Chapter 9

616 39 6
                                    

"Kumusta ka na?"
Napaikot ni Roni ang mga mata nang sa pangatlong pagkakataon sa araw na iyon ay narinig niya ang pangungumusta mula kay Borj. Isang linggo na mula nang pahiramin siya nito ng cell phone para magamit daw niya sa pagkakataong kailangan siya. Hindi niya sana gustong kuhanin iyon pero nang in-insist ng binata na kailangan niya para sa trabaho niya rito, wala na siyang nagawa.

Inamin sa kanya ni Borj na nag-alala ito sa kanya kaya ibinigay nito ang cell phone. Ayaw na raw kasi ng binata na maulit ang nangyari na kinailangan pa nitong puntahan siya sa bahay nila para lang alamin ang lagay niya. Paano kasi ay nalasing ito ng husto. Hindi naman daw sa natakot si Borj sa kanyang papa. Hindi lang daw talaga magandang experience iyon dahil ilang beses itong nagsuka.

Gustong isipin ni Roni na concern talaga sa kanya si Borj kaya ginagawa nito iyon. Na baka magkaroon nga ng pag-asa na magkagusto ito sa kanya kagaya ng narinig niya noon sa inuman. Pero nawalan na siya ng pag-asa dahil hindi man sinasabi nang harapan ng binata ay pagpapanggap lang ang lahat. Pero mula nang ibigay sa kanya ang cell phone ay palagi nitong gusto siyang kausap. At hindi naman niya magawang tanggihan si Borj dahil isa rin iyon sa nadiskubre niyang paborito at kaaliw-aliw na gawain ngayon.

Tumigil si Roni sa paglalakad galing sa library para kausapin si Borj. Kahit abala siya sa trabaho niya sa binata, hindi pa rin niya pwedeng pabayaan ang pag-aaral. Sa tuwina ay pumupunta siya sa library para mag-aral dahil mas tahimik doon kaysa sa bahay nila, lalo na kapag hindi naman siya sinasabihan ni Borj na kailangan siya nito para sa palabas nila kay Jane na simula noong nangyari sa fifth game ay wala pa rin siyang balita hanggang ngayon. Hindi na siya nakikialam pa. Kahit naman kasi itanggi niya ay natatakot siya sa maaaring mangyari kapag nagtagumpay na ang plano ni Borj. Pero masaya siya na kasama ito. Mas nangingibabaw ang sayang kanyang nararamdaman kapag kausap at kasama ang binata kaysa sa takot sa maaaring mangyari pagkatapos nilang magpanggap.

Hindi iyon napigilan ni Roni. Kahit sino naman sigurong babae ay mabilis na mahuhulog ang loob kay Borj. Lalo na siya na noong una pa lang ay gustong-gusto na ito. At nang makasama ang binata, hindi na niya napigilan ang damdamin. In love na siya rito.

Paano ba naman siyang hindi mai-in love kay Borj? Ilang beses nitong ipinaparamdam na may pagpapahalaga ito sa kanya. Oo, siguro ay marami ang makakakita na kapag nalaman ang usapan nilang dalawa, sasabihin na napakasama ng binata dahil ginamit nito ang kagaya niya.

Pero sinabi rin ni Borj na nakakaramdam ito ng guilt dahil doon. Humingi pa nga ito ng patawad, hindi ba? Somehow ay naiintindihan din naman niya ang binata kung bakit nito ginawa iyon. Mahal na mahal lang talaga ni Borj si Jane kaya gagawin nito ang lahat ng paraan para mapabalik ang dating nobya sa piling nito.

"Kailangan ba na paulit-ulit mo akong tanungin niyan? Parang two hours ago lang yata noong huli mo akong tanungin. In person pa," paalala ni Roni. Iyon ay noong hinatid pa talaga siya nito sa library kahit hindi naman kailangan.

"I just want to know how you're doing. Masama ba 'yon?" - Borj

I'm fine, okay? Wala namang masamang mangyayari sa akin sa library." Nakakatakot ang pagiging worrier ni Borj dahil baka masanay siya. Pero hindi rin niya maiwasang matuwa. Kung totoo ang lahat, siguro ay siya na ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Borj was the perfect boyfriend. Napakamaalaga nito.

"Okay, so where are you? Are you still in the library?" sunod naman nitong tanong.

"Pauwi na ako," pag-imporma niya. May sakit ngayon si Ella kaya wala siyang session ng bata.

"Good. May gusto kasi akong ikuwento sa'yo."

Aba, mukhang makikipagtelebabad pa yata ang lalaking ito bago ako umuwi ah! Ang alam ni Roni ay may practice game muli si Borj ngayon para sa sixth game bukas kaya naman nandoon pa rin ito sa university. Siguro break nito ngayon kaya nagawa siyang tawagan.

Bakit Hindi TotohaninTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon