Special Chapter

3.9K 136 14
                                    

"Well,susuportahan kita kung saan ka masaya,pamangkin.." anang ng Tito Dion niya ng kausapin niya ito ng masinsinan para magpaalam rito na sasama siya kung saan nakatira ang Hari na pagkakaalam nito ay sa ibang bansa lamang nakatira ang tinuturing nitong Kuya.

"Salamat,Tito Dion. Huwag po kayo mag-aalala,ahm,bibisita po kami kapag..may pagkakataon," aniya na hindi sigurado kung pwede nga ba yun lalo pa alam na niyang sa ibang mundo siya pupunta.

Pero iyun lang ang pangako na pwede niyang bitawan.

"Pero bago kayo umalis,hintayin niyo muna ako ikasal,ikaw ang best man ko eh!"

Natawa siya sa hirit ng tiyuhin. "Oo naman,Tito," aniya.

"Ako na bahala sa kasal mo. Sabihin mo lang kung saan niyo gusto ikasal," bigla pagsingit ng Hari.

"Kuha Dominnek! Naku,huwag na..may ipon naman ako eh! Sobra-sobra na nga ang binigay mo sakin mula ng umalis ka," agad na reak ng Tito Dion niya.

"Kuya mo ako,hindi ba? Kaya dapat makinig ka sa nakakatanda sayo," maawtoridad na saad ng Hari.

Lihim tuloy siya kinabahan bigla lalo pa at walang kamalay-malay ang tiyuhin niya na isang Hari at isang lobo ang tinuturi nitong kapatid.

"Oo nga,Tito Dion..tanggapin mo na!" sulsol niya sa Tiyuhin. Mahirap na baka tanggihan na naman nito ang alok ng Hari.

"Uh,s-sige..kung yan ang gusto mo Kuha Dominnek," pagpayag na ng Tito Dion niya.

"Are you sure na...iiwan mo ang mundo mo ito para samin..sa prinsesa?" paniniyak ng Hari. Nang makaalis ang Tito Dion niya sila naman ang nag-usap ng Hari.

Agad na tumango siya. "Gusto ko makasama ang prinsesa sa mundo na pinagmulan niya,"sinsero niyang saad.

Tumango-tango ang Hari at may dinukot itong kung ano sa likod ng bulsa nito. Napaawang ang mga labi niya ng masilayan ang dalawang matingkad na kulay violet na singsing.

" Ang mga singsing na ito ay mula sa akin at sa mahal kong Reyna..kayo na ang gagamit nito magmula ngayon bilang simbolo ng pag-iibigan niyo at pagtanggap niyo sa isa't-isa.."

Manghang kinuha niya iyun sa nakalahad na palad ng Hari.

"Salamat,mahal na Hari. Pangako..hindi ko lamang mamahalin ang prinsesa niyo. Aalagaan at poprotektahan ko din siya," aniya.

"I know and welcome to our district,mahal na Prinsipe.."

Minsan sa buhay kung saan ka sasaya at magiging kuntento kailangan mo mamili. Ang pagpili sa taong mahal mo na alam mong may kasiguruduhan na may katugon ng higit pa sa kaya mong ibigay ay hinding-hindi mo pagsisihan ang pag-iwan mo sa tunay mong mundo para lang sa bagong mundo ng isang walang hanggan na pag-ibig.

TPOVWD Series 9: HAIZEL C. DARIUS byCallmeAngge(completed)Where stories live. Discover now