Nakakapagod na rin pala?

15 0 0
                                    

Heh. Tignan nyo andito na naman ako nagsusulat dahil may sama na naman ng loob.

Alam nyo naman siguro gaano kabigat yung dinadala ko dito...

Nagsusulat lang naman ako dito kasi gusto kong may nakikinig sakin...

Hindi ko na talaga alam anong gagawin.. Can I have your opinions?

5 persons kami sa family namin, dad and mom ko, ako, young bro ko and lastly grandmom ko mom ng dad ko.

Si grandmom, hindi nya nagugustuhan ugali ni mom ever since na pinanganak ako.

Ang kwento kasi sakin ng ninang ko, wala pang a year nanliligaw si dad kay mom and they did adult stuff agad kahit hindi pa nakikilala ni dad si mom fully.

April 16, 2001 is the day they finally tied the knot. Taray di ba? 2 or 3 months of relationship lang kasal na sila. Nagpakasal sila dahil pinagbubuntis na ko ng mom ko. And after my birth, may di pagkakaunawaan si mom and grandmom.

Sabi ni ninang, hindi ako hiyang sa gatas na pinapainom sakin so nagsuggest si grandmom na palitan yung milk ko after their discussion hindi na iniimikan ni mom si grandmom as in. Si grandmom ang nagaalaga kay mom after birth kasi her mom nowhere to be found.

So yun nga, hindi na inimikan ni mom si grandmom for a day. Inaalok ni grandmom kumain si mom pero hindi siya pinapansin. Nagsabi si grandmom kay dad na naging ganun pakikitungo ni mom after discussion about milk ko.

Cinofront naman ni dad si mom bakit nagiging ganun sya kay grandmom, sinabi niya daw na "Eh kasi gusto ni mama na palitan gatas nong bata" eh nagsuggest lang naman si grandmom pero di sinabing papalitan na and doon nalaman ni ninang na there's something wrong with her attitude na.

Lemme describe my mom, hindi siya makabasag pinggan, cheerful sa ibang tao ganyan ang outside apperrance ni mom (Note: Idk if dahil sa pagiging mahinhin nya yet cheerful person nahulog dad ko sa kanya) Pero kapag kami kami nalang ng mom ko, she's the opposite one. Napakatipid niya pagdating samin magkakapatid, ultimo yung food namin titipirin niya, susungitan nya kami kapag napasobra kain namin or kung gagastos kami sa isang bagay na gusto namin kahit pinagipunan namin yun. Kuripot mom ko yes, napakakuripot pa sa ibang tao. Pero kapag sa sarili niya, napakagastos niya. Magtataka nalang ako na may mga bagong sapatos and bags si mom pero ni isa sakin na anak niyang babae hindi niya ko binibilhan hindi naman sa nagdedemand ako, pero is it fine to receive gifts from her di ba? Kasi lahat ng gamit ko, tinatyaga ko ng 3-5 years or hanggang sa masira na saka niya lang ako bibilhan ng bago tapos ganun ulit hanggang tiis tiis lang ako.

Minsan, ay no lagi nya kong gustong ako gumawa ng gawain ultimo ako na yung kasambahay sa bahay. New role ko na ang maging kasambahay niya at hindi anak niya.

Nth times niya na rin akong icompare sa iba, si ganto si ganyan mabuti pa sila ganto ganyan ikaw hindi. Buti pa sila sana hindi nalang ikaw naging anak ko sana sila nalang...

Minsan yung mga bagay na binibili ko para sa sarili ko, kinukuha niya katulad nong panahon na tinatry ko magaral paano gumamit ng makeup partida 17 years old na ko so normal lang naman na magaral ako di ba? Kinuha nya lahat ng binili kong makeup. Kaya that time kapag may binibili ako sa sarili ko tinatago ko.

Junior high days ko, kilala ako sa school na laging hinahakot yung medals every recognition. Never siya naging proud don. Pero ngayon nag-senior high na ko, nagalit siya na may nabagsak akong two subjects and telling me "Matalino ka di ba? Nasaan talino mo? Ano nalang sasabihin sakin ng mga kaibigan ko kung may bagsak ka?"

Kapag kumpleto kami dito sa bahay, walang araw ni gabi walang nag-aaway. Kapag hindi si mom at grandmom ang nagaaway, si dad and mom, minsan mom against me or my young bro naman. Wala siyang pinapalampas na oras para mang-away. Ewan ko ba kung nature na ba talaga kay mom ang mang-away at mang-break down ng iba.

Thoughts Ni AuthorWhere stories live. Discover now