Chapter 31

3K 149 19
                                    

"Ohmygod! Nakatulog ba ko dito?!"mulagat na bulalas ni Maureen ng magkamalay ito.

Imbes na iuwi nila ito idineretso nila ito sa opisina ng D's Bar kaalalay ni Alexander ang anak ni Zei na si Valerie.

Agad naman bumalik si Zei at gustong-gusto puntahan ni Alexander ang kasintahan pero tuliro pa siya at nadagdagan pa iyun ng wala ng maalala ang kababata sa nangyari bago ito mawalan ng malay pagkatapos ito kausapin ni Zei.

Tuliro na napasandal sa likod ng pintuan ng bahay niya ang binata pagkapasok niya sa kabahayan niya. Kakahatid lang niya sa kababata na panay lang ang kwento tungkol sa boutique nito at taLaga naman nakaka...tulala yun!

Binura ni Zei ang alaala iyun ng kababata!

Napakaimposible!

Sino ba ang mga ito?!

Bakit nagawa iyun ni Zei? Paano nito nagawa lumundag ng ganun kataas habang buhat-buhat ang kasintahan niya?!

Si Haizel...si Haizel..ang nilalang na iyun!

Iyun ang nasa panaginip niya!

Kung ganun,totoo yun?!

Hindi ba panaginip ang lahat ng nalaman niya ngayon?!

Nasapo niya ang ulo ng sumakit iyun.

He want to see her!

Sa kabila ng kaguluhan na bumabagabag sa kanya nangingibabaw pa rin ang pag-aalala niya para sa dalaga.

Pero...pero paano? Malinaw pa rin sa isip niya ang nasaksihan niyang pagbabago ng anyo nito!

Sabi ni Zei,kung handa na siya maaari niyang puntahan ang kasintahan. Kung ganun..ang dalawang beses na nakakitaan niya na kakaibang kilos ng kasintahan noon ay patunay na kakaiba talaga ang dalaga.

She's...not..a human!

"Masakit nga sa ulo kung malalaman mo na hindi pala tao ang kasintahan mo,hindi ba?"

Napamulat ng mga mata si Alexander ng may magsalita.

Agad na binuhay nya ang ilaw sa salas. Nang bumaha ang liwanag agad na dinunggol siya ng kaba at pagtataka kung sino ang lalaki na prenteng nakaupo sa single sofa niya habang nakahalukipkip ito at matiim ang mga mata na nakatitig sa kanya.

Paano ito nakapasok sa bahay niya?

Sino ito?!

"Sino ka?" tanong niya ng makabawi sa pagkagulat.

Nanatili blanko ang ekspresyon ng mukha nito. He looks familiar hindi lang niya matandaan kung saan niya ito nakita.

"Sino ako? Gusto mo malaman?"tanong din nito.

Naikuyon niya ang mga palad. Marami na siyang iniisip tapos ngayon nadagdagan na naman!

Mababaliw na ata siya!

" Paano ka nakapasok dito? Hindi kita kilala,Sir. Anong kailangan mo sakin?"seryoso niyang tanong pabalik ulit dito.

Umangat ang isang sulok ng mga labi nito.

Inaamin niya. Kinabahan siya sa nakitang ekpresyon ngayon ng lalaki.

Tumayo ito at lalo lamang siya dinunggol ng kaba ngayon magkaharap na sila nito ilang dipa lang ang distansya. Halos magkasingtangkad lang sila ng lalaki. Kung gagawan siya nito ng masama may pag-asa na mailigtas niya ang sarili maliban na nga lang kung may dala ito baril o anupaman !

Lalo lumawak ang pagkakangisi nito na tila nababasa nito ang nasa isip niya. Naikuyom niya muli ng mahigpit ang mga palad niya at sinamaan ito ng tingin.

Hindi siya magpapatakot rito.

Pero habang tinitigan niya ang lalaki parang...nakikita niya sa ngisi nito ang ngiti ng kasintahan.

Handa na sana siya tapatan ito ng laban ng umangat ang isa nitong braso kung hindi lamang agad ito nagsalita.

"Kamusta? Ako ang ama ni Haizel,I'm Dominekk," pagpapakilala nito.

Umawang ang mga labi ng binata sa kabiglaan ng magpakilala na ito.

No way!!!

TPOVWD Series 9: HAIZEL C. DARIUS byCallmeAngge(completed)Where stories live. Discover now