Chapter 1

3.1K 110 4
                                    

Imbes na mag-umpukan ang mga kostyumer ng D's Bar sa mga lamesa o sa gitna para sabayan ang maingay ng tugtugin ay nag-umpukan ang mga kalalakihan sa bar counter. Pinagkakaguluhan lang naman ng mga ito ang maganda at seksing bartender na si Haizel o mas kilalang Zel. Sumasabay sa bawat galaw niya ang nakapusod na mahabang buhok na kulay violet..wala ni kahit anong kolorete sa mukha lutang pa rin ang natural na ganda ng prinsesa. Bagay na bagay rin ang suot niyang uniform na kulay Violet din. A fitted collar blouse na pinaresa ng skirt na umabot sa ibabaw ng tuhod niya. She want to look a sexy pero..naisip niya baka bigla na lang sumulpot ang Hari at mapagalitan pa siya kapag sinunod niya ang gustong ayos niya. Kaya simple but sexy and hot.

Nginisihan niya ang mga nakatulalang kalalakihan na nanunuod sa kanya habang isa-isa niya nilapag sa harapan ng mga ito ang inumin na inorder ng mga ito.

"There you go,guys! Next batch!" malakas niyang sabi para sa susunod naman oorder.

"Masama na tingin sayo ng mga babae kasama ng mga yan,Zel!" bulong sa kanya ng kasama niya sa counter na si Mat.

Sinulyapan niya ang tinutukoy ni Mat.

Uh-oh! Nangangamoy gulo na naman 'to! Uusok naman ang ilong ni Boss Dion!

Agad na napangisi siya ng maalala kamakailan lang ang kinasangkutan niyang gulo. Sinugod siya ng isang babae na girlfriend ng lalaking nakikipagflirt sa kanya ng gabi iyun dahil motto niya na maging humble at sweet sa mga costumer nila hindi naging maganda iyun sa paningin ng mga babae sa kanya!

Sinabuyan lang naman siya ng alak na ginawa niya para sa boyfriend nito at dahil may mahaba naman siyang pasensya na kasinghaba ng buhok niya ay nginisihan lang niya ang babae na lalo lang kinagalaiti ng huli. Nag-iskandalo tuloy kaya nadatnan iyun ng Boss nila na si Boss Dion. Abot-abot sermon tuloy ang inabot niya at dahil pamangkin daw siya ni Zei hindi raw siya nito pwede sisantihin!

Zei save her ass!

Hahighblood-in pa kaya si Boss Dion kapag naLaman niyang anak ka pala ng boss niya?!

Lihim siya natawa sa isip niya. Kung mangyayari man yun gusto niya yung umabot na sa punto na hindi na siya nito kaya pang pagpasensyahan!

Kapag nangyari yun saka niya ipapaalam rito kung sino talaga siya ...na anak siya ng boss nito. Ang may-ari ng D's Bar!

"Basta ba sila ang mauuna," bulalas niya pagkaraan saka niya inasikaso ang sunod na umorder ng alak. Matamis na nginitian niya ito.

Napailing naman si Mat sa kanya.

"Hi,Zel! Gabi-gabi na lang lalo ka gumaganda!" pambobola ng lalaki na nasa harapan niya.

Nagkibit siya ng balikat pero may ngiti pa rin sa mga labi niya.

"Maganda naman talaga ako," tugon niya na binuntutan niya ng pagngisi.

Namamangha na tumitig sa kanya ang mga lalaki.

"Lapitin kamo ng gulo ang ganda mo," bulong ni Mat na kinatawa niya.

Nginisihan niya ito. Kung hindi lang niya alam na binabae ito malamang isa na rin ito na nahuhumaling sa ganda niya.

"Nandyan ka naman para ipagtanggol ako eh," aniya na hindi pinapansin ang malagkit na tingin sa kanya ng isang lalaki.

Creepy!

"Alam mong ayokong manabunot dito. Ikaw lang ang nakakaalam na tunay ako,"sagot nito habang nagpupunas ng mga kopita.

Bumaling siya sa lalaki na kanina pa ang titig sa kanya ng ubod ng lagkit.

Ngumisi ito sa kanya. Nginitian naman niya ito saka nilapitan. Nasa bandang dulo kasi ito nakaupo.

"Akala ko hindi mo ko mapapansin," sabi nito.

Tinitigan niya ang mukha nito kahit madilim sa pwesto nito malinaw na malinaw pa rin ang vision niya.

Her wolf ability.

May itsura ang lalaki pero..isa lang din ito sa mga lalaki na gusto siya makuha.

Mabilis ang kilos niya. Inabot niya rito ang inumin na siya mismo ang nag-imbento.

"This is my special drink,care to taste it,Mr.Handsome?"

Pang-ilan na ba siya sa nabiktima niyan?

"Hindi ko tatanggihan yan mula sa isang napakagandang babae,"nakangisi na kinuha iyun ng lalaki.

Hinawakan pa nito ang kamay niya na hinayaan na lang niya. Sanay na siya sa pananantsing ng mga tulad nito basta hanggang kamay lang dahil pagkaraan naman niyun malaki ang kapalit ng kalaspatangan nito sa isang prinsesa tulad niya.

Sinaid nito ang kulay violet na likido.

" Taste is good,"anas nito ng mailapag ang kopita sa counter.

"Thanks...and goodnight," aniya.

Bigla na lamang nawalan ng malay ang lalaki na ngayon ay nakayukyok na sa counter. Sinenyasan niya ang isang bouncer na nakabantay lang di kalayuan sa counter. Agad na lumapit ito.

"Nakatulog na isang yan,hatid mo na sa labas para may makagamit pa ng iba sa pwesto na yan" mando niya sa bouncer na agad naman tumalima sa utos niya.

Nakangisi na bumalik siya sa tabi ni Mat.

"Nagpainom ka na naman ng lason mo?" sita agad nito sa kanya.

"Kinikilabutan ako sa titig niya eh!"depensa niya rito.

Hindi naman literal na lason iyun. Pampatulog iyun pero..sasama ang tiyan pagkatapos magising ang makainom niyun ggang sa madehydrate. Tinawag lang iyun lason ni Mat kasi nga iyun ang epekto sa nakainom niyun.

" Kapag nagreklamo na naman. Yare ka na naman kay Boss Dion!"

Tinawanan lang niya ang kaibigan.

"Madali lang lusutan yan," aniya sabay kindat niya rito.

"Bruhilda ka talaga," Pasimple nitong sabi.

Tumatawang inasikaso na niya ang naghihintay na kostyumer na kanina pa gusto makuha ang atensyon niya .

TPOVWD Series 9: HAIZEL C. DARIUS byCallmeAngge(completed)Where stories live. Discover now