TREINTA Y DOS

30 4 2
                                    

[chapter 32]

Natapos ang unang araw ng Intrams, I feel very productive. I mean, I never participated to any extracurricular activities but I still feel productive. Naramdaman kong magkaroon ng jowa; alam mo yun, nagmamahal lang ako, magmula noong nagsimula akong mamulat sa mapag-paikot na salitang "love", nagmamahal lang ako, palihim, minsan minamahal ko pa ang tao kahit walang syang ideya na mahal ko siya. Nabuhay ako na ang pinangarap ko lang ay magmahal at mahalin.

Pero hindi ako makapaniwala ngayon, yung pinangarap ko, nasa tabi ko ngayon at mahal rin ako.

Kung iisipin, palagay ko noon, isa narin si Theo sa mga lalaki na mamahalin ko lang nang hindi niya alam na mahal ko siya. Tinanggap ko narin yun, dahil napaka-imposible na magkagusto sakin ang tulad nya, at aside doon, ngayon lang ako nagka-gusto sa mas bata sakin, like Grade 7 ba naman sya at Grade 10 ako? Diba? Pero, wala e -- nandito na siya. Kahit pasikreto lang ito, kontento narin ako.

Nasa may second floor kami ng building 5 ng school, at dun kami nanonood. Hindi na namin inasam na makipagsiksikan sa harapan ng stage, buti pa dito kitang kita yung stage, at nasa taas kapa. Katabi ko siya, pero syempre marami rin kami dito na mga estudyante, syempre hindi lang kami yung nakaisip nung paraan na yun.

Sa railings may dulo rin na isang poste, dun niya ako pina-pwesto para hindi ako madikitan ng ibang tao.

"Ayus ka lang ate Lace?" tanong niya, okay back to Ate at Ading, may ibang tao e.

"Ayus lang." sagot ko.

That moment na nag-salita si Theo may nakapansin sakanya, group of girls. Alright, alam ko na ito. Nagtutulakan pa sila, nagtuturuan para i-approach si Theo.

"Ikaw na kasi,", "Hala, bakit ako?", "Sabihin mo lang magpapa-picture tayo sakanya", "Ikaw kasi ang mag-sabi".

Hiya pa sila e, hindi nalang nila lapitan, di naman ako magagalit at mabait naman itong si Theo para i-reject sila.

Hanggang sa na-irita na ako.

"Theo, magpapa-picture daw yung mga fans mo," sabi ko, tinignan ako ni Theo ng nalilito.

"Ayus lang sayo?" tanong niya.

"Lah, ano kaba, syempre ayus lang. Kanina pa nga may mga nagpapa-picture sayo e, di naman ako nag-rereklamo." pinaliwanag ko sakanya.

Ngumiti sya sakin, "Okay."

Then tumingin ako dun sa mga babae para sabihan sila, "Ading, magpapa-picture ba kayo kay Dos?"

Napatingin yung isang babae sakin. "Ay opo, ate, kung okay lang po sakanya."

"Sige, kausapin ko." I said kahit na pumayag na siya.

Then inilapit ko si Theo sakanila.

"Binibenta mo talaga ako e," pabirong sinabi ni Theo. Ngumiti nalang ako at hinayaan na ang mga babae nag magpa-picture sakanya.

At nagpa-picture na nga isa-isa yung mga babae, then bigla nila akong tinawag.

"Ate? Ate?"

Napatingin naman ako.

"Ate? Pwede mo ba kaming picturan na kasama siya?" favor nung isang babae, aba, iba rin itong mga ito ah, inasa na lahat sakin. Nakita ko yung mukha ni Theo, medyo natatawa. Bwisit, ganito ito kapag nakikita niya akong nabi-bwisit e.

Then after kong itinake, inabot ko na sakanila.

"Thank you po ate!" sabi nila, nginitian ko naman sila. "Thank you Dos, ipagchi-cheer ka namin bukas, ihhh ang gwapo mo talaga!" hindi nila mapigilan yung sarili nila. Kung sabagay, di ko naman sila masisisi.

Then bumalik na kami sa pwesto namin.

"Oh?" tanong ko kay Theo, kasi parang pinipigilan niya yung tawa niya. "Ano yun?" I tried my best to sound a little annoyed.

"Instant assistant ka doon ah," he said.

Pinalo ko siya sa braso, "Tumigil ka nga dyan." tas bigla akong ngumiti.

Siya naman yung nag-iba yung mood, "Pero wala, binibenta mo na ako..."

"Huh? Anong binibenta, wala nga akong natanggap na bayad e." I told him.

"Edi, ibig sabihin nun, ipinapamigay mo na ako?" he told me.

"Huh?! Absolutely not." sagot ko.

"Eh, bakit mo hinayaan na magpa-picture sila sakin? Diba girlfriend kita? Dapat ayaw mo yung mga ganoong bagay." sabi niya.

"At kanino mo naman natutunan yung ganyan? Porket girlfriend kailangan na kitang pagbawalan sa ganun?" I asked him.

"Hindi naman. Yung girlfriend kasi ni James ganun daw sya, ganun pagkaka-kwento ni James." he explained.

"Well, hindi ako tulad nung girlfriend ni James, okay?" I stated.

"So, pinapamigay mo nga ako?" pagpilit niya.

"Hindi nga!" sabi ko habang pinipilit ko yung sarili ko na manood.

"Kasi nga, nandun sila sa likod natin, obvious na obvious naman sila. Atsaka, ang iingay nila, na-iistorbo yung oras ko sayo -- kaya hinayaan ko nalang sila para matapos na agad at ma-solo na kita ulit." sabi ko sakanya, "Oh, pinapamigay pa kita sa lagay na yun?" tanong ko.

"Hindi, pero kinilig ako dun sa sinabi mo."

"Masanay kana sakin, at masanay ka na rin sa mga nagpapa-picture na yan. Kasi once na tumuntong kana sa stage na yun, celebrity na ang tingin sayo ng mga tao dito, lalo na yung mga kababaihan, basta wag ka lang lalandi. Don't you dare!" I said at dinuro yung ilong niya.

"Opo, I love you po." sabi niya, then for a moment, our eyes met. Ang saya ng mga mata nya, hindi ako magsasawang titigan ito.

"I love you back!" I said. Sana lang walang nakarinig sa usapan namin.

Inihiga niya yung uluhan niya sa balikat ko, and kissed my shoulder. Like, isn't it the sweetest thing?

When Ate Met Ading [COMPLETED]Where stories live. Discover now