Chapter 4

6.5K 200 1
                                    

Chale's POV

Natutulog na sa gitna ng kama ko si Bree ng pumasok ako. Mag-aalas sais na ng umaga, doon na ako sa office ko natulog. Napatingin ako sa hita niya ng gumalaw siya at malilis ang suot niyang red silk nighties. Nasa gilid din ang bukas niyang malita na puno ng mga damit niya na dinala ng parents niya kanina. Napangiti akong lumapit sa kanya at dahan-dahang tumabi ng higa para mapagmasdan siya.

"You're so beautiful." Di ko naiwasang bigkasin. I smiled when she snored. Kahit hilik ang ganda sa pandinig.

Maya-maya pa ay dumilat ang mga mata niya at ng makita ako ay nanlaki sa gulat ang may kaliitan niyang mata bago ako sipain na ikinahulog ko sa kama.

"Fuck!" Mura ko ng tumama ang pwet ko sa sahig. Ang sakit!

"Bat kaba kasi nanggugulat?!" Sigaw niya at agad na tumayo para tulungan akong makatayo.

"Nanggugulat? Fuck, i was just admiring you while you're asleep tapos nanggugulat?" Di makapaniwalang sabi ko ng tanggapin ang nakalahad niyang kamay para tulungan akong makatayo.

"Alam mo nakakasira ka ng araw." Irap niya saakin ng makatayo na ako.

"Really? Wow! you're unbelievable. Ikaw na nga ang sumipa sakin ako pa ang nakakasira ng araw mo. Your crazy." Ani ko na ikairap niya lang lalo.

"Whatever Chale." Aniya na kumuha ng pamalit sa malita niya at pumasok ng banyo. Di ako makapaniwala sa babaeng 'to.

Pagkatapos niyang maligo ay agad na din akong maligo. Di pwedeng malate ako sa trabaho. Nang pababa na ako ng hagdan ay narinig kong nakikipag-usap siya sa mga katulong.

"Ilang taon kana, Joan? Mukang ang bata mo pa." Sabi niya. Di muna ako tuloyang bumaba at nakinig muna sa kanila.

"19 po maam." Sagot naman ng huli.

"Wag mo na akong tawaging ma'am, ate Bree nalang." Sabi naman niya na ikinangiti ko.

"Baka ho magalit si Maam Chale." Sagot naman nung huli.

"Hayaan mo yun, inasa-asawa niya ako kaya ako ng masusunod ngayon." Aniya na ikinataas ng kilay ko. Nagulat pa ang kausap niya ng bigla akong bumaba at nasa likod na ako ni Bree. Pasimply pa itong sumenyas kay Bree para sabihing nasa likod na niya ako pero di iyon napapansin ni Bree.

"Tsaka wag niyong ipaghahanda ng pagkain yung monster na yun. Hayaan niyo siyang mamatay sa gutom." Aniya. Im really trying to keep my stoic face, natatawa na talaga ako kay Bree.

"What did you say?" Bulong ko ng makalapit sa kanya. Napatalon pa siya sa gulat.

"Papatayin mo ba ako sa gulat?" Pasigaw niyang sabi.

"Ako pa ang papatay sayo sa gulat when you've been ordering my maids to not make food for me." Ani ko naman.

"Talaga, because you're just so annoying. You already ruined my day." Aniya tsaka ako inirapan at hinila yung kausap niya kasambahay papuntang kusina.

Sumunod naman ako at nang makapasok ay naroon na siya't nakaupo. Umupo na din ako at inutosan ang isang katulong na bigyan ako ng kape ng sasalinan na niya ang tasa ko ng kape mula sa coffee maker ng magsalita si Bree.

"She can do that Manang Tess." Aniya na ngumiti pa sa may katandaan ng katulong. Napatingin naman ang huli saakin.

"Really Bree?" Di makapaniwalang tingin ko sa kanya.

"Bakit hindi naman putol ang kamay mo ah. Now manang ibigay mo yan sa kanya para siya mismo ang magsalin sa tasa niya." Sabi niya pa. What is wrong with her? Nakakainis.

Pabuntong hininga kong kinuha iyon sa kasambahay at ako na ang nagsalin pati nadin nagbalik baka ano pang masabi nitong asawa ko.

"See, kaya mo naman pala. Next time wag mo ng iuutos sa iba ang kaya mo namang gawin." Ingos niya saakin. Unbelievable, napatingin din ako sa tatlong katulong na naroon halos hindi din sila makapaniwala.

Ako si Chale Hernandez hindi makapalag kay Breeanna Hernandez just wow.

ZyyyRilll

Heredera Series: Breeanna KimWhere stories live. Discover now