Namangha si Borj sa nakitang transformation ni Roni pagkatapos niyang paayusan ito sa salon para sa okasyon na pupuntahan nila ngayon. He wanted to hit himself because he first considered her as a "nobody". Hindi naman talaga pala isang nobody ang dalaga dahil may kakaiba rito na nakita lang niya nitong magkasama sila.
Madalas na mabasa ni Borj ang kataga na, "No one really cares unless you're pretty, rich or dying." Roni was none of those. Simple lang ang dalaga kaya hindi pansinin ang ganda nito. But she was smart. Kaya nga ito nakakapag-aral sa university nila sa kabila ng hindi naman ganoon kaganda ang buhay ng pamilya nito. Ngunit hindi naman lahat ng matatalino ay sumisikat. Lalo na kapag hindi ipinagmamayabang ang achievement na nakukuha.
That was Roni. Hindi pa ganoong makikilala ang dalaga kung hindi pa nakasama. Pero ramdam ni Borj na may iba pa kay Roni na siyang nagustuhan niya. Iyon ba ay dahil hindi ito kagaya ng madalas na babaeng kilala niya? Hindi maarte at may pagkamahiyain. Malayo ang ugali ni Roni kay Jane. Madalas na nakokontento na lang si Roni sa kung ano ang kaya niyang ibigay rito. Hindi rin ito nagagalit kapag natatalo siya sa laro o hindi kaya ay nilalapitan ng mga fans. Nakikita niyang masaya pa nga ito. Ngunit hindi lang iyon ang mga katangian na gusto niya kay Roni. Isang hindi maipaliwanag na kadahilanan. Hindi niya iyon malaman.
Was it because he felt like a real prince whenever Roni was around? Gusto niyang protektahan ang dalaga. Maging knight in shining armor nito. Ang i-rescue ang damsel in distress na kagaya ni Roni. Pinahahalagahan niya ito. Gusto niya na palaging nasa maayos na kalagayan ang dalaga.
Ano ang mayroon kay Roni at nararamdaman niya ang ganoong damdamin? Hindi naman talaga ito dapat na maging espesyal ang nararamdaman niya para sa dalaga.
"You look beautiful babe..." sa totoo lang ay speechless si Borj sa nakitang transformation ni Roni. Pero kailangan niyang magsalita dahil deserved nito malaman iyon.
Nakakulot ang may kahabaan at palagi lang na naka headband na buhok ni Roni. Bumagay ang makeup na inilagay rito at naging kapansin-pansin ang makurbang katawan sa binili niyang itim na cocktail dress.
Ngayong gabi, hindi na masasabihan pa si Roni na isang "nobody". With the way she looked now, she was not just worth a glance. She was worth a stare.
"Salamat," nahihiyang sabi ni Roni. saka tumingin sa kanya. "You look good, too"
"Thanks" - Borj
Habang inaayusan si Roni ay nag-ayos na rin ng sarili si Borj sa restroom ng salon. Dahil lalaki siya at hindi na kailangan pang ayusan pa nang husto ay nagkasya na lang siya sa dating hitsura. But he knew the suit he was wearing made him better-looking than he used to.
"Pero saan ba talaga tayo pupunta? Tapatin mo na ako, Borj," pangungulit ni Roni pagkatapos niyang bayaran ang nag-ayos dito. Siniguro pa niya na bigyan ng malaking tip ang mismong nag-ayos sa dalaga. She really did a good job.
"Later, babe," pagsagot niya, sabay kindat.
Sumimangot si Roni. Ngunit kahit ganoon, maganda pa rin ito. Sinubukan niyang pagaanin ang loob ng dalaga sa pamamagitan ng pagyakap dito.
"You trust me, right? Sabi ko sa'yo ay magiging masaya ang gabing ito."
Sa sinabing iyon ni Borj ay ngumiti na muli ang dalaga.
Habang nasa biyahe ay hindi pa rin niya sinasabi kay Roni kung saan sila pupunta kahit mukhang may ideya na ito. Sinabi lang niya ang lahat nang marating na nila ang lugar.
Napansin niya na kinabahan ang dalaga. Napalunok ito. "F-family gathering?"
Ngumiti siya at inakbayan ito. "Yes."
Sinuntok nito ang dibdib niya. "Bakit?"
"Nakilala na ako ng pamilya mo. Bakit naman hindi ka pwedeng makilala ng pamilya ko? It's my grandparents' fiftieth wedding aniversary today."
"And Jane will be here?"
Bahagyang nagulat si Borj sa tanong ni Roni kahit na naitanong na iyon kanina. Sa totoo lang ay kasinungalingan lang naman ang sinabi niya na pupunta si Jane. Hindi niya talaga sigurado kung pupunta ito bagama't magkaibigan ang pamilya nila ng dating nobya. Sinabi lang niya iyon dahil wala siyang maisip na dahilan upang yayain si Roni. Dahil ang totoo, hindi rin niya maipaliwanag kung bakit.
Alam ni Borj na may mali. Kakahiwalay lang nila ni Jane at malapit ito sa pamilya niya. Pero gusto niyang makasama si Roni sa kabila ng sitwasyon nila. Gusto niyang ipakilala ang dalaga sa pamilya niya dahil sa kabila ng lahat, espesyal ito sa kanya.
Ano na nga ba talaga ang nangyayari sa kanya? Hindi ganito ang plano. Ginagamit lang niya si Roni pero bakit ganoon? Tila siya yata ang naging biktima. Sa halip kasi na si Jane ang maisip niya, palaging si Roni ang nilalaman niyon. Well, naalala pa rin naman niya si Jane. Pero iyon ay kapag ipinapaalala sa kanya ni Roni.
Huminga ng malalim si Borj. Akmang sasagutin na niya ang tanong ni Roni nang may umagaw ng atensyon niya mula sa entrada ng venue ng party.
"So I'm wrong. Is that right? It's not really a charade? Seryoso ka nga sa babaeng ito," wika ni Jane. Lukot na lukot ang mukha nito habang tinitingnan mula ulo hanggang paa si Roni.
Mukhang naiinis si Jane. Mukhang nagseselos na ito. Umeepekto na ang plano. Dapat ay magdiwang si Borj. Babalik na muli sa piling niya ang dating nobya. Pero bakit ganito ang nararamdaman niya? Sa halip na magsaya, purong kahungkagan ang kanyang nadarama.
---- End of Chapter 10----
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Totohanin
RomanceSimpleng babae lang c Roni kaya nang mapansin ni Borj Jimenez ay isang dream come true na para sa kanya. He was the campus prince and the campus MVP. At bukod sa pagpansin nito sa kanya ay may bonus pa. Inalok siya nitong maging girlfriend. Iyon nga...