Chapter 2- The Accident!

383 34 2
                                    

Aizel's POV

Haaay! I stretched my hands early in the morning. Kakagising ko lang rin at maya maya'y nag pe-prepare na ako ng pang almusal ko. Kahit na bugbog ako kahapon, tssssk...! Pinapatawad ko na sya kasi mahal sya ni Eron! Marter ba ako?

I'm off to school now at pagpasok ko palang ng room ay nakikita ko si Eron and Elise ———-Kissing! Gusto kong tumakbo at umalis pero di ako makagalaw kaya napansin nilang nasa pintuan ako. Napatigil naman si Eron. Bakit kasi ganito ang epekto sa pagkatao ko. Everytime na nakikita ko silang magkasama parang sinasaksak ang puso ko. Alam nyu ba yun? Yung gusto mo sya pero sya naman walang gusto sayo?

"Oi Zel Kanina ka pa?" Eron asked.

"A—ah hindi kararating ko lang." I reasoned out pero deep inside gustong-gusto nang pumatak ng mga luha ko.

"Ganun bah! Heheh. Nakakahiya tuloy naabutan mo pa kaming nagki—-"

"Di, okay lang! He.He." Dali-dali akong umalis palayo—- di ko na alam ang gagawin ko. Ang sakit, sana di nalang ako pumasok kung ganito rin lang ang maaabutan ko. Nakakainis. Nakakaasar...!

"Eron babe! San ka pupunta! Wag mo na nga syang habulin! Eron!" Narinig ko pang sabi ni Elise. Hinabol nya ako? Bakit?

Tumakbo lang ako ng tumakbo kahit na di ko na alam saan ako patungo. God! Please! Huwag mo na po akong pahirapan, pagod na ako! Bakit ba? T__T Iyak lang ako ng iyak while running! Ramdam ko na hinahabol ako ni Eron.

"ZEL? OI FRIEND? BESTFRIEND? ANO BA NANGYAYARI SAYO?" Sigaw nya sakin.

"W-WALA! DON'T MIND ME!" Sigaw ko rin kahit na kinakapos na ako ng hininga. Ang sakit-sakit ng puso ko. T_T Alam kong wala akong karapatan na maging ganito pero sana naman di nya pinapamukha sakin na pagnagkaka-gf sya di nya na talaga ako pinapansin

Tatakbo pa sana ako palayo ng may marinig akong busena di ko na pansin na nasa kalsada na pala ako at malapit na sakin yung malaking school bus ng mga pre-schoolers. Agad-agad akong napalingon ng makita ko si Eron sumunod sakin na para bang wala sa isip nya yung paparating na bus. Eron naman eh! Agad akong tumakbo pabalik sa kanya at tinulak sya ng malakas. And what happened? Di ko na alam.

Just His FriendWhere stories live. Discover now