Exhausted

10 0 0
                                    


Heto na naman ako, magdadrama na naman ang author nyo.

Wala lang, ang tagal ko na ring hindi nakapagsulat dito. At gusto ko lang isulat lang to ng isulat.

Hindi ko na alam gagawin ko, gusto ko ng pahinga kaso parang pinagkakaitan nila ako ng pahinga.

Parang lahat ng stress sa bahay sakin, sakin binagsak lahat.

Dahil nga raw, panganay ako.

Wala tayong magagawa eh hahahaha, ang hirap na rin kumuha ng positivity energy from others lalo na't ayaw mong mangisturbo ng ibang tao at may sarili rin silang buhay.

Ayoko makinig sa sinasabi ng ibang tao pero di ko kaya. Nag-pretend na ko na kaya kong depensahan lahat ng sinasabi nila pero di ko kinaya.

Sinasabi ko sa sarili ko na kakayanin ko to, kaya to hanggang sa maging ok ang lahat. Kaso habang patagal nang patagal, pagod nang papagod na ko.

Sabi ng iba, malakas ako pero no! Hindi ako malakas hahahahaha, napaka-soft hearted at napaka-iyakin kong tao. Siga siga lang ako nong grade 7 na nanapak pero deep inside iyakin ako. Kaya sa lahat ng bagay kapag sumikip dibdib ko, iniiyak ko nalang pero ngayon kahit anong sikip nya na di ko na maiyak kasi iba na naman ang sasabihin nila sakin.

Di ko na alam saan ako lulugar, ewan napapagod na ako. Kahit nga paggawa ng maayos na content sa chapter di ko na maayos unlike sa ibang chapters na published ko na.

Please pray for me guys, napapagod na ako and ayoko ulit mangyare yung mga bagay na ginagawa ko dati..

Thoughts Ni AuthorNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