Madam Bertud

76 9 0
                                    

Inspired by AdVICE GANDA  nung nakaraang sabado💕

Na-imagine ko lang, sure ako magugustuhan niyo toh😉

Yieee namiss niyo ba si otor? Kasi na-miss ko kayoooo😍❤️

Please follow me on my Official Accounts:
Twitter: @dian_luaresVJ28
IG: @dian_luaresvj28
WeSing: Diana Elpedes Luares
Tiktok: dian_luaresvj28
Facebook: Diana Elpedes Luares
FB Official Fan Page: Unofficial:Vice Ganda
FB Official Page: Author Studius_Gurl
FB Official Fan Group: Official JackieNatics

___________________________________________________________________
____________________________________________

Nandito na ko sa side ng stage ng Showtime para magpatulong kay Madam Bertud sa nararamdaman ko, matagal ko na kasing dinadamdam ito, kaya kailangan ko na ng tulong ni Madam Bertud. Alam kong hindi niya na alam na ako ito, na ako yung dating nakakabiruan niya mismo sa stage na to, yung dating nakakatawanan niya, yung dating pinapakilig niya, yung dating alam kong nagustohan niya at yung dating babaeng pinaasa niya. Nasasaktan na ko ng sobra at hanggang ngayon, hinog na hinog pa rin ang nararamdaman ko, hindi nagbago at mas lalong hindi naglaho..

"🎶Ate Vice, Ate Vice, Ate Vice, Ate Vice, Ate Viceee🎶" naluluha na ko dahil naglalakad na pala siya sa audience, bumalik na naman yung mga biruan namin sa alaala ko kahit 6 taon na ang nakakalipas.

"Ahh anong pangalan mo pala girl?" paunang tanong nito, sabi na nga ba, alam kong di niya ko makikilala dahil malaki na ang pinagbago ko mula nung umalis ako dito, sa industriyang ito. Pati siya malaki na rin ang pinagbago, baklang bakla na siya ngayon kumpara noon.

"Ahhmmm. Jaki po, Ate Vice" baka nga pati pangalan ko di na niya alala dahil alam kong wala lang ako sa kanya.

Nakita kong medyo nagulat siya, bakit? nakilala niya kaya ako? Pero nakita kong iniba niya agad yung reaksyon niya saka tumikhim nang walang mic..

"Ilang taon ka na?" tanong ulit nito. Saka umupo sa mesa nang pangbabaeng upo.

" Ahm, 28 po."

"Nandito po ako para magpatulong at magpa-advice sa nararamdaman ko." dugtong ko pa.

"A-ahh, anong maipaglilingkod ko girl?" tanong nito, buti na lang di niya ko nakilala, para mas mapadali ang usapang toh, gusto ko nang makapagmove-on at magmahal...ulit...

Ayokong biglain siya, kaya paunti-unti na lang muna ko ng sasabihin ko, lalo na't Live tong Showtime baka mapahiya lang ako, dahil alam kong babarahin niya lang ako.

"Kasi po, matagal na kong di nakakapagmove-on sa last relationship ko. Di ko po alam kung bakit dahil ginagawa ko naman po ang lahat, pero baka kaya ganun dahil sa minahal ko talaga siya ng sobra at umasa kong kami na talaga." malumanay na saad ko, naaalala ko na naman ang titigan namin on o offcam man, walang pinagkaiba. Mga pangako niyang napako, at mga Iloveyou's niyang nauwi sa Goodbye. Pinipigilan ko ang luha ko na pumatak dahil di pwede dahil national tv to at lalong hindi pwede dahil ayokong maalala niya ko.

"Bakit matagal  na ba ang nakalilipas nung kayo pa? Matagal na ba o bago pa lang?" tanong ni Ate Vice.

"Anim na taon na po ang nakalilipas, pero hindi ko alam kung bakit hindi pa ko nakakamove-on sa kanya." diretsong saad ko

"Ayyy, antagal na nun ahh? Bakit hindi mo na lang daanin sa limot ang lahat? Gawin mo ang lahat para makalimutan mo na siya, kung pwedeng magmahal ka na lang u-ulit para kahit papano mawala na yung sakit na dinadama mo..Buti naman kinakaya mo?" mahabang saad niya

ViceJack One-Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon