I Love You Both

131 9 0
                                    




"Jakiiii pleaseee.. Wag niyo kong iwann.. Pag-usapan muna natin to.. Please Jaki.. Di ko kaya na wala kayo sa tabi koo.. Jaki naman.. pleasee" pagmamakaawa ni Vice sa asawa niya habang pinipigilan itong umalis.. Halos di na makilala ang mukha nito dahil sa gulo-gulong buhok, bumabagsak na mga luha sa mukha habang nagmamakaawa kay Jaki..

"Sana naisip mo yan bago mo ginawa yung mga pagkakamali mo! Umalis ka nga dyan! Aalis kami sa ayaw at sa gusto mo.. Wala kang magagawa!"galit na galit na saad ni Jaki Habang bitbit ang apat na taong gulang na anak nila ni Vice..

Pilit pa ring gumagawa ng paraan si Vice para pigilan ang asawang umalis ngunit maging siya ay napagod na rin..Mahina na lang siyang napabulong..

"Sorry, Lovey.. Hihintayin ko ang pagbabalik niyo.. At kung kailangan kung humingi ng tawad ng paulit-ulit gagawin ko.. Huwag lang kayong mawala.. Di ko kaya.." umiiyak na saad nito

Nang mahimasmasan ay naisipan niyang tawagan ang kaibigan niya na alam niyang makakatulong sa kanya..

"May ipapagawa ako, at kung kailangan mong hagilapin ang buong Luzon mahanap lang sila, gawin mo.. Ayokong mahiwalay sila sakin.."saad ni Vice habang kausap sa phone si Jhong..

"Ano nanaman ba yan Vice? Gagawin mo na naman akong utusan? Ehh sumusobra ka na ahh. Ilang beses na kitang pinagbigyan kaya di ko magagawa yang iniuutos mo..Sorry!"medyo galit na saad nito pabalik..At binabaan ng tawag si Vice.

"Aba! Di marunong tumanaw ng utang na loob tong gagong to ahh!!" galit na saad ni Vice..

*****

Hindi na napigilan ni Jaki ang emosyon niya pagkapasok nila ng anak nila sa condo, nadadala na rin kasi siya sa iyak ni Jaice..Pinaupo muna niya si Jaice sa sofa at dinala sa kaisa-isahang kwarto ang mga gamit nila at pumuntang kusina para uminom ng tubig..Hanggang ngayon hinog na hinog pa rin sa kanyang isipan ang nangyari nung gabing yun, yung akala niya nawawala o kung ano nang nangyaring masama sa asawa niya, dahil kung aalis ito'y nagpapaalam ito sa kanya lagi.. Noong gabi lang yun hindi nagpaalam at alalang alala siya nun, pero yun pala..

[FLASHBACK]

Nakailang dial na si Jaki sa phone niya para tawagan si Vice, nagriring ito pero hindi nito sinasagot ang tawag niya..

Kaya naglakas loob na siyang tanungin si Vhong na lagi nitong kasama pag nagba-bar. Malakas kasi ang kutob niya na sa lugar na naman na yun pumunta ang huli, dahil nangyari na ito dati pero wala namang nangyaring ikagagalit niya, pero ngayon iba ang kutob niya..

"Vhong, alam mo ba kung saan nagpunta si Vice? Di kasi siya nagpaalam sakin, tapos di pa niya sinasagot yung tawag ko.." naluluha at nag-aalalang saad ni Jaki..

"Ahh.. Jaki, di ako sure kung san talaga siya nagpunta, tsaka pakiramdam ko kasi may kikitain siya na di ko kilala, di rin kasi siya nagsabi sakin, samin, pero kanina nakita ko siya nagmamadaling umalis palabas ng studio, kaya baka nagbar na naman yun, dun sa lagi naming pinupuntahan.. Alam mo na yun"

"Ahh sige..Thank you Vhong" pagpapaalam ni Jaki.

Pagkatapos nun nagmadali siyang umalis at kinuha ang susi ng kotse niya, pumasok sa kotse at pinaharurot ito ng mabilis. Kinakabahan siya, di niya alam kung ano ang nangingibabaw sa nararamdaman niya sa dami ng emosyon na nararamdaman niya ngayon. Galit siya, naiinis dahil di man lang nagpaalam sa kanya si Vice, nag-aalala, namamanhid, kinakabahan dahil baka kung ano nang nangyari sa taong mahal niya..

ViceJack One-Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon