Jia's P.O.V.
Napahawak ako sa dibdib ko. At naramdaman kong nalulumo na ako. Hanggang ngayon ay kumakabog pa rin ang puso ko sa sobrang gulat. Pinakalma ko ang sarili ko upang maibsan ang pag-palpitate ang puso ko.
Halatang gulat na gulat din si Maxine nang nakita n'ya si sir Matt na nakataki sa puno.
"Oh my gosh." Halos hindi na ito mabigkas ni Maxine ng maayos.
Pansin kong nangangatog ang tuhod ni Maxine at nanginginig s'ya. Kaya agad ko s'yang inalalayan dahil parang anytime ay mapapaluhod s'ya.
"Lumayo muna tayo dito please." Sabi ni Maxine at agad naman kaming naglakad palayo.
"May sugat ka." Sabi ko kay Maxine dahil may gasgas ang braso n'ya.
Tumango si Maxine. "Oo kanina kasi nawalan na ako ng malay nadapa pa." Inis na sabi ni Maxine. "Hindi pa talaga ako natuluyan." Dugtong nito.
Agad naman akong umiling. "H'wag ganoon Maxine." Sabi ko kay Maxine.
"Para matapos na." Sabi ni Maxine at halatang seryoso s'ya. "Para hindi na ako namomoblema."
Ganyan din ang naisip ko kanina. Pero sa t'wing naiisip ko din na mamamatay na ako. Nakakaramdam ako ng takot. Parang gusto ko ng mamatay na ayaw.
"Habang humihinga pa. May pag-asa pa." Nakangiting sabi ko kay Maxine.
Ngumiti ng kaonti si Maxine. "Hays." Sabi nito at halatang pagod na pagod na s'ya.
Nang nakalayo na kami kung nasaan si sir Matt ay umupo na muna kami sa tabi.
"Walang kwenta ang plano natin." Sabi ni Maxine. "Nagkahiwa-hiwalay na tayo." Sabi ni Maxine habang nakatingin sa malayo.
Bumuntong-hininga ako. "Nataranta na kasi tayo at nalito tayo kung saan tayo pupunta." Sabi ko. "Hindi na kasi natin alam ang gagawin." Dugtong ko.
"Sabagay." Sagot ni Maxine.
Namagitan na ang tahimik sa aming dalawa at halos inabot ito ng mga kalahating oras. Kanina ko pa napapansin na malungkot si Maxine. Alam kong nakakalungkot talaga ang nangyayari sa amin ngayon pero iba ang kalungkutan n'ya ngayon. Para mas malala pa. Nakakausap naman s'ya ng maayos pero kapag tahimik s'ya ay parang lutang s'ya.
"Bakit parang nalulutang ka?" Hindi ko na napigilan ang tanungin si Maxine.
"Si Carl." Mahinang sagot ni Maxine na hindi nakatingin sa'kin.
Ikinuwento ni Maxine sa'kin ang nangyari kay Carl. Nalungkot naman ako sa kwento n'ya.
"Si Sophie din." Sabi ko kay Maxine.
Ikinuwento ko naman kay Maxine ang ginawa ni Sophie kanina. Na hinayaan n'ya akong tumakbo at nagpaiwan s'ya. Nagulat si Maxine sa kwento ko. Hindi n'ya inaasahang gagawin 'yon ni Sophie. May attitude kasi minsan si Sophie sa school.
"Ano na kaya ang nangyari sa iba?" Tanong ni Maxine.
Nagkibit-balikat ako dahil hindi ko alam ang sagot.
Ngumiti si Maxine ng pilit. "Parang kailan lang ang saya natin." Sabi nito. "Tapos dito lang pala matatapos ang lahat."
Ngumiti ako ng mapait. Oo nga.
"Kung alam lang sana natin na mangyayari 'to. Edi sana hindi na tayo tumuloy." Sabi ni Maxine.
Kung pwede nga lang makita ang hinaharap. Kung pwede nga lang malaman ang susunod na mangyayari.
"Ang kaso wala namang nakakaalam sa'tin. Hindi naman natin akalain na mangyayari 'to." Sabi ko naman.
