Halos lahat ng mga mata na nadadaanan ni Roni pagpasok niya ng university kinabukasan ay nakatingin sa kanya. Pinag-uusapan at pinagtitinginan siya ng mga estudyante. Naiilang siya dahil hindi siya sanay sa ganoong atensyon ng mga tao. She was known as "Miss Nobody." Pero ngayon, daig pa yata niya si Lady Gaga na napadpad sa Pilipinas kung pagtinginan.
Lumakas din ang mga bulungan paglampas niya. Kunot na kunot ang kanyang noo. What was happening to the world? Bakit tila isa siyang sikat na artista kung pagtinginan? Kahapon lang ay dinadaan-daanan lang siya at tila hindi sigurado kung nag-e-exist ba pero ngayon ay sikat na sikat na siya.
Hindi naman nagtagal at nasagot din ang tanong ni Roni nang marinig ang isang babaeng napalakas ang tinig sa pagsasalita. Kumalat na pala ang tsismis tungkol sa kanila ni Borj kaya ganoon na lang ang mga bubuyog sa tabi. May nakakita raw sa kanila kahapon sa may parking lot na naghahalikan kaya naman kumalat iyon agad.
Dinaig pa ng kinagat ng sampung bubuyog ang mukha niya sa pula. Hiyang-hiya siya na hindi malaman. Kilalang-kilala na siya sa university dahil napakabit na siya sa pangalan ng isang prinsipe.
Binilisan ni Roni ang paglalakad nang marinig ang balita. Ngunit malayo pa siya sa room niya sa araw na iyon ay may isang boses na nagpatigil sa kanya sa paglalakad.
"Roni, babe!" malakas na sigaw ni Borj sa likuran niya.
Pakiramdam ni Roni ay binaril siya ng freezing gun. Halo-halo ang emosyon niya sa dibdib. Kilig, tuwa, hiya at pagkailang. Hindi pa siya sanay kay Borj. Hindi pa rin niya masyadong naihahanda ang sarili para dito kahit na ba naisip na niya. Sa nangyari kahapon ay napatunayan niya iyon. Kahit yata kumbinsihin niya ang sarili na kaya niya, mukhang mahihirapan pa siya. Pero naisip niya kahapon lamang nag umpisa ang palabas nila kaya tama lang na hindi pa siya sanay at handa.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" agad na bungad niya.
"Gusto kong ihatid ang girlfriend ko. Masama ba?" mukhang sinadya pang lakasan ni Borj ang boses para marinig ng karamihan."I didn't get your phone number yesterday kaya inabangan talaga kita ngayon," bulong naman nito.
"W-well, nasira ang cell phone ko a week ago. Hindi pa ako nabibilihan ng bago." - Roni
"It's okay. Nakuha ko na ang schedule mo kaya hindi na siguro ako mahihirapan na kontakin ka. But anyway, kumusta na?" tanong ni Borj.Napakunot ang noo nito nang makita ang mukha niya.
"Bakit ka namumula? May sakit ka ba? O..." sumilay ang isang ngisi sa mga labi ng binata nang mukhang may kalokohan itong naisip.
Hinampas naman ito ni Roni ng isang librong hawak niya. Pigil na pigil niya ang pagba-blush kahit kanina pa talaga nagba-blush ang kanyang mukha."Nahihiya lang ako, no! Hindi pa kasi ako sanay," palusot niya. "Saka 'wag mo muna akong akbayan."
Kumunot ang noo ni Borj. "Bakit naman? Kasali ito sa usapan," wika nito sa mahinang tinig.
"Eh, kasi naman, kinikilig ako! gusto sanang isagot ni Roni. "Naiilang ako," sa halip ay sagot niya. Hindi niya sasabihin kay Borj ang nararamdaman. Paano kung makaapekto iyon sa sitwasyon nila? Baka idispatsa siya ng binata. Kailangang-kailangan na niya ng pera.
