Chapter 8

586 25 9
                                    

Tahimik lang na pinagmamasdan ang tanawin ni Kaede habang nasa sasakyan. Sinundo siya kanina ni Dave pagkatapos ng shooting niya para sa isang commercial. Hindi nito sinabi kung saan sila pupunta basta ang sinabi lang ng lalaki ay pinapasundo siya ni Mr. De Ville. Hindi na rin naman siya nagtanong pa dahil kung ano ang sabihin ni Mr. De Ville ay gagawin niya kaya sumakay na lang siya sa kotse.

Hindi pa niya muling nakikita si Eve simula nung araw na umalis si Jasmine. Nung pumunta na kasi siya sa meeting room ay wala ito doon tanging ilang mga boss ang naabutan niya. Ang sabi ni Gia sa kanya ay may inasikaso lang daw si Eve, pero simula nun ay hindi pa niya ito nakikita o nakakausap.

Hindi pa alam ng publiko na ikinasal na silang dalawa. He can't help but touch his ring. Whenever he touched it and looked at it, he will always remember the face of his wife. Ang singsing na iyon ay isang paalala sa kanya sa isang deal na hindi niya pwedeng takasan.

Tumunog ang phone niya at may notification. May nag-send ng email sa kanya. He opened it and saw it is an article about him and Eve's engagement. Hindi niya pinansin kung ano ang nakasulat dahil ang umagaw ng atensyon niya ay ang litratong ginamit. 

He can clearly remember that night when he saw Eve for the first time..

"We're here."

Sa lalim ng pag-iisip niya hindi na napansin na huminto na pala ang sasakyan. Bumaba na ito sa sasakyan at pinagbuksan siya nito ng pinto.

"Welcome to Chateau De Ville."

Sabi ni Dave pagkababa niya. Hindi niya mapigilang mamangha sa paligid. The design of the mansion is so unique. It's actually not a mansion but a palace - a medieval palace. 

"My handsome son-in-law! You're here!"

He can't help but stare at his father-in-law. He is wearing a tuxedo. Hindi dahil sa hindi ito bagay pero ngayon lang niya nakitang pormal na pormal ang matanda.

"Mr. De--I mean Dad, ang gwapo niyo po. But what's with the tuxedo sa katanghaliang tapat?"

Malakas ang naging tawa ng ama ni Eve. Pero parang may kakaiba dito.

"Ngayon kasi--"

Hindi naituloy ni Dad ang sasabihin niya ng may ibinulong si Dave sa kanya. Biglang nag-iba ang mukha nito, bigla itong sumeryoso. Ngumiti ito sa akin.

"Alright. Maiwan muna kita, Kaede. And favor lang, pakihanap naman ang asawa mo. Ayaw na naman akong kausapin."

Tanging tango lang ang naisagot niya. Hindi niya mapigilang mapa-isip parang may something ngayon at wala siyang alam.

Pero ang malakaing palaisipan sa kanya ay kung saan hahanapin si Eve. He doesn't even know where to start. Iniwan na siyang mag-isa ni Dave at ng tatay ni Eve. Kaya laking tuwa niya ng matanaw ang kulay orange na buhok ni Gia.

"Gia!"

Nagulat naman ito ng makita siya. Agad itong lumapit sa kanya pero napansin niya din na pormal ang suot ng babae.

"What are you doing here, Kaede?"

He can't help but notice that something is up. The way ng pagtatanong sa kanya ni Gia ay parang kinakabahan. 

"I don't even know why I'm here. Basta pinasundo lang ako at then poof andito na ako."

Napatapik sa noo si Gia at hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. 

"Makinig kang maigi. Eve's mom is here."

Tumango lang siya. 

"Is that why Mr. De Ville is like that now? Masyadon seryoso? and the reason why you're wearing that?"

Lumayo sa kanya si Gia at bumuntong hininga. 

"You don't know her mom, Kaede. It's very complicated and wala ako sa lugar para magsabi niyan sayo. Anyway, just look for Eve. You'll be safe with her, hindi ka nun pababayaan."

Pagkasabi niya nun ay umalis na si Gia. With that encounter with Gia hindi niya mapigilang hindi kabahan bigla. What's with Eve's mom?

Anyway, naglakad-lakad na lang siya baka sakaling may makasalubong siya na pwede niyang pagtanungan. Parang kanina pa siya naglalakad, ni isa wala siyang nakakasalubong. 

Nagulat siya ng biglang sumulpot si Eve. She's wearing her usual black tracksuit.

"Finally! Pinapahanap ka ng daddy mo."

Tinignan lang siya nito at saka naglakad.

"You shouldn't be here."

Walang magawa si Kaede kundi sumunod dito. Walang isa sa kanila ang nagsalita basta siya sinusundan lang niya si Eve. But he can't help but notice something.

"Eve, bakit ang daming bantay and they;re all carrying big guns."

Napahinto si Eve sa paglalakad dahil sa tanong ni Kaede.

"It's because she's here."

Biglang napatingin sa kanya si Eve at saka malakas na itinulak. Natumba siya pero kitang-kita niya na may bagay na dumaan sa mukha niya at nasalo ni Eve. HIndi niya nakita iyon dahil agad itong ibinato pabalik ni Eve sa kung sinuman.

"Stop playing games with me, Ace."

And then, all of a sudden. Lumabas ang tinawag na Ace ni Eve. 

"Come on, Eve. Pinapasundo ka na ni Madam. Don't think about of running away from her. You know what will happen."

Tumayo si Kaede at pinagmasdan ang dalawang babaeng nagsusukatan ng tingin. Pero bumaling ang tingin ni Ace kay Kaede.

"And this must be your husband. Alam ba niya ang gulong ginawa niya?"

Hindi kumibo si Eve.

"Tumahimik ka na. Let's just go and meet that woman."

Ngumiti si Ace and umalis. 

"I need your acting skills now. Don't show any emotions in front of that woman."

Then sumunod na sila kay Ace. He finally entered the Chateau De Ville. Wala siyang oras para pagmasdan ang loob dahil hindi niya mapigilan ang kabang nararamdaman. 

Huminto sila sa tapat ng dalawang higanteng pinto. Bumukas ito at naunang pumasok. Narinig naman niya ang bulong ni Ace.

"Try to survive, Kaede."





Married to Chairman De VilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon