Chapter 1- Diary

588 37 5
                                    

Aizel's POV

I'm Aizel Monteverde 18 years old at kasalukuyang nag-aaral sa Highland University, at scholar sa kursong BSED major in Biology, Third Year. Si Eron James Mendez? Siya lang naman ang nag-iisa kong kaibigan, crush, prinsipe at minamahal simula nung bata pa kami.

I'm just his friend. At alam kong hanggang dun lang kami. Kahit na ipilit ko pa siguro ang sarili ko sa kanya di parin nya maramdamang mahal na mahal ko s'ya. Pathetic? Yun ang sabi sakin ng iba. Pero di parin ako sumuko. Ako si Aizel, kilala bilang matapang na babae, kaya hanggang ngayon gagawin ko ang lahat para sa kanya.  Kahi't na ang kaligayahan nya ay ang ————layuan ko sya.

Iyak lang ako nang iyak dito sa loob ng room ko. Pano kasi nakita ko si Eron na kasama yung CRUSH daw nya! At talagang diniinan nya pa yung word na Crush! Gusto ko mang sumama pero di pwedi ano ako? Chaperon? At isa pa, alam ko naman sa sarili ko kung hanggang saan lang ako pweding lumugar.

Diary,

Kahit na ganun si Eron, mahal na mahal na mahal ko parin yun at di yun magbabago. Sa ilang taon ko bang paghihintay sa kanya? Talo ko pang prinsipe at prinsesa sa mga fairytales -_- Yun nga lang mag kaiba kami E. Kung sila may happy ending. Ako naman wala. Pero okay lang! As long as nakikita ko syang masaya? Masaya na rin ako.


Aizel

I promised myself that I will keep this diary forever! At least man lang di ba? Di naman natin alam kung kelan tayo kukunin ng Panginoon so, mas mabuti nang maging handa. Gusto ko kasi, kung may nakakabasa man nito, yun na yung time na wala na ako. 

*

Papunta na ako sa school ngayon, and as usual naglalakad lang ako. Dati kasi nung magkasama pa kami lagi ni Eron, yung wala pa syang nagugustuhan ay sinusundo nya ako. Mayaman kasi sila at may sarili syang kotse. We're childhood friends nga pala kaya kilala namin ang isa't isa. Kaya lang ang manhid kasi nang puso nya! His mom knows that I like him. Syempre mas nakakaalam ata parents natin kaya lang sometimes it's better to keep our feelings kasi the more na pinapahalata natin the more na nasasaktan tayo. Katulad ko, buti pa nung bata pa kami, nagkakasama, naglalaro, sabay kumain, kahit anong gustuhin namin sabay naming ginagawa... But now? I believe everything turned upside-down.

Nakita ko si Eron kasama ang Crush nya na napag-alaman ko nalang na Official Girlfriend nya na pala. Ansakit lang! T_T Parang di na nya ako napapansin e. Susubukan ko sana syang tawagin pero, tinawag sya nang gf nya.

"Eron babe!" The girl said while hugging him. I calm down myself at sinubukan kong tawagin si Eron.

"Eron!" Sigaw ko. Narinig naman nya ako. Kaya lang—-

"Oh! Hi Zel!" Yun lang sabi nya while waving his hand. Alam nyu ba tong nararamdaman ko? Feeling ko kasi simula nong naging ganyan sya, simula rin ng pagkadurog ng puso ko. I want to keep it myself pero wala rin palang silbi——-dahil Nasasaktan ako.

Eron is taking Engineering course kaya di kami nagkikita. He is also a musician, specifically—-the drummer. Yung girlfriend nyang si Elise? Classmate ko naman kaya lang di ko gusto ang ugali nun! Matapobre pa.

*Where: Classroom*

"Hoy zel! Pwedi bang layuan mo si Eron!" Alice tell me while putting some lipstick and make up. Maarte yan! Sobra!

"Huh? Bakit naman!"

"Dahil gusto ko! At kung anong gusto dapat susundin mo!"

"I won't! He's my friend at hindi ko sya lalayuan!" Minsan nga lang -_- Naiinis ako, nagagalit pero di ko naman hinahayaan ang sarili kong malunod sa ganung emosyon.

"Aba't sumasagot kana ah!" Lumapit sya sakin at sinabunutan ako at pinagsasampal.

"A—araay... tama naah maawa ka... Tama na!" Alam kong nakikita kami ng mga classmates ko pero obviously, ayaw nilang sumali sa gulo. It's just that iba lang talaga si Elise! Kahit sino pinapatulan. Kabaliktaran ko naman sya, hindi kasi ako mahilig sa ganitong pag-aaway. Lumaki akong tahimik lang sa classroom, maliban lang kung kasama ko si Eron. Not until napasok ako sa Highland University, wala rin naman akong choice kundi mag take ng scholarship kasi dun sa ibang school di na pwedi limited lang kasi ang tinatanggap nilang scholars.

"Siguro naman magtanda ka na sa ginawa ko!" She exclaimed habang sinisipa nya pa ako at tinadyakan sa may tyan ko. Napahiga ako sa sobrang sakit. Kung buhay lang sana ang parents ko edi sana hindi ako makakaranas ng ganito. I'm so helpless! Kahit na di ko kayang tumayo e pinipilit ko parin. Aalis na muna ako.

I went through the exit gate, wala namang napadaan dun. I tried to use all my remaining strength para makauwi sa bahay—-Napapagod din ako. Doble pa ata ang sakit na nararamdaman ko ngayon eh. I'm physically and emotionaly depressed! T___T Wala akong magawa kundi umiyak lang at umiyak. Alam nyo yung feeling na walang gustong lumapit sayo? Walang gustong makipagkaibigan kasi daw, mahirap ka?

Pinilit kong makarating sa bahay naming kahit na wala ni isang tumulong sakin. Si Eron nga walang kaalam-alam. Minsan tuloy parang mas gusto ko pa yung kambal nya, babae nga lang... Si Jessica Mendez

Diary,

If I can only bring back the time, yung mga panahon na bata pa ako at walang pinoproblema. Di gaya ngayon wala na ang parents ko, wala na si Eron sa tabi ko, At wala nang nakakaintindi sakin. Ayoko na! (Humagulhol ako habang nagsusulat).

Zel

*

After writing on my diary, naisip kong magsulat ng letter para kay Eron, hmmm di naman siguro masama yun di ba? Kasi nga—

I'M JUST HIS FRIEND!

Pagkatapos kong magsulat ay inipit ko yun sa diary ko. Alam nyo? isa sa mga pangarap ko ay ang makasama ang mga mahal ko sa buhay. Kaya lang wala naman ang parents ko, at si Eron naman di ko na sya kayang abutin.

Just His FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon