CHAPTER 4

74 7 0
                                    



...



Nasaktan ako sa sinabi ni Kuya Alexander. Ayaw niya akong maging kaibigan? Ayaw niya ba sa akin? Kung ganoon eh bakit ang bait-bait niya sa akin? 

"Po?" 

Nakatingin lang siya sa akin. "I don't do friends, Cresiah." May sasabihin pa sana siya nang dumating ang mga kaibigan ko. Inalok nila ako ng gawa nilang fruit cocktail na tinanggap ko naman. 

"There's no alcohol in there, right?" Tanong ni Kuya Alexander sa kapatid. 

Umiling naman si Anastasia. "Nah. It's just fruit with a mix of coconut water and fresh juice."

Tumango naman si Kuya Alexander at tumayo. "I'll sleep first." Aniya sa kapatid at lumakad na papasok sa kanilang bahay. 


Madaling araw na nang magpasya naming matulog na. Doon lang kami sa bahay nina Anastasia natulog. Magkaiba ang room ng mga babae at lalaki dahil iyon ang request ni Kuya Alexander. 


Alas sais na ng umaga nang magising ako. Tulog pa ang mga kasama ko kaya nauna na akong bumaba para sana maghanda ng breakfast pero nakalimutan ko pala na may katulong sila at naka handa na ang almusal. 

"Sasabay po ba si Kuya Alexander?" Tanong ko sa kanilang mayordoma nang alukin niya ako ng gatas na tinanggap ko naman at nilagok. 

"Maaga siyang nag almusal eh. Umalis na siya kanina pa papuntang school." 

Tumango naman ako at nalungkot. 




"Papa? Ba't ka umiiyak?" Kaagad kong dinalo si Papa nang maabutan ko siyang umiiyak pagkadating ko sa bahay. 

Umiling lang siya at inilalayo ako sa kanya pero mas lalo lang akong nag alala. 

"Papa! Ano bang nangyayari? Bakit ka umiiyak? Anong problema?" Parang gusto ko naring umiyak habang naririnig ko ang kanyang paghikbi.

"May a-anak ang mama mo-" Halos hindi na ma intindihan ang kanyang sinasabi dahil sa kanyang paghikbi. "Sa ibang lalaki." Aniya. 

Nadurog ang aking puso sa kanyang sinabi. Kaagad kong niyakap si papa. 

Nasasaktan ako, hindi lang para sa akin, pati narin kay papa. Alam kong matagal ng hinihintay ni Papa si Mama para makasal na sila. Sinabi pa ni Papa na may naipon na siya para pang gastos. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni Papa kay Mama kahit ilang taon na silang hindi nagkikita ng personal. 

Kahit kailan ay hindi naghanap o tumingin man lang ng ibang babae si Papa. Kaya ganoon nalang ang nararamdaman kong galit sa aking nalaman. 

Ilang sakit pa ang ibibigay ni Mama sa amin!? Gaano katagal ba niya kaming sasaktan?! 

Hindi ko lubos na matanggap na gagawin iyon ni Mama. Na magkaka anak siya sa ibang lalaki. Ano ba ang ginagawa niya sa ibang bansa? Nanlalalaki lang ba siya doon? Kaya ba hindi siya maka alis dahil hindi niya maiwan ang lalaki niya? For sure ay mas mahal niya pa iyon at ang  anak nila kesa sa amin ni Papa. Ilang taon ba naman kaming iniwan, di ba? Syempre mas lamang ang mga iyon kesa sa amin. 

EPHEMERALDonde viven las historias. Descúbrelo ahora