Chapter 1

13.2K 264 11
                                    

Breeanna's POV

Kanina pa tawag ng tawag si Dad saakin. He's fuming mad now sigurado ako, ngayon ko makilala yung mapapangasawa ko kuno at halos dalawang oras na akong late. Sunod-sunod din ang text ni mom and dad saakin, lalo na si dad na halatang nanggagalaiti na saakin.

Ipinarada ko sa harap ng sikat na restaurant ang kotse ko at napapabuntong hiningang napatingin sa pinto nun. Kapag pumasok ako sa pinto na yun alam kong wala ng atrasan pa, makakasal at makakasal ako sa lesbianang iyon. Chale Hernandez, i hate her so much kung di dahil sa kanya wala sana ako sa ganitong sitwasyon. Kilalang-kilala siya sa business world pero kahit kailan ay wala pang nagleleak na mga pictures niya kaya walang nakakaalam ng hitsura niya. Maybe she's ugly, or baka naman may sakit sa balat. Sa isipin iyon ay napa "eww" ako. Makakasal ako sa pangit at may sakit sa balat na lesbiana.

Nagulat pa ako ng muling malakas na tumunog ang cellphone ko. Si dad, napapabuntong hiningang sinagot ko iyon para lang muling ilayo sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya.

"WHERE ON THE EARTH ARE YOU BREEANNA KIM?!" Dagundong na sigaw ni Dad na ikinangiwi ko. No doubt, he's really mad.

"N-nasa labas na po ako." Muntik ko pang mautal na sagot. Agad nitong pinatay ang tawag at maya-maya pa'y nakita ko siyang lumabas ng pinto kasunod si mom. Kitang-kita ko ang pagsalubong ng kilay niya ng makita ang kotse ko, nagmamadali siyang lumapit sa kinapaparkingan ko at agad na binuksan ang pinto saka ako hinila palabas.

"You're really pushing me off my limit, Breeanna! Pinapahiya mo'ko kay Miss Hernandez." Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni dad pero pinipigilan niya iyong sumabog dahil may mga taong makakakita sa kanya. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko. Siguradong magmamarka iyon mamaya.

"Dad, nasasaktan ako." Naiiyak kong daing na pilit na kumakawala sa kanya.

"Samuel! Bitawan mo ang anak ko." Madiing sabi ni mom ng makalapit saamin. Agad naman akong binitawan ni dad. Naiiyak kong hinimas ang braso kong namamaga.

"Sige Beatrice, kunsintihin mo yang anak mo. This is the only chance we have para maisalba ang companyang pinaghirapan ng mga magulang ko and she's not gonna ruin this!" Galit na sigaw ni dad bago muling bumalik sa loob ng restaurant.

"Are you okay, honey?" Tanong ni mom at tiningnan ang namamaga kong braso saka ako niyakap. "Im sorry about your dad, sobra na siyang stress dahil sa nangyayari sa companya." Paliwanag ni mom. Naiintindihan ko naman iyon, pero bakit sa dami ng pwede kong pakasalan bakit sa isang lesbiana pa.

"Let's go, kanina kapa inaantay ni Chale." Aya ni mom na ikinatango ko lang. Wala naman akong ibang choice kundi sundin si dad, kung sasalungat ako sa gusto niya ako lang din ang mahihirapan.

Sabay kaming pumasok ni mommy sa restaurant. Agad ko namang nakita si dad na makahulogang nakatingin saakin. Napakunot noo naman ako ng makita ang babaeng nakatalikod saamin, mahaba ang itim niyang buhok, at halata ding matangkad siya. Nang tuloyan kaming makalapit ay agad na tumayo si dad para salubongin kami.

"Wag mo'kong ipapahiya." Bulong niya saakin na ikinatango ko lang, nakayuko naman akong lumapit sa tumayo ding si Miss Hernandez. Napatingin pa ako sa sapatos niya, mukang mas mataas pa ang suot niyang stiletto kesa sakin.

"This is my daughter Breeanna Kim, and Bree this is Miss Chale Hernandez." Pakilala saamin ni Dad pero hindi man lang ako nag-angat ng tingin.

"Hi. It's nice to finally my soon to be wife." Malumanay niyang sabi at inilahad ang kamay niyang tiningnan ko lang naman. Naramdaman ko pa ang pagbungo ng balikat ni dad sa balikat ko kaya napilitan akong tanggapin ang pakikipagkamay niya na agad ko din namang binitawan, nakakapaso yung warmth ng palad niya.

"Hi, nice to meet you too." Ani ko kasabay ng pagtaas ng tingin ko sa kanya. Napatanga ako ng makita ang seryoso niyang mukha, hindi siya mataba at lalong wala siyang sakit sa balat. This woman in front of me is the definition of a goddess.

And what the heck heart? Why are you beating so fast?

ZyyyRilll

Heredera Series: Breeanna KimWhere stories live. Discover now