Chapter 31

4.4K 111 4
                                    

Deanna's---

"Love wag ka na kayang umalis?" Naka pout kong tanong kay Jema.

Kinurot naman nya ang pisngi ko.

"3 days lang naman, love. Before you know it, andito na ako ulit." She said.

Kasalukuyan kami na andito sa unit ni Jema. Tinutulungan ko syang mag impake.

Pupunta kasi sila ng buong creamline team sa taiwan for short vacation. Gusto sana nya akong isama pero humindi ako.

Minsan lang sila mag bakasyon ng teammates nya kaya gusto ko na mag enjoy sya.

I hugged her.

"Joke lang po. Mamimiss lang talaga kita. Ienjoy mo yung stay mo dun with your teammates. Wag mo ako masyado isipin dito."  I said and give her a quick kiss.

She cupped my face.

"I will. Pero imposible naman na hindi kita maisip, love." She said sweetly

"I mean, hindi mo naman ako need itext or tawagan from time to time. Just let me know na okay ka dun, ayos na sakin yun. I just want you to enjoy." I said

She nodded in response.

"Basta promise me, behave ka dito ha? Wait for me." She said while gently squeezing my cheeks.

"Opo. Behave naman ako palage ah." Sabi ko at nag patuloy na sa pag liligpit ng gamit nya sa kama

"Alam ko naman, love. Yung mga babaeng lumalapit sayo ang hindi." Sabi ni Jema na ikinatawa ko.

After namin mag ayos ng mga gamit na dadalhin nya ay nag padeliver na lang kami ng food namin for dinner.

Dito na rin ako matutulog sa unit nya dahil ihahatid ko sya sa airport. 5am ang flight nila.

Kasalukuyan kaming kumakain ng mapansin ni Jema na nakatitig ako sa kanya.

"Don't you know it's rude to stare at someone?" She asked

I just smiled at her.

"Can't help it, love. Tsaka 3 days kong di makikita yang maganda mong mukha. Sinusulit ko lang. HAHA." I said. Napailing naman si Jema habang nakangiti

"In love na in love ka na naman sakin. Kaya pa ba ng puso mo?" Nag bibirong sabi ni Jema

I looked at her intently. My beautiful girlfriend.

"I keep on falling in love with you, love. Few more weeks and anniversary na natin. But here I am, minamahal ka pa lalo." I honestly said and winked at her

Nag blushed ang baby ko. HAHA

"Love, sobra ka mag pakilig. Babalik naman ako sayo after 3 days." We both laughed after she said that

After several minutes, natapos kaming kumain. Pinauna ko na si Jema sa room habang ako naman ang nag liligpit ng mga pinag kainan namin.

Pag pasok ko sa kwarto, nakapag shower na si Jema.

"Shower ka na rin, love. Andyan na yung susuotin mo sa couch." I nodded

Jema looks sleepy na.

"Sleep ka na love." I said.

"Hintayin na kita, love." She said. Nakita ko syang nag hikab.

Tumango na lang ako at pumunta na sa cr to do my night rituals.

Pag labas ko, naabutan ko si Jema na nakahiga na sa kama. Nakatulog na ata.

Dahan dahan akong lumapit sa pwesto nya. Nakatulog na nga.

Keeping USWhere stories live. Discover now