Chapter 33

3.8K 117 5
                                    

Jema's---

For almost 3 weeks, lagi akong laman ng ospital.

Hindi pa rin nag kakamalay si Mama at si Deanna.

Hinahati ko yung oras ko sa training, endorsements at sa pag babantay sa kanila.

Pinipilit ko na mag pakatatag kahit parang gusto ng bumigay ng katawan at isip ko.

Nandito ako ngayon sa ospital para bantayan si Mama. Pinapayagan na kaming pumasok sa loob ng room basta naka lab gown.

"Ma, gumising ka na po. Miss na miss ka na namin e." I said while holding her hands.

"Gumising na kayo ni Deanna please. Ang sakit sakit na kasi, Ma. Bumalik na kayo samin..Please.." My voice cracked as I felt the familiar pain. Umiiyak na rin ako.

Wala atang araw na hindi ako umiiyak.

Halos hindi na rin ako nakakakain ng tama this past few days. Nagagalit na nga sakin sila Jia.

Everyday din akong dumadaan sa chapel to cry my heart out. And to pray for their safety. I know God can hear me. I just need to kept my faith.

Pag labas ko ng ICU nakita ko si ate nicole at Mama ni Deanna sa labas kausap sila ate jovy.

Kinabahan ako. May nangyari ba kay Deanna?

Lumapit ako sa kanila at bumeso.

"May problema po ba ate nicole?" Tanong ko sa boses na puno ng kaba

"Wala anak, wag kang mag alala, ayos lang si Deanna." Sabi ni tita ay masuyo akong nginitian. "Pumarito lang kami para sana bisitahin at kamustahin ang lagay ng mama mo." She added

Sasagot na sana ako ng marinig namin ang isang galit na tinig.

"Kamustahin? Hindi nyo ba nakikita ang lagay ng asawa ko? She's in danger, thanks to your daughter." My father said angrily

"Papa please stop. Tao silang pumunta dito kaya wag nyo naman po silang bastusin." Mahinahon kong sabi.

"Tama si Jema, Pa. Wala naman silang kasalanan." Ate jovy said

"Why? Hindi ba totoo? Your mother is in danger because of that woman!! At may lakas pa sila ng loob na pumunta dito." He said. Matalim nyang tinignan sila ate nicole.

I was about to say something when tita judin stop me. She held my hand.

Tumingin sya kay Papa.

"Mawalang galang na ho Mr. Galanza, alam ko na nasasaktan kayo sa nangyari, lahat naman tayo dito apektado. Pero hindi naman po ata tamang sisihin nyo ang anak ko. Aksidente ang nangyari. Lasing yung driver na nakabangga sa kanila. Sa tingin nyo ba ginusto yun ng anak ko? Bakit sya ang sinisisi nyo sa nangyari? Nasa bingit din ng kamatayan si Deanna. Biktima lang din ng sitwasyon ang anak ko. Wala syang kasalanan." After yun sabihin ni tita judin, napahagulgol na ito ng iyak.

I hugged her. I felt her pain.

Walang magulang na gugustuhin na makita ang anak nya na nahihirapan.

"Kahit ano pa ang sabihin nyo, wala akong pakialam. Gusto kong malaman nyo na kahit kailan, hindi ko matatanggap ang babae na yun para sa anak ko." Pag kasabi ni Papa nun ay tinalikuran na nya kami.

Nahihiya akong tumingin kanila Tita at ate nicole. Tinanggap nila ako ng buong buo pero ganito itrato ng tatay ko si Deanna.

"Kami na po ang humihingi ng pasensya para kay Papa. Gusto ko pong malaman nyo na bukod sa kanya, tanggap po namin si Deanna para kay Jema. Gustong gusto nga po sya ni Mama." Napatingin ako kay jovy ng sabihin nya yun. She smiled at me.

Keeping USМесто, где живут истории. Откройте их для себя