CINCUENTA Y NUEVE

11 4 0
                                    

[chapter 59]

Pagpasok ko sa classroom nakita ko si Tom.

“Tom?” tanong ko.

“Lacey...” tumayo sya.

“Kamusta na si Theo?” tanong ko, flashes him a big smile.

“Bakit di mo sya binibisita pala?” hindi sinagot ni Tom ang tanong ko, instead, nagtanong rin siya pabalik.

“Uh, eh,” I stuttered. “Ayoko na kasing maka-gulo, ayoko ng ipilit pa ang sarili ko sakanya. Kung hindi na niya ako maalala...”

“Alam mo bang tinatanong niya lagi kung bakit hindi ka daw bumibisita? Galit ka daw ba sakanya?” he told me. Napayuko ako.

Bakit kailangan niya pa akong hanapin? Diba hindi na nga ako nanggugulo?

“Bumalik na ba yung alaala niya?” bigla kong naisipang itanong.

“No... hindi pa.” sabi ni Tom. “Pero nakalabas na siya.” dagdag pa ni Tom.

“Talaga? Good for him. Kailan pa?” tinatanong ko lang ito para makakuha pa ng mga information, kunwari wala na akong pake sakanya. But little did they know, I'm still affected and will ever care about him.

“Noong Thursday pa, pero diretso parin siyang nagpapa-check up sa doctor. Actually, pumasok na nga siya ngayon eh, subukan daw namin siyang papasukin at baka sakaling makatulong sa pagbabalik ng alaala niya.” paliwanag ni Tom.

What? Seryoso? So nandito siya ngayon?

“Ganon? Hindi ba delikado sakanya yun? Kasi nung sinubukan kong ipaalala sakanya yung mga... Basta... Yung mga memories namin, sumakit yung ulo niya.” sabi ko.

“Ah, yun ba yung mga hawak hawak niya papel?” Tom laughed a little. Itinaasan ko siya ng kilay.

“Binasa nyo yung mga yun?” tanong ko.

“Hindi, ayaw nya ngang ipa-basa eh. Sasabihin niya na para lang daw sa taong sinulatan niya yun.”

What? Bakit kailangan niyang sabihin yun?

Bigla akong tumayo at susubukang lumabas.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Tom.

“Mag-i-skip ng klase.” sabi ko.

“Woah!” Tom exclaimed. Nagulat siya kasi hindi niya akalain na gagawin ko yun. Alam niya kasi kung gaano ko kamahal ang schooling.

Pinuntahan ko yung room nila Theo.

Kumatok ako at binuksan ang pinto. “Good morning Ma'am, may I excuse Dos?”

“UUYYYYYY!!!” pag kantsaw ng mga kaklase niya in chorus.

Tinawag niya si Theo.

Nakangiti si Theo na lumabas.

“Hi ate,” he waved at me.

“Hi Theo...” I waved back, kinamot niya lang ang ulo niya. Siguro nakulitan na siya at Theo ang tawag ko sakanya.

“Uh, bakit po pala hindi na kayo bumisita nun?” tanong niya. “Sorry po, kung hindi ko po talaga maalala yung gusto niyong maalala ko. Hindi lang po kasi ako makapaniwala na --” pinahinto ko siya.

“Shhh...” I smiled. Hinawakan ko ang kamay niya. “Halika sumunod ka sa akin.”

“Huh? Saan po tayo pupunta?” wala syang ideya kung saan kami pupunta at kung anong gagawin namin.

“Basta sumunod ka lang...” sabi ko. At hinayaan niya lang ako na isama siya.“...mag-skip tayo, kahit ngayon lang.” bigla kong idinagdag.

“Seryoso ka ate?!” nanlaki ang mga mata niya.

When Ate Met Ading [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon