Enchanted 2.3 🧝🏻‍♀️ First Mission

151 8 0
                                    

"Sinasabi ko sayo, Asteria Zagan. Papatayin kita!" Sigaw ni Kuya Storm sa akin kaya pinanliitan ko siya ng mga mata.

"Let's see." Napangisi naman siya sa sagot ko. Tingnan natin, Stormius Katastrephein. Hinawakan ko si Kuya Storm sa isang kamay niya at bumwelo sa pader para makapagbackflip. Sinipa ko ang dibdib niya pagkaikot ko at sinabayan ng suntok sa mukha kaya napaatras siya. Ginamit ko na ang chance na iyon at sinipa ko ang binti niya kaya nawalan siya ng balanse dahilan para bumagsak siya ng malakas sa sahig. Nag-THUMP pa ang katawan siya sa malakas ng pagbagsak sa sahig.

"Aray!" Daing niya bago mabilisang tumakbo papunta sa akin at hinatak ang magkabilang braso ko. Sobrang laki ni Kuya Storm kaya nahirapan ako magpumiglas.

"Patay ka sa akin, Riri!" Sigaw niya pero ngumisi lang ako.

"Akala mo lang." Mabilisan kong inuntog ang ulo ko sa ilong niya kaya nabitawan niya ako. Napangisi ako nang dumugo ang ilong niya. Nagsalitan kami ng mga suntok at sipa pero hindi niya inasahan nang sipain niya ako ay hinawakan ko ang paa niya at inikot siya para tumumba sa sahig. Napaluhod din ako nang mapatumba ko siya.

"Gumagaling ka, Riri pero mabagal ka pa din." Tiningnan niya ako ng masama bago sugurin ako muli na parang tigreng mangangain. Nang mahabol niya ako at sinakal niya ang leeg ko kaya hindi na ako makagalaw at kinarate chop niya ang likod ko.

"OUCH!!!" Napaluhod ako sa sobrang sakit ng likod ko na ngayo'y kumikirot na ng sobra.

"Ang daya sinakal mo ko!!!" Sigaw ko sa kanya pero bineletan lang niya ako. Baliw talaga to. Nararamdaman ko nang parang namamaga na siya at tumitibok na ang muscles ko doon. Oo nga pala, may pasa pa akong sobrang laki sa likod sanhi noong tinulak ako nang malakas ng attacker at tumama ang likod ko sa kahoy na desk ni Master Alhashimi.

Napasinghap naman ng malakas ang mga kaklase ko at agad silang naglapitan sa akin.

"Asteria, are you okay?!" Rinig kong sigaw ni Blaze na hawak hawak na ako ngayon.

"Kuya Storm naman eh. Baka natamaan spinal cord niya!" Sigaw naman ni Hermione.

"Riri, napalakas ata. Sorry pero ikaw nga hineadbutt mo ko eh." Sabi naman ni Kuya Storm. Oo, nasa training dome kami. May class kasi kami ngayon kay Master Snape at close combat fighting ang lesson ngayon. Kung sswertehin nga naman ako mas madami ang bilang ng mga lalaki kaya si Kuya Storm natapat sa akin imbis na babae din pero malala ang combat training dito dahil no rules. Just fight.

"Okay lang ako. Natamaan lang pasa ko." Sabi ko at tinayo na ako ng mga kaibigan ko.

"She won't die. Go back to your respective partners!" Sigaw ni Master Snape kaya nagtakbuhan ang lahat pabalik sa mga pwesto nila.

"Saan pasa mo? Dito ba?" Tinusok ng malakas ni Blaze ang likod ko kaya napakapit ako sa kanya.

"Masakit! Tigilan niyo nga." Sigaw ko kay Blaze kaya napaatras siya.

"Sorry. Ikaw kasi Storm eh." Sabi niya kay Kuya Storm na biglang namang umacting na may masakit na din. Hindi ko alam minsan kung Kuya ba talaga namin to eh. May pagkaisip bata din eh.

