Jema's---
"Sobrang laki ng bahay nyo. Mansyon pala." Deanna said
I held her hand.
"Ready ka na?" I softly asked
She nodded.
Pumasok na kami sa loob ng bahay. Ilang months na rin ng huling beses akong umuwi dito.
Nilingon ko naman ang kasama ko. Nililibot lang nya ang mata nya sa paligid.
"Love upo ka muna sa sofa. Tatawagin ko lang sila Mama." I said at bibitawan na sana ang kamay nya pero humigpit ang pag kakakapit nya dun kaya tinignan ko sya
"Wag mo akong iwan please." Hindi ko alam pero parang iba yung dating sakin ng sinabi nya. And fear is evident in her eyes.
"Love babalik din naman ako. Hahanapin ko lang sila mama para sabihin na andito na tayo. Relax." I said
"Sorry love. Sige na puntahan mo na sila." She said and slowly let go of my hand
Nginitian ko naman sya at hinalikan ng mabilis sa labi bago umalis para hanapin sila mama.
Alam ko namam kung san ko sila makikita.
"Hello everyone! Andito na ko!" I shouted
Nasa kusina si Mama at Ate Jovy.
Agad agad naman akong nilapitan ni Mama at niyakap.
Aw. My ever loving mother. I hugged her tightly.
"Namiss kita anak! Masaya ako na umuwi ka ngayon." Naiiyak na sabi nya
"Ma, hindi ka ganyan pag kami ni Mafe yung umuuwi dito sa bahay. Malapit na talaga kaming maniwala na paborito mo si Jema." Kunwaring pag tatampo ni ate jovy
Natatawa naman akong lumapit sa kanya para yakapin sya.
"Well sorry pangs, mas maganda daw kasi ako sa inyo ni Mafe. HAHA." Sabi ko at niyakap sya
"I missed you ate!" I added
"Miss ka na rin namin!" Hinampas nya ako sa braso pag katapos ko syang yakapin. "Sobrang busy mo naman kasi ni hindi mo na kami naaalalang dalawin. Aba Jema, sumusobra ka sa pag papamiss." Sermon nya sakin
Tawa lang ako ng tawa.
"Sorry na. Alam mo naman kung bakit e." I said at tumango lang si ate
Nag palinga linga naman ako sa loob ng kusina.
"Where's Mafe?" I asked
"Nasa kwarto nya. Kanina andito e antagal mo daw dumating. Inaabangan ka talaga nun dahil sinabi ni Mama na kasama mo si Deanna." Napatapik naman ako sa noo ko ng maalala ko na iniwan ko nga pala sya sa living room.
"Ma, ate tara na. Iniwan ko kasi si Deanna sa living room para puntahan kayo." Excited kong sabi sa kanila
Natawa lang sila pareho.
"In love na in love ka, anak." Mama said
Ngumiti ako at inakbayan sya.
"Sobra Ma." I honestly said
Pag karating namin sa living room, nagulat ako ng hindi ko madatnan dun si Deanna.
Tinawag ko yung pangalan nya ng ilang beses pero walang sumasagot.
"Hala ka. Baka nag bago na ang isip nya pangs. Baka iniwan ka na at umuwi na." Pananakot sakin ni Ate Jovy
Tinignan ko naman sya ng masama.
YOU ARE READING
Keeping US
FanfictionIs love not enough to make you stay? Or is it enough to keep US together?