THREE

332 15 3
                                    

Two years after.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ni Gabrielle kasabay nang pagbaha ng liwanag sa loob. Pumasok kasi si Lana, ang ka-share niya sa nirerentahang condo unit, and flipped the lights on.

Gabrielle automatically covered her eyes with both hands. Medyo masakit kasi sa mata ang biglang pagliwanag ng buong paligid.

"Please turn off the lights," sabi niya sa kaibigan.

"Mygod, Gabbi! Talaga bang wala ka nang balak lumabas dito sa lungga mo?" ang nakapamaywang nitong wika.

Hula niya'y kakauwi lang nito mula sa ospital na pinagtatrabahuan nilang pareho. They're both doctors.

"Naka-leave ako, 'di ba?" aniya dito sabay talukbong ng kumot.

"Leave na muntik nang hindi ma-approved! Buti nalang napakiusapan ko si Tito!"

Tiyuhin nito ang isa sa mga heads ng ospital na pinagtatrabahuan.

"Thank you," ang walang kagana-ganang wika niya sa ilalim ng kumot.

Lana grabbed the blanket and pulled it away from her.

"C'mon, Gabbi! It's been two weeks already! Talaga bang wala kang planong bumangon diyan at ituloy ang buhay?" anito.

She calls her Gabbi, that's her nickname.

"Para ano pa?" aniya.

"Anong para ano pa? For us! For the people who truly cares for you! Sa mga magulang mong iginapang ang pagmi-med school mo! Para sa mga kapatid mo! Para sa sarili mo! You need to move on! You owe that to yourself!" ang paninermon nito.

She heaved a deep sigh before she said "I know" in a very nonchalant way bago niya tinangkang muling magtalukbong ng kumot.

But Lana was able to grab the blanket again before she can put it all over her.

"Gabbi naman, you need to help yourself. Hindi lang kay Drew umiikot ang mundo mo! You need to move on!" ani Lana bago siya tinangkang hatakin patayo.

She didn't cooperate kaya binitawan din siya nito.

"Madaling sabihin, mahirap gawin!" aniya habang yakap-yakap ang isang malaking unan.

"I know, I know! Alam kong mahirap. But you need to at least try! Hindi 'yong ganito. You're rotting here in your bedroom. When was the last time you took a bath, by the way?"

Mga almost one week na din yata.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga.

"Alam mo 'yong feeling na planado na lahat ng parte ng buhay mo?" aniya pagkuwan habang nakatitig sa kawalan.

"Everything was planned out," Gabrielle continued in a shaky voice. "Up to the littlest detail. And then boomed! In just a snap of a finger, just like that! Naglahong lahat na parang bula. Nakakatawa!" aniya sa mapaklang boses.

Don't cry! Don't cry! Not again! ang lihim na pagalit niya sa sarili.

Jusko, wala na siyang ibang ginawa kundi ang umiyak. Parang konting-konti na lang madi-dehydrate na siya.

Lana sat on the edge of the bed beside her and grabbed her hand. Pinisil pisil nito iyon.

"Alam kong mahirap pero you need to try. Hindi pwede 'yong ganito, kinakain ka ng depression mo. Baka bukas makalawa, magugulat na lang ako, pag-uwi ko dito — "

"Nag-suicide na ako?" she finished Lana's sentence.

Tinampal siya nito sa balikat.

"Huwag na huwag mong gagawin 'yan, bruha ka! Ang swerte naman ni Drew kung magpapakamatay ka dahil sa kanya? Ta's siya nagpapakasaya do'n sa piling no'ng babaeng 'yon? Gusto mo 'yon?"

Lana was trying to make her feel better. Sadly, it's not working.

"That would at least make him feel guilty," aniya. "Nang sa ganoon hindi sila sumaya no'ng babae niya."

"You're crazy!" ani Lana sa kanya. "Feeling mo ba forever siyang magi-guilty, ha? Hindi nga siya na-guilty noong niluko ka niya just after you got engaged! Walang konsensiya 'yong mga ganoong uri ng tao kaya 'wag ka nang umasa!"

"It's my fault, Lan," aniya dito. "Kasalanan ko kung bakit naghanap ng iba si Drew. I was too busy, wala na akong time para sa kanya." She was on the verge of crying again.

"That's bullsh*t!" anito. "We're on the same field! Doktor din naman siya! Alam niya ang klase ng buhay na meron tayo! That's not enough reason para maghanap siya ng iba. Ang sabihin mo, marupok lang talaga 'yang ex-fiancé mo!"

"Maybe he wanted a baby."

"Kaya sa iba siya gumawa?"

"I'm scared, Lan." She was already crying. She couldn't help it.

"You don't have to. We're here for you."

"Pero magpapakasal na din kayo ni Matt, 'di ba? Two to three years from now, you're going to leave me here. Alone."

"Ang tagal pa noon, huy! Baka nga abutin pa ng five years! At malamang sa malamang, may bagong boyfriend ka na by that time!" anito.

"Look at yourself! Ang ganda mo kaya," Lana continued. "Maganda na, matalino pa, may magandang career, hindi nga lang magaling magluto pero masipag naman sa ibang gawaing bahay kaya pwede na! Aba! Ang swerte kaya ng lalaking mapapangasawa mo."

"I want to have a baby before I turned 33," she said, more to herself. "And I'll be turning 30 in six months."

Sasagot pa sana si Lana nang biglang nag-ring ang phone nito. It was from the hospital.

"I need to go back to the hospital," anito after hanging up. "May emergency. Alam mo namang lagi tayong kinukulang sa staff. Kaya ikaw, bumalik ka na! You don't belong here."

"I don't know," aniya sa mahinang boses. "I don't know where I belong anymore."

And that's not a lie. She felt so lost right now.

So, so lost.

Blind Shot (ON-HOLD)Where stories live. Discover now