Chapter 4

528 11 0
                                    

ILANG beses na binabasa ni Kaede ang pangalan ng building na nasa harapan niya. He's been standing in front of the luxurious tall building for quite some time now at maraming tao na rin ang nakatingin sa kanya.

DE VILLE TOWER

Nakatawag kasi ito ng tawag mula kay Mr. De Ville. Mayroon silang mahalagang pag-uusapan at alam naman ni Kaede kung ano iyon.

Naalala tuloy niya ang sinabi ni Dachi sa kanya noong isang araw.

"When you make a deal with them, make sure you fulfill your end of the bargain or else you won't like the consequence. Remember this Kaede, you made a deal with a De Ville."

May nakita siyang motor na paparating. Nanlaki ang mga mata ni Kade ng mapansin kung anong motor iyon.

'That's Harley Davidson Cosmic Starship!'

Huminto ito sa tapat niya at tinanggal ng driver ang helmet nito. Bumungad sa kanya ang isang bababeng may kulay orange na mahabang buhok gaya ng kulay ng motor nito. Bumaba ito sa motor at inihagis ang susi sa kanya.

"Take care of my heart."

Nasalo ni Kaede ang susi pero hindi niya maintindihan kung bakit ibinigay sa kanya. 

"Napagkamalan ba niya akong valet?"

Dire-diretso lang na pumasok ang babae sa loob ng building. Pero hindi pa rin maalis ang mga mata ni Kaede sa motor na nasa harapan niya.

"Kaede, Chairman is waiting."

Nagulat na lang si Kaede ng makita sa likuran niya si Dave. Napahinga siya ng malalim saka tumango dito. Ibinulsa na lang muna niya ang susi.

Nag-lakad na sila papasok sa loob ng building at agad siyang binati ng dalawang security na nakabantay sa mag-kabilang pinto. He feels like entering a forbidden kingdom.

Nakuha niya ang atensyon ng lahat ng nandoon sa lobby. He loves the attention but not today. He's not here as Kaede Perez the actor but he's here as Kaede Perez na nangangailangn ng tulong para maisalba ang bumabagsak na kompanya ng pamilya nila.

"I understand."

Napatingin ito kay Dave na may kausap sa earpiece na suot. Bahagya itong tumingin kay Kaede na may nakakatuwang ekspresyon.

"Everyone, code red!."

Para naman nataranta ang lahat ng empleyadong nandoon at biglang nag-alisan. Hanggang sa isang receptionist na lang at silang dalawa ni Dave ang natira. Napansin niyang nakatitig sa kanya ang babaeng receptionist.

"Don't look at him. If you don't want to lose your job."

Bigla naman nag-baba ito ng tingin at binaling na lang sa monitor na nasa harapan niya, Nag-lakad sila ulit papunta sa elevator.

"What is Code Red?"

Tanong ni Kaede kay Dave. Sumakay sila sa elevator at pinundot ni Dave ang button na may letrang 'DV'.

"Code Red means mainit ang ulo ni Chairman."

Maya-maya pa ay bumukas na ang elevator at lumabas sila. Bumungad sa kanila ang napakagandang lobby. Pero ang talagang nakapukaw ng atensyon niya ay ang malaking TV na halos sakop ang buong dingding.

He remembered seeing Eve in the hospital lobby. Tahimik lang itong nanunuod at walang pakielam sa paligid niya. Hindi na nga niya ito nagawang lapitan noon dahil biglang lumabas ang mommy niya dahil nagising na ang daddy niya.

"Does Eve likes watching TV?"

Parang natigilan si Dave sa sinabi niya tapos nakita niyang natatawa na naman ito.

"She loves watching TV. Lalo na kapag ikaw ang napapanuod niya."

Kumunot ang noo ni Kaede sa sinagot sa kanya ni Dave. Hindi niya kasi naintindihan ang huling sinabi nito.

"Ano yung huling sinabi mo?"