Nakausap na niya ang mga magulang at nasabihan na huwag nang isangla ang bahay dahil nakahanap siya ng paraan. Nag-alinlangan ang mga ito pero nakumbinsi niyang nakahiram siya ng pera sa mga magulang ni Jelai. Kilala na ng kanyang mga magulang ang kaibigang si Jelai at napaniwala niya ang mga ito na nagawa siyang pahiramin ng pera.
Ngumiti si Borj. And Lord, she wanted to faint with just one smile. Ganoon kalakas ang epekto nito sa kanya. "Kailangan mo nang masanay dahil kailangan ko ring gawin ito."
Bumuntong-hininga si Roni para pakalmahin ang sarili. Nagwawala kasi ang puso niya dahil sa ginagawa nito. "Okay, " tanging nasabi na lamang niya at hinayaan ang binata sa ginagawa nito.
Kinuha ni Borj ang librong hawak niya at ito na ang nagdala niyon. Habang naglalakad ay naging triple pa ang populasyon ng taong tumitingin at nag-uusisa sa kanila. Kulang na lang ay yumuko siya para ipangalandakan na naiilang siya sa tingin ng mga ito. Ngunit ang binata naman ay taas-noo pang tumitingin sa mga tao na tila proud na proud na siya ang kasama.
Magaling na actor, wika ni Roni sa loob-loob niya. Nang makarating sa kanyang room ay napa-"Oh" ang lahat ng kaklase niya sa kanya. Si Jelai naman na palaging maagang pumapasok kaya hindi niya nakakasabay kapag umaga ay tila napako sa upuan nang makita siyang kasama niya si Borj.
"So hanggang dito na lang ako, babe. May klase na rin ako, eh," pagpapaalam nito sa kanya.
"Okay, ingat ka."
Lumabi si Borj. "Iyon lang?"
Kumunot ang noo ni Roni. "Anong iyon lang?""Wala ba akong kiss?" nakangising sabi nito.
Hinampas niya si Borj muli sa balikat. "Saka na," wika niya at nag sign na umalis na ito. "Layas na!"Humalukipkip ito. "Hindi naman yata tama 'yan." - Borj
Namula lalo si Roni kaya naman yumuko siya. "Basta umalis ka na."
Pero hinawakan ni Borj ang baba niya, saka siya hinalikan sa mga labi. At muli, ang sensasyong naramdaman niya nang una siya nitong hinalikan ay umusbong sa kanyang puso.
Ngumiti naman ito pagkatapos ng halik. "Kailangan mo nang masanay sa ganito, okay? At nga pala, susunduin kita pagkatapos ng class mo ngyong araw. Nakuha ko na ang schedule mo kaya alam ko na kung anong oras kita susunduin," anito, saka nagpaalam na.
Lahat naman ng kaklase ni Roni ay hindi nakahuma sa nakita sa kanilang dalawa ni Borj. Ang tingin ng mga ito sa kanya ay siya si Cinderella at ang binata naman ay si Prince Charming. Tanong ng tanong ang mga kaklase niya ngunit hindi naman siya makasagot. Hinayaan na lamang niya ang mga ito hanggang magsawa.
Nang makarating si Roni sa upuan niya ay siniko siya ni Jelai. "Ikaw, ha? Marami kang hindi sinasabi sa akin."
Ngumiti na lang nang kimi si Roni. Kung ganoon ay problema pa pala niya ang pag-e-explain sa mga tao kung ano at paano sila nagkamabutihan ni Borj bukod sa problema pa niya sa puso na malapit na talagang maadik sa binata.Tama ba talaga itong napasukan niya?
----End of Chapter 4----
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Totohanin
RomanceSimpleng babae lang c Roni kaya nang mapansin ni Borj Jimenez ay isang dream come true na para sa kanya. He was the campus prince and the campus MVP. At bukod sa pagpansin nito sa kanya ay may bonus pa. Inalok siya nitong maging girlfriend. Iyon nga...