CHAPTER 3

113 7 0
                                    


...

"What took you so long? Ikaw nalang ang hinihintay namin." Nakasimangot pa si Anastasia nang pagbuksan niya ako ng gate. 

Since summer break na ay todo na ang aming hang-outs kasama ang barkada. At ngayon ay dito namin naisipan na mag hang-out kina Anastasia. Wala daw kasi ang parents niya at nasa business trip at iyong Kuya niya naman ay nasa University pa. Mamaya padaw ang uwi. Sayang!

"Sorry!" Nag peace sign pa ako. "Pa importante lang." Pagbibiro ko na kina-irap niya. 

"Whatever! Halika na nga! Mag bi-billiards tayo." Aniya at hinila ako papunta sa entertainment roon nila. 

Sobrang lawak doon nang pagkapasok namin. May dalawang billiard table kung saan naglalaro sina Marie at Adrian, sa kabilang bahagi naman ay may bowling alley at naglalaro roon si Althea. Marami pang palamuti roon, gaya ng isang malaking touch screen t.v nila na nakasabit sa gitna ng kwarto at mga led lights. May mini bar rin roon pero bawal pa kami doon. Dumako naman ang mga mata ko sa isa sa mga sulok ng kwarto at doon ay may isang malaking piano na pinapatugtog ngayon si Sebastian. 

Napatagal ang tingin ko sa kanya, ang galing niya kasi talagang tumugtog. Napansin niya atang may nakamasid sa kanya kaya luminga rin ang tingin niya at doon ay nagtama ang aming mga mata. Nang makita ako ay kaagad sumilay sa kanyang labi ang isang malaking ngiti at kinawayan ako. 

"Buti naman at dumating ka na mahal na princesa." Tumawa pa siya. 

Sinimangutan ko lang siya. "Ang O.A niyo ha. Hindi naman ako sobrang late no." Ani ko sa kanilang lahat. 

"Yeah! Not so late. Isang oras lang naman ang tinagal mo, so it's not a big deal." Ani ni Marie sa sarkastikong tono pero bahid sa boses ang pagbibiro. 

I tsked on them at lumapit sa bilyaran. "Alam mo erp, mag laro ka nalang." Lumapit si Adrian sa gawi ko at inilahad sa akin ang cue stick. "You vs Me. Ang ligwak kasi nitong si Marie." Aniya at binelatan ang babae.

Nainis naman si Marie kaya inihampas niya ang hawak na cue stick sa ulo ni Adrian. Natawa naman kami dahil napalakas ang kanyang pag hampas kaya sumandal si Adrian sa Billiard table habang nakasapo sa ulo at namimilipit sa sakit. 

"Demonyita! Kapag talaga ako napuno... Ikikiss talaga kita, makita mo." Aniya at sinubukan pang lumapit kay Marie pero isinangga lang ni Marie ang stick rito. Natawa nalang ako sa kanilang bangayan. Nandoon na sila sa isang sulok at nag-aaway na parang aso't pusa, lamang pa nila ang mag jowa kung mag away eh wala namang label. 

"Kanina pa talaga iyang dalawa. Ang ingay-ingay." Ani ng taong nasa aking likuran kaya nilingon ko iyon at nakita si Sebastian na nakangiti na sa akin. "Ba't ang tagal mo? Nagkaproblema ba sa inyo?" Ang kaninang ngiti niya ay napalitan ng pag aalala. 

Di lingid sa kanyang kaalaman na may alam rin siya tungkol sa mga magulang ko. Sobrang close rin kasi kami. Mas nauna pa kaming naging bestfriend dahil nakilala ko siya noong elementary palang kami at lagi kaming mag classmate kaya naging malapit na ang loob namin sa isa't-isa. 

Nginitian ko naman siya at umiling. "Wala. Na late kasi ako ng gising." Sabi ko sa kanya na totoo naman talagang late akong nagising. 

Ilang segundo pa niya ako tinitigan hanggang sa ngumiti narin siya at tinapik ako sa ulo. "Tayo nalang mag billiards. Marunong ka ba?" Aniya at kinuha ang isang cue stick na nilapag ni Adrian sa billiard table bago makipag harutan kay Marie. 

EPHEMERALWhere stories live. Discover now