Hindi na napigilan ni Dave ang tumawa. Iiling-iling na lang ang lalaki at saka dire-diretsong naglakad papalapit sa isang pintuan doon. Kumatok ito at saka binuksan ang pinto.

"He's here."

Nilingon siya ni Dave at saka minuwestrang pumasok na. Huminga siya ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob.

"Kaede! Finally nandito ka na!"

Bumungad ka Kaede ang nakangiting big boss niya. Pero nabaling ang atensyon niya sa iba pang tao na nandoon at lalo na sa nakatalikod na swivel chair. Hindi niya maiwasan basahin ang name plate na nasa lamesa.

EVELYN DOMINIQUE DE VILLE
Chairman

"Code Red means mainit ang ulo ni Chairman."

"By the way, i want you to meet Atty. Gianna Lee. She's the Chief Legal Officer of De Ville Group."

Lumapit kay Kaede ang babaeng may orange na buhok. Inilahad nito ang kamay kay Kaede.

"You can just call me Gia. And i'm not just any normal legal officer."

Bago pa man maabot ni Kaede ang kamay ni Gia ay biglang humarap si Eve at nagsalita. Napangiti ang ama ni Eve.

"Let's not waste time. I have a lot of things to do."

Binigyan ng matalim na tingin ni Eve si Gia ng tumingin ito sa kanya.

"Yes Chairman. I was just introducing myself to your future husband who holds the key to my heart."

Lalong sumama ang tingin ni Eve kay Gia. Nagkatinginan naman si Dave at Eduardo De Ville. Nag-taas baba ang kilay ng ama ni Eve at tuwang-tuwa naman ang assistant nito.

Naintindihan naman ni Kaede ang ibig sabihin ni Gia. Agad niyang kinuha ang susi sa bulsa at inabot dito.

"Oh the key. Here it is."

Inilahad ni Gia ang palad at inilagay doon ni Kaede ang susi. Nakatingin lang si Eve sa dalawa na may hindi malamang expression. Kaagad naman lumayo si Gia kay Kaede.

"Take a seat, Kaede."

Sabi ni Mr. De VIlle. Umupo sila sa sofa na nasa harapan ng lamesa ni Eve.

"Why did you call me here Mr. De Ville?"

Ngumiti ang matanda na para bang may magandang mangyayari ngayon. Sa itsura nito para itong batang nakuha ang gusto.

"Starting today, you will call me Dad! Because it's wedding day!"

Nanlaki naman ang mga mata ni Kaede sa narinig. Si Eve naman ay nabitawan ang tablet na hawak.

"Saka na ang wedding ceremony. For now, we need to make you sign this marriage contract."

Tumigin ang matanda kay Gia at may inabot naman itong  isang papel at isang maliit na kahon na may laman na dalawang singsing.

"Dad... Not now."

Napatingin silang lahat kay Eve. 

"Anak, i need to do this now. Para naman masimulan na natin ang pagbangon ng kompanya nila Kaede before it's too late. And besides pumayag ka naman na so all you need to do is sign."

Hindi kumibo si Eve. Nagsusukatan ng tingin ang mag-ama. Napairap si Gia habang pinapanuod ang mag-ama.

"The media doesn't know anything about Perez Airways' current situation. You know that Selena Miller is already starting her investigations about you and Kaede. Things will get complicated, you know showbiz drama and you hate that. That's why we need to do this as soon as possible and you know we can't do a deal without collateral." 

Napangiti si Mr. De Ville sa sinabi ni Gia. He knew he won on this against his daughter. Umiwas ng tingin si Eve sa ama at tumingin kay Kaede.

"Fine. But let me talk to him alone. I want to make things clear before everything else. Ayoko naman na ako ang malugi sa deal na ito."

The way Eve looked at Kaede gives him chill na para bang ipinagbili niya ang kaluluwa niya. Before this day ends he'll be married to Chairman De Ville.

Married to Chairman De VilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon