Silakbo

18K 428 134
                                    

This reading material contains mild coarse language and some scenes suitable for mature readers. Read at your own discretion.

E-Book cover is created by Designs by Rachelle LLC. Please do not copy.

**********

TEASER

Kinuha ko muna iyong damit at itinago sa silid bago ako pumunta sa kusina. Habang nilalaga ko iyong kamote ay naglagay na ako ng plato at basong may tubig sa lamesa. Nakaupo na roon si Diego.

"'Yong hilaw na nobya mo sa Aws... Aws – "

"Australia," pagpapatuloy niya.

"Ilang taon kayong nagsama?"

"Technically, hindi kami nagsama dahil hindi kami tumira sa iisang bubong. Pero kung ang ibig mong sabihin, hanggang kailan tumagal ang gano'ng klaseng relasyon namin, mga kulang-kulang dalawang taon."

"Matagal din pala. Ano'ng nagustuhan mo sa kaniya?"

Nakalolokong ngumisi siya. "Marami akong natutunang tricks sa kaniya."

Nandoon na naman iyong katagang iyon. Pero alam ko na ang kahulugan niyon. "Talaga? Marunong s'yang sumayaw?"

Tumawa si Diego. "Oo, magaling gumiling." Kinuha niya iyong baso.

"Turuan mo rin ako ng triks n'ya, ha?"

Naibuga niya iyong tubig na iniinom. Umubo siya nang umubo. Nagmamadaling lumapit ako sa kaniya at hinagod ang likod niya. Hinablot niya iyong kuwelyo ng kamiseta at marahas na pinunasan ang bibig.

"Buti na lang, naging magkaibigan tayo. Ang dami mo kasing alam. Ang galing mong magpaputok ng baril, mangabayo at ngayon naman, marunong ka ring sumayaw!" Buong paghangang tiningnan ko siya. "Kailan mo ako tuturuang sumayaw?"

Nanggigil na sinuyod ng kamay ang ulo niya. "Kapag dumating 'yong tamang panahon at tamang lugar."

"May tamang oras at lugar na sinusunod para do'n?"

"Mayro'n!" namimilipit na sabi niya.

Humalukipkip ako at pinagmasdan siyang mabuti. Alumpihit siya at may ideya akong naisip kung bakit ganoon ang kilos niya. Nangingiting tanong ko, "Bakit 'di mo pa kasi aminin?"

"Amining ano?"

"Na 'di ka mahusay sumayaw!" kantiyaw ko.

Padarag na tumayo siya. Halos bumagsak nga iyong silyang inuupuan niya. Madilim ang mukhang lumapit siya sa akin. Kinakabahang napaatras ako. 

Hindi ba siya marunong tumanggap ng pintas at puna?

Itinukod niya ang isang kamay sa mesa kaya nakulong ako sa pagitan nito at ng katawan niya. Sapo-sapo ang dibdib na tumingala ako sa kaniya.

"Magaling akong sumayaw. Alam ko kung saang direksyon dadalhin ang kapareha ko. Alam ko kung anong ritmo ang gagamitin... kung mabagal ba... o kung mabilis... kung itotodo ko ba... o hindi. Wala akong sinusunod na mahigpit na patakaran, depende iyon sa tawag ng sitwasyon. P'wedeng ako ang manguna, p'wedeng 'yong kapareha ko. Isa lang ang mahalaga sa akin, pagkatapos ng sayaw, pareho kaming masaya. Nakuha mo ba ang ibig kong sabihin?" Kasing lalim ng balon ang boses niya.

Naipikit-sara ko ang mga mata. Bakit ba mukhang may iba siyang tinutukoy? "H-hindi, pero... pero tatandaan ko ang sinabi mo." Nakahinga ako nang maluwag nang umatras siya.

Umiling siya bago bumalik sa mesa. Hinila iyong silya at doon umupo. "Baka luto na 'yong kamote mo. Pakainin mo na ako."

Date started: 19 October 2016

Date completed: 13 April 2018

***********

Vote and comment naman po d'yan para ma-inspire ang trying hard na writer ^_^ Hindi n'yo siguro alam, na habang on-going 'to, nakatutulong ang mga comments ninyo sa takbo ng kuwento. At nakaka-inspire po 'yon para ipagpatuloy ko ang pagsusulat.

Thanks po in advance!  

SilakboWhere stories live. Discover now