Hya's P.O.V.
"Jude?" Mahinang tawag ko kay Jude.
Hindi ko na s'ya makita. As in nawala talaga s'ya. Akala ko nagbibiro lang s'ya na iiwan n'ya ako pero tinotoo n'ya.
Ano na ang gagawin ko ngayon?
Palinga-linga ako sa paligid, nagbabakasakaling may makita ako na classmate ko. Dahan dahan lang ako sa paglalakad. Pinigilan ko ang sarili ko na mataranta para mabawasan ang kabang nararamdaman ko.
Umupo ako at sumandal sa isang puno. Bumuntong-hininga ako. Lalaban pa ba ako? I mean, may laban ba ako?
Minsan alam kong mahina akong tao, napakahirap para sa'kin ang magtayo ng sefl-steem. Minsan hanggang salita lang ako pero hindi ko kayang panindigan. Kaya mas gusto kong kasama si Jia. Dahil marunong s'yang lumaban. Alam kong matapang s'ya pero hindi n'ya ito nakikita sa sarili n'ya. Akala n'ya lang natatakot s'ya pero nararamdaman ko na lumalaban s'ya. S'ya ang nagpapalakas ng loob ko sa tuwing down na down na ako. S'ya ang nagbibigay sa'kin ng advice sa tuwing malungkot at umiiyak ako. Ngayong wala na sa s'ya tabi ko. Paano na ako?
Ayaw ko na. Ayaw ko ng tumayo. Hihintayin ko na lang ang kamatayan ko. Tatanggapin ko na lang ang lahat na wala ng pag-asa. Na mawawala na rin ako sa mundong 'to.
"Lumaban man tayo o hindi, buhay pa rin ang nakataya sa atin dito Hya."
Naalala ko ang sinabi sa'kin ni Jia.
Bakit pa ako lalaban kung ganoon din naman? Kung mawawala pa rin ako sa mundo.
"Better to fight than never. Sabi nga ni Carl hindi ba? Kung mamamatay man tayo atleast lumaban tayo."
Lumaban. 'Yan ang tinutukoy nila. Laban Hya. Bakit hindi mo kayang lumaban? Papayag ka na lang ba na lamunin ka ng takot mo? Papayag ka na lang ba na mamamatay ka ng walang laban? 'Yon ang point doon Hya.
"Ate? Paano mo naabot ang mga pangarap mo?" Tanong ko sa ate ko na si ate Kaye.
Nginitian n'ya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Ang cute mo." Sabi ni ate sa'kin. "Pero ang sekreto doon, ay ang lumaban. Kahit gaano kahirap, kahit madapa ka ng ilang beses, bumangon ka at lumaban pa rin." Nakangiting sabi sa'kin ni ate.
"Paanong laban po?" Nagtatakang tanong ko. "'Yon po bang may hawak kang weapon?"
Tumawa si ate. "Balang araw ay maiintindihan mo rin. Kaya ikaw, ipangako mo sa'kin na lalaban ka kahit ano man ang mangyari."
Tumango ako. "Opo!" Masiglang sagot ko.
"We live to fight and overcome our fright." Nakangiting paalala sa'kin ni ate.
Napatingala ako sa langit kung saan naroroon ang ate ko. Matagal na s'yang nawala dahil naaksidente s'ya. 'Yon din ang huling usapan namin ng ate ko. Parang nagbilin s'ya ng paalala sa'kin bago s'ya umalis ng bahay o bago man s'ya nawala sa mundong ito. Biglang tumulo ang luha ko, pinigilan ko pero panay pa rin ang tulo nito.

YOU ARE READING
Dark Camping (Completed)✔️
Mystery / ThrillerThis story is work of fiction. (Credits to the owner of Photo) October 9, 2019 - Novermber 7, 2019