SIETE

50 7 2
                                    

[chapter 7]

Umupo kami ni Sierra sa canteen tables, at with so much enthusiasm, gusto kong aminin kay Sierra pero hindi safe. Lalo na't malapit sa amin si Tom.

"Sierra?" tanong ko, habang pinaglalaruan ang pasta ng spaghetti.

"Oh?" sagot ni Sierra at napatingin sa akin. "Gracious madness! Wag mong pinag-lalaruan ang spaghetti. Sensitive yan, pwedeng masira agad yan."

Then bigla akong napa-isip... Ako ba yung tinutukoy ni Sierra? Na baka paglaruan ako? Na madali lang masira ang puso ko? Kasi sensitive at marupok ako? O baka sinasabi niya na papaano kung tulad sa spaghetti, ako naman ang pinaglaruan? Gusto ko ba yun?

"Oo na, oo na." madiin akong umayon.

"Ano ba kasi yun? Bakit mo nabanggit ang very beautiful and stunning name ko?" tanong nya.

Tumango ako, "Tama ka dyan, yung name mo lang talaga."

"Ang bad mo! Hindi na kita b-f-f!"

"Papaano kung sinabihan ka ng I love you nang isang lalaki?" I blurted out. Habang painom palang ng tubig si Sierra, muntik na siyang mabilaukan.

"WHAT?" gulat niyang tinanong.

Tumingin ako sa paligid, at baka nakuha ng pag-sigaw ni Sierra ang atensyon ng mga tao sa canteen. Nakakahiya.

"Wag kang sisigaw, kaingay mo." nahihiya kong binawalan si Sierra. "Paano? Ang sabi ko paano kung sinabihan kang I love you?"

"Oo alam ko, nagulat lang ako kaya ganun." pagdiin ni Sierra. She smiled like not the normal smile she does, she's made her face look so silly. "Si Tom ba yan?"

Ano? Tom na naman? Si Tom lang ba talaga ang pwedeng magka-gusto sa akin?

"Hindi, basta. Ano na? Papaano?" tanong ko ulit.

"Hay, di ko sasabihin hangga't di mo sasabihin kung sino." she rolled her eyes, "para quits."

Then bigla akong napa-tingin sa entrance ng canteen, papasok siya, siya... si-ya lang. Si Theo... Kasama niya siguro ang tatlo nyang kaibigan. Alam mo yung nangyayari sa mga movies, yung di mo aakalaing nangyayari sa totoong buhay? Sheeeet! Kapag tinamaan ka, sa point-of-view mo nangyayari.

That slow-mo walk, feeling ko bawat parte ng galaw niya nag-zo-zoom ang mga mata ko at napapansin ko.

Yung parte na inilabas niya ang kanang kamay niya sa kanyang bulsa, at ang pag-sadyang guluhin ang sariling buhok, at ang pag-sulyap sa akin.

Wait... What?

Sumulyap siya sa akin?

At bigla akong hinila sa katotohanan. Napatingin siya sa akin. At kunwari, I jokingly covered my face, hindi naman buo, yung may porsyento parin na kita ako. Bilang sign lang na kunwari tinataguan ko siya.

And then inalis ko rin.

At tumuloy sila at nakangiti sya habang naglakad.

Para bang kailangan ko na ng kamay at brasong malakas para kapag nahulog ako 'di na mahihirapan ang sasalo sakin.

"Shet! Gaga ka, malandi!" pinalo ako sa braso ni Sierra.

"Ah? Hala. Bakit kaya?" maang-maangan kong reaksyon at tinanong.

"Child abuse ka talaga!" pagdiin ni Sierra. Sabay hablot sa foundation nya at nag-apply sa mukha.

"Hala, hindi naman eh, alam mo naman na 'di ko magugustuhan si T--" hindi ako pinatapos ni Sierra.

"Tumigil ka!" sabi niya. "May jowa na yang si James, kahit bata pa yan."

Hindi ako napa-imik, muntik ko nang sabihin na si Theo yung tinutukoy ko talaga. Buti nalang at yung barkada ni Theo ang napansin niya.

"Uh, oh... Okay." yun nalang ang nasabi ko dahil sa isa pang factor na na-relived ako at dahil hindi pala si Theo ang nasa isip niya. "Hindi ko naman siya bet, kaya there's nothing to worry about." kumindat ako.

"Hindi porket bihira ka lang magmahal, magmamahal kana ng mas bata sayo. Paglalaruan ka lang nyan."

Tinignan ko lang siya ng matagal. Napahinto siya sa pag-aapply ng foundation at tumingin sa akin.

"Bakit? Anong tinitingin mo?" tanong niya sakin.

"Base on experience ba yan?" tanong ko, pero pwede na ring conclusion na sagot.

"Tangek Lacey, kung ano ano yang iniisip mo." at nagpatuloy ulit naglagay ng foundation.

"Ayi!"

Sinara ni Sierra ang foundation niya, at hinila ako.

"Hay nako, halika na nga!"

Nahuli kong nakatingin si Theo, pero bigla niya rin itong inalis. Huli ka balbon! Akala mo ah.

At umalis na nga kami sa canteen.

"Kita ko na sir, may mahalaga daw syang announcement. Tara na sa room nyo." sambit ni Sierra.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Where stories live. Discover now