"Dumugo kaya ilong ko. OA mo, Ravana porket ma—" Bigla naman akong hinatak ni Blaze palayo kay Kuya Storm kaya hindi na niya natuloy ang sasabihin niya.

"Master, dadalhin ko na po siya sa Academy Hospital." Sabi ni Blaze at sumenyas lang si Master Snape na umalis na kami.


"Okay na nga ako." Sabi ko kay Blaze na lakad ng lakad dito sa hospital room na kala mo naman may seryoso akong karamdaman. Pumasok bigla ang nurse dala dala ang iba't ibang potions na iba't iba rin ang kulay.

"Ano, nurse? Ano ang perfect healing potion?" Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sa kapraningan nito ni Blaze.

"Dahil pagaling naman na ang pasa niya, Sir, madali na matatanggal ng healing potion na ito." Inangat ng nurse ang dalawang bote at binuhos ito sa isang towelette.

Hay. OA din pala itong si Blaze.

"For the following students, please proceed to the boardroom immediately..." Bigla napakunot noo ko nang may magannounce sa campus speakers na hindi ko pa din alam kung nasaan nakalagay yang invisible speakers na iyan. (Since volume 1 hindi ko mahanap eh)

"Prince Flow Kaia, Blaze Ravana, Hermione Dios, Katreena Greenfields, Illumina and Dark Daenerys, Blade Caspian and Princess Asteria Zagan. Now." Nagkatinginan kami ni Blaze pero nagkibit balikat lamang na parang hindi din niya alam kung tungkol saan ito.

"Tara na. Magpaheal ka nalang kay Hermione." Sabi ni Blaze kaya tumango nalang ako at sumunod na kay Blaze. Parang natulala naman ang nurse nang bigla nalang kaming lumabas ng hospital.

Pagkadating namin ng boardroom ay halos kakadating lang din ng mga kaibigan namin dahil paupo lamang sila. Nakita ko si Headmistress Georgia na nasa kabisera ng long table at nasa tabi naman niya si Master Nodame.

"Ano po mayroon, Master, Headmistress?" Tanong ni Flow. Umupo na kami sa upuan. Napansin ko na may nakapatong na mga black suit sa tapat ng bawat upuan. Ano mayroon?

"You have another mission. We have received an emergency call from the Persona Domain na may nakuha silang death threat." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Master Nodame. Mission? Death threat? May mission na din ako? Usually daw kasi ang pinakamagagaling na students ang pinapadala para sa mga missions.

Biglang bumukas ang LCD Projector at lumabas ang mukha ni Senator este Great Master Levitius sa screen.

"Magkakaroon ng feeding program si Great Master Levitius sa Coastal Park, Manila ng 12:00noon. Nakakuha daw sila ng isang sulat kaninang umaga na may death threat na iaassassinate si Great Master at hinala ng security team niya ay ngayon during the feeding program mangyayari ito." Sabi ni Master Nodame pero nagsalita naman agad si Blaze.

"Death threats are usually done to scare the victim pero hindi naman siguro iyon gagawin ng attacker na masyadong obvious diba?" Sabi ni Blaze kaya napatango naman kami. Oo, bakit naman ipapaalam ng attacker na papatayin nila ang victim?

"Kasi nanghihingi sila ng pera. Ang mas nakakapagtaka pa ay pinadaan daw sa isang matalik na kaibigan ni Great Master ang sulat. Kaya pwedeng hindi lang ang Great Master ang pakay kundi ang pinaabutan nila ng sulat." Napatayo ako nang makita ang mukhang lumabas sa LCD Projector.

"S-si Stacey?!" Sigaw ko kaya napatingin ang lahat sa akin. Oo, ang matalik kong kaibigan na si Stacey Reamillo ang nagflash sa screen at siya ang sinasabing pinaabutan ng sulat. Oh holy trinity! Not today, Satan. And not my bestfriend.

BewitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon