Twenty

9 2 0
                                    

Pagdating ko sa bahay namin ay hapong-hapo ako pero 'di ko na napigilan ang maiyak nang salubungin ako ng yakap ni inay Maricor.

"Desiree anak. Anong nangyari sa'yo? Bakit parang pagod na pagod ka?"

"Nay," hindi ko naituloy ang nais kong sabihin dahil nag-unahan na sa pagpatak ang mga luha ko.

"Anak, ano bang nangyari sa pagpunta mo sa bayan? Bakit ka umiiyak?"

"Nay, sino po si Levi?"

Kumalas ako sa pagkakayakap ko kay inay Maricor at humarap ako sa kanya, hindi niya agad ako sinagot kaya muli akong nagtanong.

"Boyfriend ko po ba siya?"

"Desiree, hindi ko malinaw na masasagot ang tanong mo. Ikaw lamang sa sarili mo ang nakakabatid nu'n," tuluyan na akong naguluhan sa naging sagot ni inay Maricor.

"Pero nay, hindi niyo po ba talaga alam kung naging sila ni Des--ang ibig ko pong sabihin ay kung naging boyfriend ko po ba siya?"

"Anak, bata ka pa lang ay si Ralph na ang special sa puso mo. Oo, wala kayong inaamin na relasyon pero nakikita 'yun mismo sa mga ikinikilos niyo. Kaya lang-"

Natigilan si inay Maricor.

Kaya lang ay nagbago si Desiree--'yun agad ang pumasok sa instinct ko.

"Kaya lang nu'ng mga panahon matapos mong ipagdiwang ang iyong ika-labingwalong karaawan ay unti-unting nagbago ang lahat," napayuko si inay Maricor at nakitang kong pinagtakip niya ang kanyang mga palad.

Tama nga ang kutob ko. May kinalaman lahat ang pagbabago ni Desiree sa kasalukuyang nangyayari ngayon at maaaring totoo ang lahat ng sinabi sa akin ni Levi na boyfriend siya nito. Ngunit si Ralph, paano siya?

Paano 'yung pagmamahal niya para kay Desiree? Hindi man lang ba niya ito ipinaglaban noon kaya nagkaroon ng pagkakataon 'yung Levi na 'yun para maging magkasintahan sila ng dalaga?

Asar! Ano ba itong misyon na pinasok ko? Pwede kayang bumalik na lang ako sa panahong pinanggalingan ko? Hindi ako tatagal na ganito ang nararamdaman ko.

Nasasaktan ako para kay Ralph.

Walang mali sa kanya, halos perpekto na nga siyang lalaki para mahalin pero ano 'to? Bakit nagawa siyang lokohin ni Desiree?

At si Levi, nagmamahalan ba talaga silang dalawa para hayaan niya ito na maging nobyo niya.

"Nay, huling tanong na po. Kanino po kayo mas boto ni itay? Kay Levi o kay Ralph?"

Nonsense 'yung tanong ko, alam ko naman pero gusto ko pa rin malaman ang side nilang mag-asawa.

"Anak kung ang tatay mo ang tatanungin ay walang pag-aalinlangan na si Ralph ang gusto niya para sa'yo dahil halos ang tatay mo na rin ang naging pangalawang ama ng kababata mo. Pero ako anak, gusto ko mapunta ka sa lalaking higit na makakapagbigay sa'yo ng kaligayahan sa puso at hindi dahil sa mga materyal na bagay lang," tumanim sa puso't isipan ko ang mga tinuran na 'yun ni inay Maricor, sana ganu'n rin magbigay ng advice sa akin si mommy.

"Sorry po nay, ito na po talaga 'yung pinakahuli kong tanong?"

"Nakung bata ka, dalaga ka na talaga. Puros pag-ibig na ang pinag-uusapan natin," natawa kami pareho sa sinabi niya.

"Nay sa palagay niyo po, kanino niyo nakikita na magiging masaya ang puso ko?"

Whoa! I hate to ask that kind of question--ang awkward ng dating sa akiin. Promise!

"Hindi mo ba kayang sagutin sa sarili mo ang tanong na 'yan? Ikaw ang higit na nakakaalam anak."

Oo nga naman. Kung makapagtanong kasi ako parang hindi ko talaga alam kung ano ang nais ng puso ko pero deep inside me, hindi ako dapat gumawa ng kahit na anong desisyon sa panahon na ito.

Soulmate From The PastWhere stories live. Discover now