—" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko'y sumagot na agad si Master.

"Oh yes. You'll be partnered up with Alistair Magus Zagan from now on. Perfect match, right?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya kaya tiningnan ko agad si Alistair nang hindi nililingon ang mukha ko. Him? His biceps looked like he's been lifting heavy loads for years. His chest built could attest to that fact. Tindig at porma palang niya alam mo nang malakas siya. Hindi katulad ng karamihan na mga kakaklase namin na mukhang wimpy kid AKA payatot.

"I don't punch girls." Sabi naman ni Alistair na nakapamulsa pa sa coat niya.

"Then zero marks will be enough for you, Alistair?" Tanong ni Master Snape at tuluyan na akong humarap sa kanya. Papayag ba siyang maka-zero? Lalo na't mainit ang dugo ng mga Masters pati na si Headmistress sa kanya.

"Remember that you must excel in all of your subjects when I send you off to the Academy. Always." Biglang sumakit sentido ko nang may marinig akong boses ng matandang lalaki. No wait! I think I just read his mind. I think it's a wave of the past memories na inaalala niya dahil medyo faint at hindi buo ang boses.

"I'll do it. 100 marks for the winner right?" Nagulat ako nang biglang magseryoso ang mukha niya. Kung kanina'y nakatingin siya kay Master, ngayon ay ang mga mata niya'y deretsong nakatingin sa akin.

"Interesting. Remember that the only rule is....there are no rules." I could definitely sense the hint of amusement in Master Snape's tone. Mukhang hindi magandang laban ito pero bakit ba ako alalang alala. Di hamak na mas matangkad at mas malaki ang built ng katawan ni Kuya Storm but then again, Kuya Storm is a friend and hindi niya ako papatayin but Alistair??? I can't exactly read him like what he desires in life.

"Begin, Zagans!"

Sa gulat ko'y napaangat ang mga balikat ko nang sumigaw si Master Snape na sinabayan pa nang pagsugod ni Alistair papunta sa gawi ko! I swear I just heard the loud gasps of my classmates.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon