Chapter 9

420 21 8
                                    

Hindi ko alam kung bakit sobra siyang ninenerbyos sa mga oras na iyon. When we entered the dining room, sobrang seryoso ng lahat. Maski ang ama ni Eve na kilala ko bilang masayahing tao at mapag-biro ay sobrang seryoso sa mga oras na iyon.

Dire-diretso lang si Eve  sa mahabang lamesa at umupo sa dulo katapat ng isang babae. Samantalang ako ay umupo kanan niya. Doon ko napagmasdan kung sinu-sino ang nasa loob ng dining room. Nandoon si Gia, si Mr. De Ville, Ace at ilang mga kasambahay at si Dave.

Sa kabilang dulo ng lamesa na katapat ni Eve ay ang isang babae, ang ina nito. Hindi mapagkakaila ang pagiging magkamukha ng dalawa.

"Won't you introduce me to him, dear daughter?"

Pinagmasdan ko si Eve. Nakatingin ito sa ina ng walang emosyon pero saglit itong sumulyap sa akin at ibinalik muli ang tingin sa ina.

"Marie Dominique Morgan, my beloved mother."

There's a hint of sarcasm sa boses ni Eve. I don't even know how to react sa pagpapakilala niya sa ina. But then her mother is a Morgan, naalala niya ang sinabi ni Jasmine. Eve si related to Simon Morgan. Hindi niya alam ang mga pamilyang kabilang sa matataas na lipunan o tinatawag nilang 'elites'.

"Does he know kung anong gulo ang ginawa niya the moment he agreed to be married to you, Evelyn?"

Gulo? Ako? Wala naman akong ibang ginawa kundi pumayag sa gusto ni Mr. De Ville. All I want is masalba ang Perez Airways. I want to voice it out but my instinct tell me not to say anything.

"It's not Kaede's fault. I made the deal with him."

Sumagot ang ama ni Eve. Lumipat ang tingin ng ina ni Eve rito. 

"Para mapapayag si Evelyn para tanggapin ang posisyon sa kompanya mo. Do you even understand, Eduardo na hindi bagay si Evelyn dito?!"

Tumaas ang boses ng ina ni Eve. Ramdam niya na nag-iba ang aura ng paligid.

"Gusto mo siyang ibalik sa Isla Morte, Marie? Do you really want that kind of life to your daughter?"

Isla Morte? Maraming tanong sa akin isipan. Napansin kong sa akin nakatingin si Eve. Minuwestra ni Eve na kumain ako habang ang mga magulang niya ay nagtatalo. Makukuha ko pa bang kumain kung ganito ang nasa harapan ko? Uminom na lang ako ng tubig.

"She's supposed to get married to Vincent but you tricked her into marrying that man!"

Nakita kong biglang natigilan si Eve at bahagyang napatingin sa akin. What does her mother mean? Ikakasal dapat si Eve to a guy named Vincent. How can I not know these things? Wala naman talaga akong alam tungkol kay Eve.

Nagsusukatan ng tingin ang mga magulang ni Eve. Pero ang unang bumawi ang Ina nito. Kung kanina ay galit na galit ito ngayon ay bigla itong kumalma.

"Well, it doesn't mean na wala akong magagawa to fix this mess."

Tumingin ito sa akina at ngumiti.

"You've made a deal with a De Ville. Hindi mo pwedeng basta-basta talikuran ang napag-kasunduan until the deal is fulfilled. But I'll give you an exemption, remove that ring and i'll still make sure na kung ano man ang napagkasunduan ay mangyayari. And you can just leave like nothing happened."

Her mother's offer is tempting. Gusto kong pumayag dahil hindi si Eve ang gusto kong makasama. I want to be with Jasmine. But- Tumingin ako kay Eve, tahimik lang itong pinaglalaruan ang pagkain nasa harapan niya as if she doesn't care at all.

Napatingin ako kay Gia. Umiiling ito.

"Madam, gusto ko po sanang pumayag pero I've made a deal with Eve and i cannot go back now."

Napangisi ang ina ni Eve sa naging sagot ko.

"And I guess i have no choice then.."

Biglang may pumasok sa loob ng dining room. Wala itong pakielam at bumeso sa ina ni Eve at sa ama nito. Tapos niyakap nito si Ace at Gia. Napatingin siya sa akin at ngumiti bago yakapin si Eve.

"Lo siento, llego tarde." (I'm sorry, I'm late.)

Umupo ito sa tapat ko at saka uminom ito ng tubig at kumain. Napatingin ako kay Eve and she looks kinda relieved.

"Calibre."

Nawala ang tensyon sa paligid ng dumating ang babaeng ito. She looks so normal but there's something in her that's different.

"Tia Marie, Lo siento. Estaba en un recado por Mamita." (Tita Marie, I'm sorry. I was on an errand for Mamita.)

Nakatingiti ang ina ni Eve sa babaeng nasa harapan ko. Her smile is so genuine to this woman.

"That's okay, hija. How is Madam Esmeralda?"

Patuloy lang ito sa pagkain. Hindi nito agad sinagot ang ina ni Eve, uminom muna ito bago magsalita.

"She's alive in Madrid but she'll be here next month to attend Eve's wedding. She's really excited when I told her about it."

Nakita ko ang saglit na pagbabago sa mukha ng ginang ng mabanggit ang tungkol sa kasal. 

"By the way, ako na pong bahala sa mga kailangan sa kasal. I already asked Eve what she wants but i haven't talked to the groom yet. So i guess I'll have to set an appointment? Or--"

And then her eyes met mine. Nabitawan nito ang hawak na tinidor at kutsilyo.

"Kaede Perez?!"





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Married to Chairman De VilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon