Chapter 12

636 47 0
                                    

Jia's P.O.V.

Ilan sa amin ay muling nag-iyakan. Si sir Matt. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Paano na lang kami kung wala na s'ya? Sino ang magbabantay sa'min at mag-iisip ng paraan kung ano ang dapat naming gawin?

Hindi. Hindi ito pwede.

Nanlalamig na ang mga paa at kamay ko. Kinakabahan na ako dahil maggagabi na. Hindi ko maiwasan ang mag-alala kung ano na naman ang susunod na mangyayari. Palubog na ang araw at tuwing gabi umaatake ang bangungot namin dito sa gubat.

Nagsimula na kaming gumawa ng bonfire para kahit papaano ay maliwanag. Para makita namin kung sino ang paparating at mas mabantayan namin ang paligid.

Ilan sa mga natulog kanina ay pumalit na sa pagbantay sa labas ng tent. Pinagpahinga naman namin sina Jude, Carl at Maxine. Hindi naging maganda ang gabi nila nitong nakaraan, dahil sa gubat sila nagpalipas ng gabi.

Ang iba sa'min ay nag-uusap upang mapigilan nila ang lungkot. Kapag tahimik lang kasi ay sobrang weird sa pakiramdam. Samantalang ako naman ay namamasid sa paligid. Sina Ayie at Hya naman ay kasalukuyang nag-uusap din sa isang tabi.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko nang nakaramdam ako ng kaba. Kabadong-kabado na ako kaya nagpasiya akong pumasok sa tent at humiga. Gusto kong itulog ang kabang naramdaman ko. Sumunod naman si Ayie at Hya sa'kin.

"Ano ang nangyari sa'yo?" Tanong ni Ayie sa'kin.

Tumagilid ako at hinarap sina Hya at Ayie. "Guys dito lang kayo." Sabi ko kay Ayie at Hya. "Please?"

Nagtinginan sina Hya at Ayie. Muli nila akong tinignan at tumango.

"Sige. Dito lang kami." Sagot ni Ayie. "Matulog ka na kung gusto mong matulog. Babantayan ka namin." Nakangiti pa nitong sabi sa'kin.

Napangiti ako ng kaonti at pumikit. Maya maya lang ay nakatulog na ako.

***
Nagising ako sa sikat ng araw. Ako na lang ang mag-isa dito sa tent. Hindi na muna ako bumangon dahil parang sobrang bigat ng katawan ko. Inabot ako ng ilang minuto na nakahiga bago ako umupo pero hindi pa rin ako lumabas ng tent.

Ang tahimik naman ngayon.

Nararamdaman kong walang masamang balita ngayon dahil ang tahimik at wala akong naririnig na iyakan. At na-excite ako dahil sa wakas ay makakauwi na kami. Thursday na ngayon at ngayon ang dating ng bus. Ang kailangan lang namin ay ang maghintay. Naalala ko si sir Matt. Nalungkot naman ako bigla. Paano na si sir Matt?

Lumabas na ako ng tent at laking gulat ko nang wala akong naabutan na tao.

Nasaan sila?

Pumunta ako sa likod ng tent. Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ako ng bibig. Lahat ng classmate ko ay nakahilera na wala ng buhay. Pati na sina Hya at Ayie. Biglang tumulo ang luha ko. A-ano ang nangyayari? B-bakit sila namatay? Sino ang may gawa nito?

"Hi."

Lilingon na sana ako sa likod ko nang bigla na lang akong nakaramdam ng hampas sa ulo ko at nawalan na ako ng malay.

**

"HINDI!"

Napaupo ako. Napahawak ako sa dibdib ko at hinahabol ang hininga ko. Marahan akong pumikit. Panaghinip na naman.

Biglang may pumasok sa tent at si Ayie 'yon. "Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Ayie sa'kin.

Tumango ako. "Nanaghinip lang." Sagot ko kay Ayie.

Dark Camping (Completed)✔️Where stories live. Discover now