"Tama ka." Mahinang sabi ni Maxine. Muli s'yang natahimik pero maya maya ay nagsalita ulit s'ya. "Kanina naglalakad ako hindi ko alam kung saan ako pupunta." Natawa s'ya. "Para akong tanga na naglalakad para lang sa wala."
Lahat naman siguro kami ay ganoon din.
Napahilamos sa mukha si Maxine. "Para talaga tayong mga tanga, ano?" Lalo pang lumakas ang tawa n'ya. "Minsan maiisip mo na sumuko ka na lang para matapos na. Pero takot ka talagang mamatay. Kanina ka pa naglalakad at tumatakbo. Pero saan? Saan ka pupunta? Panay ang takas mo pero hindi mo alam kung saan ka patungo."
Hindi na ako umimik. Parang napagod na ako sa kakaisip. Ayaw ko na muna mag-isip at magsalita.
Nagulat ako nang biglang humagulgol ng iyak si Maxine. Natakot naman ako sa kanya. Kasi kanina pinagtatawanan n'ya ang sarili n'ya tapos ngayon bigla s'yang umiyak.
"A-ayos ka lang ba?" Alalang tanong ko kay Maxine.
Hindi ako sinagot ni Maxine at nagpatuloy lang s'ya sa pag-iyak. This time tinakpan na n'ya ang mukha n'ya gamit ang dalawa n'yang kamay. Nilapitan ko si Maxine at tinanggal ang mga kamay n'ya na nakatakip sa mukha n'ya.
"Okay lang 'yan Maxine." Sabi ko sa kanya.
"Nakakasira na ng bait." Sabi ni Maxine habang tumutulo pa ang mga luha sa pisngi n'ya. "Nakakabaliw na isipin."
Tumulo na rin ang luha ko dahil sobrang lungkot tignan ngayon ni Maxine. She's strong yet she's crying right now.
"Tama na." Sabi ko kay Maxine.
Umiling si Maxine. "Hindi." Sabi nito at hindi pa rin si tumigil sa pag-iyak. "Hindi."
Hindi ko na s'ya naiintindihan ngayon. Kanina parang matino pa s'ya kausap tapos ngayon ay bigla s'yang umiiyak na parang bata at ayaw magpaawat. Napalunok ako. Ako ang natatakot sa kanya.
"M-maxine tahan na." Hinimas-himas ko ang likod n'ya para i-comfort s'ya. "Tahan na."
Patuloy sa pag-iyak si Maxine at umiiling.
"Ayaw ko na." Paulit-ulit na sabi nito.
Hinayaan ko na lang muna s'ya dahil parang ayaw nyang tumigil. "Hindi" at "ayaw ko na". 'Yan ang salitang paulit-ulit na sinasabi ni Maxine habang umiiyak. Maya maya ay natahimik na s'ya at nakatulog na. Isinandal ko s'ya sa puno para hindi mangalay ang likod n'ya. Hindi naman s'ya nagising sa paggalaw ko sa kanya.
Napasandal naman ako sa puno na nasa likod ko din at huminga ng malalim. Maya maya ay hindi ko na napigilan ang antok ko.
**
Nagising ako dahil sa liwanag. Nagulat naman ako nang bumungad sa'kin ang seryosong mukha ni Maxine habang nakatitig sa'kin.
"N-nakakagulat ka naman." Sabi ko kay Maxine.
Hindi s'ya umimik nanatili s'yang nakatingin sa'kin ng seryoso.
"Maxine?" Tawag ko sa taong nasa harap ko.
Nagulat ako nang pinanliitan n'ya ako ng mata.
"Kanina ko pa 'to naisip. Bakit hindi ko 'to naisip nitong nakaraan?" Sabi ni Maxine at tinaasan ako ng kilay. "May kanalaman ka siguro dito, ano?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Maxine. Seryoso s'ya habang sinabi n'ya 'yon.
"H-ha? A-anong pinagsasabi mo?" Nauutal na sabi ko.
Bigla s'yang nag-smirk kaya napalunok ako.
"May alam ka rin." Sabi n'ya.
Paanong...
A/N: Pa-vote mga bebe bago ko kayo ipain sa killer. Choss. Eksdi

YOU ARE READING
Dark Camping (Completed)✔️
Mystery / ThrillerThis story is work of fiction. (Credits to the owner of Photo) October 9, 2019 - Novermber 7, 2019