CHAPTER 13

13K 212 17
                                    

Chapter 13: JEALOUS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 13: JEALOUS

"Wala akong pinagsisihan sa mga naging desiyon ko..." nasabi ko na lamang habang pinagmamasdan ang huling litrato na buo kaming pamilya.

I quickly wiped my tears away. Ang saya lang kasi namin dito. Masigla at tila walang problema. Mula ng iwan kami ni Papa, parang doon nagsimula ang kamalasan ng buhay namin.

"Kung titingnan, mali na ang landas na sinusubukan kong tahakin pero wala na akong pakialam. Basta maging maayos lang buhay niyo... ayos na din ako."

Gusto kong isipin na kung kasama pa ba namin si Papa... hindi ba magiging ganito kahirap ang lahat? Kung nandito ba si Papa, magiging iba ba ang mga desisyong pipiliin ko? Kung hindi ba kami iniwan ni Papa... Ayaw ko ng isipin. Hindi din naman kasi magiging totoo ang lahat.

Umiling ako sa aking sarili. I glanced at the picture frame again before returning it to the side table of Mama's bed behind of our new photos. Hanggang ngayon pala ay hindi pa niya itinatago iyon.

I got up to pick up the clothes I took from Mama's closet. Bukas na kasi ang labas niya sa hospital. Ito na ang ika-seven weeks at six days na pananatili ni Mama sa hospital pagkatapos ng ginawang surgery. It was also almost four days before Mama finally recovered from it. She also endured the pain of her cuts or incisions and the swelling or bruising around her eyes for five days. Ang totoo, noong ika-limang linggo namin dito ay maari na sanang lumabas si Mama, but we chose to stay here to make sure that she was really okay.

Pagkababa ko sa unang palapag ay naabutan ko doon sina Mark at Nichol na handang-handa na sa pag-alis at tanging ako na lang ang hinihintay. 
Limang linggo na din ang lumipas simula noong bumalik ako sa araw-araw na pagpasok at pagtatrabaho ng gabi sa NeoBar. Mabuti na lang at hindi nagkaroon ng problema dahil nagpadala naman ako ng excuse letter bilang dahilan sa mga absents ko at personal ko pa itong ibinigay.

Naunang lumabas sa amin si Nichol samantalang si Mark naman ay lumapit sa akin upang kuhanin ang bag na naglalaman ng mga pamalit ni Mama. Gaya ng nakasanayan ay inihatid ko silang dalawa sa sakayan kahit na parehas na kami ni Nichol ng pinapasukan. Sinubukan ko dating yayain si Nichol na sa akin na sumabay ngunit hindi naman niya ako pinansin.

Pagkarating ko sa University ay agad akong humiram ng notebook sa seatmate ko upang kumopya ng mga notes niya noong nagdaan na mga linggo habang wala pang klase. Maaga akong nakaalis ng AU dahil mukhang tinamad na naman ang ilang Prof naming magturo kaya't hindi kami sinipot.

Sa Enriquez' Private Hospital na ako dumeritso. Bahagyang nagulat ako ng maabutan ko sa hospital room ni Mama si Mr. Radcliffe na nakikipag-usap dito. Mr. Radcliffe was wearing his usual. He's wearing a navy two-button suit and white shirt underneath with his Dunhill silk tie. The details on his suit like patch pockets and contrasts buttons help in this regard, although they'll also make his suit more smart-casual. Palagi na lamang ganoon ang suot niya tuwing nakikita ko siya. He always seems like he's attending a wedding or court appearances.

Not A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon